Chapter 3: Entomophobia

48 3 3
                                    

  Entomophobia is a fear or phobia of bugs, bees, ants and other insects------------------------------------------------------

 Valoria Rodrigez's Pov

 Sabi ng prof namin meron kaming science experiment ngayon sa science lab kaya hinihintay lang namin na dumating siya kasi nandiyan sa kanya ang mga gagamitin namin para sa experiment.

 Maya-maya lang dumating na siya at nanlaki ang mga mata ko. Nakita ko may hinahawakan siyang garapon na may paru-paru sa loob.

 "Waaaahhhhhh!" Malakas na sigaw ko.Pero parang nagulat ang lahat sa aking sigaw. Kasi parang ako lang ang natatakot sa magagandang paru paru."Ms. Rodrigez what's wrong with you?" galit na tanong ni prof.

 "Wala po prof" sagot ko.

 Pagkatapos, inilagay na ni prof isa isa ang garapon sa ibabaw ng mga mesa namin. Parang nagsimula nang tumatayo ang balahibo ko at hindi ko kayang gawin ang experiment.

 "Valoria, i'm so annoyed with you!" salita ng science partner ko na si Margo Mcmill na ingleserang pilingera. Anak lang siya ng principal ganyan na kataray ang ugali niya. Akala niya kung sino na siya.

 "Bakit natatakot ka sa paru-paru!?!" Dagdag pa niya.Tinalikuran ko na lang siya dahil siguradong iinit naman ang ulo ko. Hindi nila kasi nila alam na may phobia ako sa mga insekto at insekto na rin ang paru-paru!

 "Class, maguumpisa na tayo sa experiment" Hindi ko nakayanang tumitig sa garapon, kaya dali-dali akong tumakbo palabas at pumunta sa ladies comfort room.

 Para sa iba nakakatawa lang ito pero kung sa akin kinakabahan na aki.Tumingin ako sa salamin at biglang nagflashback sa utak ko kung saan nagsimula ang ang phobia ko sa mga insekto.

***Flashback***

 Isang araw, pumunta kami sa zoo at kasama ko ang aking mga kaibigan. Pumasok kami sa isang silid na puno ng mga lumilipad na insekto, pero bigla itong nakawala sa kanilang kulungan at kami ay hinabol ng iba't-ibang insekto.

 Nang gabing iyon hindi ko nalimutan ang aking naranasan. Doon nagsimula ang aking phobia. Basta basta na lang akong nagkaphobia kahit hindi ko alam kung ano ang reason nun.

 ****End of Flashback****

  Habang iniisip ko ang mga alaala, parang naramdaman ko na may umulog sa akin at pagtingin ko sa salamin nakita ko ang repleksyon ni Margo na lab partner ko.

 "Okay ka lang ba?" alalang tinanong niya.

 "Oo, okay lang ako" ang aking sagot. Pero nakita ko na biglang may kinuha siyang malaking balde na puno ng pinta at ibinuhos ito sa akin.

 Napaamang ako at pinagtawanan pa ako ni Margo.

 Pagkatapos, dali-dali siyang lumabas sa comfort room at nagulat na lang ako na may bumukas ng pintuan at maraming estudyante ang nakatitig at pinagtawanan ako.

 Ako ay mabilis na tumakbo palabas para makalayo sa kanila. Nakita ako ng aking mga kaibigan na si Perry at Maddie na naguusap sa corridor.

 Mabilis nila akong nilapitan. "Anong nangyari sa iyo? Hula ko si Margo the trouble maker naman ang may gawa nito" sabi ni Maddie.

 "Siya nga ang may kagagawa nito" sagot ko.

 "Dahil anak lang siya ng principal ganyan na talaga ang ugali niya, dapat pantay pantay lang tayong mga tao, walang mahirap walang mayaman ang turingan." Wika ni Maddie.

 "Grabe Maddie, freedom of speech mo na ba yan?" Ang biro ni Perry.

 "Halika na Val pumunta tayo sa janitor's room baka may extra na tuwalya doon, kalimutan mo nalang yan. Tomorrow is another day" maligayang salita ni Perry.

 Pagkatapos ng klase nagsipag uwian na ang lahat at pumunta na ako sa bahay namin, ako'y naligo agad. Parang hindi basta basta makukuha ang pintura gamit ng tubig at sabon, bwesit ka talaga Margo!  

East Wood HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon