Dedicated to @mintseok
Paki basa po ang author's note sa baba pagkatapos nyo pong basahin ang Ud.
Steve's P.O.V
Nagtataka ako kung bakit parang hindi mapakali si marisan , ewan ko ba parang may tinatago syang ayaw nyang sabihin Oo nga naman hindi nya talaga sasabihin yun tinatago nga ehh , siguro tama nga sya may pag ka tanga ako pero wala pa din syang alam saakin kaya hindi nya ako mapaglalaruan kung isa man sya sa kanila
Nandito na ako sa tapat nang gate nila , medyo may kalakihan kasi ang subdivision nila ehh kaya natagalan ako sa pagpunta dito . Nag doorbell na ako at wala pang isang minuto lumabas na ang yaya nila
"Oh sir kayo po pala , kanina pa po kayo hinihintay ni ma'am marisan , sabi nya po saakin pag andito na po kayo papuntahin ko po kayo agad sa kwarto nya" mahabang pagpapaliwanag nang yaya nila habang pumapasok ako sa bahay nila
"Salamat po , ahm asan po yung papa ni marisan?" pagtatanong ko sakanya
"Siguro po nasa trabaho pa po" tipid nyang sagot
umakyat na ako kaagad at hinanap ko kung saan yung kwarto nya at di naman ako nabigo dahil nakita ko ang isang kwarto na nakabukas at alam kong sakanya yun dahil sa patay na kulay na desenyo nito"Masyado nang mabaho ang singaw nang sekreto nang eskwelahang eto" nagulat ako sa sinabi nya paanong nalaman nya ang mga iyon ehh wala namang nagsabi sa kanya ?
"Alam kong nandyan ka na kaya pumasok ka na dito" paano nya nalaman na nandito ako ehh sinigurado ko naman na walang tunog na lumabas mula sa aking mga paa habang humahakbang ako kanina
"Ano pa bang hinihintay mo dyan pumasok kana O baka naman gusto mong hilahin pa kita dyan mula sa kinatatayuan mo "
"Oo na papasok na" padabog akong pumasoj sa kwarto nya "May itatanong lang ako , paano mo nalaman na nakatayo ako sa harap nang kwarto mo ehhh tahimik naman ako habang naglalakad kanina ?" pagtatanong ko sakanya
"Isipin mo" nang gag*go din ata to ehh ako nagtatanong ako din pinapaisip nang sagot hmp. Siguro may cctv sya dito
"may cctv ka?" pagtatanong ko ulit sakanya
"exactly , kaya wag kang tatanga-tanga ha" ako nanaman ang tanga , ako nalang lagi.
"Pero teka ano ba talaga ang sasabihin mo sakin at pinapunta mo pa ako dito" pagtatanong ko sakanya
"Hindi sasabihin ipapakita ko sa'yo ang isang evidence laban sa school natin" Nagulat ako sa sinabi nya paano sya nakakuha nang mga ganung bagay ?
Mamaya-maya pa may inilabas syang pulang papel at nagulat ako sa nalita kong litrato ....................................... puro dugo at mga putol-putol na katawan ang makikita mo at may maaaninag kading mga kadena na nakasabit sa dingding may mga kama din na may kadena sa bawat kanto nito , mukha syang torture room nakakapangilabot pero ang mas ikinagulat ko ay ang pagbaliktad ni marisan sa picture na hawak nya Sy 2014-2015 , so kuha yan sa batch last year pero sino ang gumawa neto ?
"Wag ka munang magulat because there's more" halata mo sa boses nya ang pagkakasuklam sa kung sino man ang gumawa nito .
pero kung nasusuklam sya pwes mas nasuauklam ako sa taong nakikita ko ngayon bakit sya nasa picture na yan ?ano ang kinalaman nya sa mga nangyayari ngayon ? isa ba sya samga killers ? parang di kapanipaniwala , para syang anghel na bumaba sa langit pag nasa school sya pero sa litratong to kakaiba sya para syang domenyo na nakawala sa kanyang pagkakakulong , nakakatakot ang hitsura nya , nanlilisik ang mga mata nya habang nakaharap sa camera may hawak syang kutsilyo sa kanang kamay nya sa kabila naman ay teka putol na kamay ang hawak nya sa may kaliwang kamay niya , ano bang klaseng babae sya para gawin ang karumal-dumal na krimen na to.
BINABASA MO ANG
EVERYONE HAS A SECRET
Mystery / Thriller"Everyone Has A Secret" The Newly Transferred student Marisan Hillton will face extra ordinary trials and happenings in their school. What will be the Cause? What will be Result ? Sino ang mabubuhay? Sinong matitirang matibay? Paano? Bakit ?