Jobie's POV
1 month na ang nakakalipas at magkaibigan na kami ngayon ni Vans, I did not expect this to be happen na magkakaroon ako nang kaibigan.
"Jobie, sa bahay ko na lang gawin naten yung activity." Request niya after i- announce ni Ma'am Lasierra ang 2 partner activity.
"Sige sige." Sagot ko naman.
"Jobie! Pwede partner tayo?" Sigaw ni Cerno sa katabi naming row.
"Hindi, ako na lang Cruz." Sigaw naman ni Jessie.
"May kapartner na ko, kayo na lang magpartner. In fact, parehas kayong mga talunan." Sabi ko.
Napagigil bigla ang mga mukha nila na ikinatuwa ko at ni Vans.
Di na rin kasi ako sumabay sa plano nila after ko maging kaibigan si Vans. Pero di ko pa siya pinagkakatiwalaan nang sobra. Hindi rin naten masasabi ang pupwedeng mangyari.
Recess na at niyaya ko na si Vans na bumaba. Pagkalabas ko nasangga ko sa balikat yung classmate kong babae habang umiinom nang c2.
"Fudge! Matuto ka ngang tumingin sa dinadaan mo!" Sigaw niya sa harapan ko. Sobrang sama nang tingin niya saken kasi natapunan siya. Di ko siya kilala kasi wala naman akong pakealam sa classroom.
"Sarili mo nang katangahan yan." Sabi ko sa kanya na kalmado.
Nanggigil ang mukha niya, halatang namula dahil sa pagkamestisa niya.
"Tara na, gutom na ko." Bulong saken ni Vans. At dumiretso na kami sa canteen.
Pagkatapos namen bumili, nakasalubong nanaman namin yung high blood naming classmate. Ansama nang titig niya saken. Parang pinapatay niya ko sa isip niya.
"Mag sorry ka na lang." Sabi saken ni Vans. Tumingin ako sa kanya na parang nagtatanong kung bakit. Sumenyas na lang siya na 'sige na'.
"Sorry" sabi ko na blangko ang mukha at umakyat agad. Wala akong oras para sa kalandian nang mga tao. Nababanas ako.
Pagka akyat namen ni Vans ay kumain agad ako. Bumungad saken si Cerno.
"Jobie, pwede ba kami pumunta sa bahay niyo mamaya?" Tanong saken nang gagang 'to.
"May pupuntahan ako, at bawal muna ako magpapasok sa bahay." Sabi ko nang walang namumuog reaksyon.
"Wala, pero si Dwazeign pinapunta mo na doon." Pagtataray niyang sagot at biglang lumaki mata niya. Nadulas ata.
"So ini-stalk niyo pala kami ni Vans." Sabi ko. Tahimik lang si Vans wala ni reaksyon at kumakain lang.
Hindi na nakapagsalita si Cerno sapagkat ay umalis na siya. Ibang klaseng tao ito. Ang galing.
Crizza's POV
Nalaman naming close na pala si Dwazeign at Cruz. Sabi saken ni Angelo. Sabi niya naNapansin lang daw nila pagkatapos kasi nang ilang araw simula nung first day ay lagi na silang magkasama. Kapit ko si Angelo, classmate ko siya simula nung Grade 3. Bully ang gago at binabalak bullyhin 'tong si Cruz. Pero sabi ko 'wag muna.
"Ang ta-tanga niyo kasi! Alam niyo naman na ayaw nang Cruz na yan nang maingay pero dadak lang kayo nang dadak sa harap niya. Paano na yung plano naten na maging sikat?!" Sigaw ko sa harap nang mga malalanding ito. Napakabobo naman! Nakakaasar!
Dagdag pa ni Angelo na nakaapat na punta na si Dwazeign sa mansion ni Cruz.
Hindi ko naging classmate si Dwazeign pero according to his activities, napakatalino niya sa three major subjects. Pero alam kong mas matalino pa rin ako.
BINABASA MO ANG
UNDER THE SUN
De Todo"Remember, all things that live under the sun is just temporary. Enjoy it."