Chapter 2: Friends?

56 5 1
                                    

Maddie Adams' Pov

Ang saya saya pala ng first day ko sa school, its been four years na dito ako nag aaral sa East Wood. Since grade 7 dito na talaga ako nagaaral, kaya marami ang kilala ko at ang nakakila sa akin. Pero di naman ako masyadong famous talaga.

After classes ako, si Paula at Valoria ay pumunta agad sa cafeteria at nang pumunta kami doon umupo kaming tatlo at bumili ng pagkain.

Habang kumakain, bigla kong nakita si Gemma Rie Anderson na secretly aking kaaway.

"Maddie okay lang? Parang nakakita ka ata ng multo" alalang tanong ni Valoria.

"Oo, okay lang ako. Eh, nakita ko kase ang mortal enemy ko na si Gemma" Ang sabi nakin.

"Huh, sino si Gemma" tanong ni Paula kasi bagong lipat lang siya sa paaralan, hindi pa niya masyadong kilala ang mga students dito.

"Si Gemma Rie Anderson ay isa sa mga plastik at the same time annoying na estudyante sa school, kaya wag kang maniwala kaagad sa kanya baka masusunod ka nang bikitima niyan" sabi ni Valoria.

Noon kasi bestfriend talaga ang tingin ko sa kanya, pero pinaplastik niya lang ako ngayon, dahil nakita ko ang habol niya ang baon at pera nakin na ubos na sa kakahingi niya. Pero hindi lang yan ang pagloloko niya sa akin. Ayoko nang wala kay Gemma kahit kailan.

Pero sa malayong tingin, parang nakita ako ni Gemma at dali-dali siyang tumakbo papunta sa table namin.

"Hi Mads, may bago ka na palang bestfriends?" tanong ni Gemma at tinuntong pa niya ang kamay niya sa aking braso.

"Uh, Gems mamaya na lang tayo mag usap" pakiusap ko.

Gemma is so annoying, magpapakita lang siya palagi sa akin kung hihiram ng pera o gamit tapos hindi naman ibabalik.

Noon ko pa gustong sibakin si Gemma pero baka kasuhan ako ng animal cruelty dahil sa itsura pa lang niya hayop na.

Pagkatapos namin na kumain sa cafeteria, pumunta na ako sa bahay.

Sh**!
Pagpasok ko palang sa bahay nakita ko na si Gemma nakaupo sa sofa ng salas namin. Bakit pa ba pinayagan ni nanay na makapasok si Gemma.

Aba ang hayop na ito pacrosslegs pa habang umuupo.

"Hi Maddie, may sasabihin ako sa iyo in private lang" wika ni Gemma.

Eh tayo lang ngang dalawa ang nadito salas diba , you dumb?

"Fine" mataray ko na sinabi.

"Yung nanay ko kasi naghiwalay sila ng tatay ko. Ngayon naninirahan ako kay tatay. Hihingi lang sana ako kahit five hundred, wala na kasing pera si tatay kahit trabaho wala na din" salita niya na kuwaring nagmamakaawa.

Nanlaki ang mga mata ko at wala akong may ibibigay na ganyang halaga para sa kanya.

"Gems, wala akong pera ngayo-" sabi ko. Hindi ko napatapos yung sinabi ko dahil bigla na lang siya sumulpot.

"Diba ang totoong best friend tutulongan ka kahit anong mangyari, so you mean hindi mo na ako bestfriend?" sigaw ni Gemma.

"Gems, hindi mo na gets. Hindi naman palagi tutulongan ka ng best friend mo, besides hindi naman kita best friend!" Galit na sagot ko.

"Akala ko bestfriend kita pero hindi pala, naniwala lang ako sa wala!" sigaw niya.

Pagkatapos, biglang tinalikuran niya ako at tumakbo palabas ng bahay.

Punong puno ng galit ang damdamin ko sa kanya pero na realize ko na mali pala ang sinabi ko, nabiglaan lang kasi ako sa pagsigaw kay Gemma. Hindi ko alam kung anong pumunta sa isip ko.

Kaya hinabol ko siya sa labas ng bahay pero huli na ako, sumakay na siya ng tricycle pauwi.

Ikaw na bibig ka sana malasin ka din dahil sa mga pinagsasabi mo.

East Wood HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon