"You may not remember but... we met two years ago"Nagulat ako sa sinabi niya. Ilang saglit din kaming nagkatitigan. Walang umiimik, bumigat yung mga hininga ko; lumakas ang hangin at nahilo ako sa mga nangyayari, naguguluhan ako.
"P-paano? Two years ago? A-anong ibig mong sabi–" naputol yung sasabihin ko nung biglang may sumigaw sa bandang likuran namin.
"Hoy, hoy, hoy! Hindi pwede diyan! Keep off the grass nga diba?" Nagulat kami sa sigaw nung guard.
"A-ah ehh. Opo! Aalis na po" Umalis ako sa damuhan at bumalik sa footpath. Tumingin ako kay Dane pero paalis na siya.
Gusto ko siyang sundan pero naalala kong may klase pa pala ako ngayon. Humarap ako kay manong guard saka ako nagtanong.
"Anong oras na po?"
Tinignan niya yung wristwatch niya "9:45"
Nanlaki ang mata ko "9:45!?" sigaw ko saka ako nagmadali papunta sa susunod kong klase pero lumingon muna ako kay manong guard para magpasalamat.
"Kuya, Sala–" napahinto ako.
Nung paglingon ko ay wala na si guard sa kinatatayuan niya kanina. Inikot ko yung paningin ko at hinanap si guard pero wala na siya. Nag-shrug nalang ako at nagmadali nang pumunta sa classroom.Sakto pagdating ko ay wala pang prof. pero nakita kong nandun na si Gab. Nag-alangan ako pero lumapit padin ako sakanya, no choice na din kasi ako, katabi ko naman talaga siya sa klaseng 'to.
"Oy" bati niya sakin nung nakaupo na ako.
Tinignan ko siya ng masama saka ako umirap "Oy mo mukha mo!"
"Aba aba! Ikaw pa ang may ganang magalit?" lumapit siya saakin at pinisil niya yung pisngi ko.
Tinulak ko siya "Unggoy ka kasi! Hindi mo ba kasi alam yung salitang privacy?"
"Pwede mo naman kasing sabihin na hindi pwedeng malaman, kung ano ano pa kasing sinasabi mo kanina"
Napatigil ako at biglang natawa. "Hala oo nga no? Hahaha! Sorry Gab! Abnormal lang talaga ako"
"Ewan ko ba kasi sayo. Ganun ba talaga ka-importante yun para ilihim mo sakin?"
"Hindi naman pero... may mga bagay naman talagang kailangan isikreto nalang"
"Alam ko..."
Napalingon ako sakanya dahil sa tono niyang iyon ay may halong lungkot na hindi ko maintindihan kung bakit, pero sa way ng pagkasabi niya ay may iba itong kahulugan.
"P-pero kung..." Kinuha ko yung sulat at ipapakita na sana ito kay Gab pero biglang dumating si Sir Sevilla.
"Okay class, settle down" announce niya pagkapasok na pagkapasok pa lang sa room.
Lumingon siya at may isang babaeng nakasunod sakanya.
Meron siyang curly dark brown hair at hanggang bewang ito; Maputi siya at bilugan ang mukha na may pagka-chinita. Nakasuot siya ng isang black dress na hanggang tuhod habang suot niya ang blue bag na may Robby Rabbit na drawing. Kilalang kilala ko yung rabbit na yun dahil nung grade 1 ako ay yun ang bag ko.
BINABASA MO ANG
9:45
Mystery / ThrillerI met a strange guy by an accident. I'm the only one who can see what he can see, I'm the only one who can feel what he can feel. He may not say it but I know he needs me. And when the right time comes, I'll definitely save him. But..... Who will sa...