Author's Note: May mga bad words to so, HAHA. And on the side, si Kalel ngayon, see the difference from the other picture from the prologue? Since two years na siyang wala sa Pilipinas para bumalik sa hometown niya, yung first picture na dark brown pa buhok ni Yoona, that's Kalel natural hair color; while the second picture is Kalel's present appearance, added blonde highlights and a bit longer. Confusing as hell, I know.
Prepare for my sucky Tagalog, goodbye for now.
---
"Oh my god, I'm so sorry!" Napasigaw ako, nakabangga tuloy ako, sabay drmatic effect na natapon yung coffee ko sa shirt nung guy. Uh-oh, lagot ka neto, Kalel; kakauwi mo nga lang after two years, nakagawa ka na kagad ng eksena.
"Okay lang to, puting t-shirt lang naman 'to e." Binigyan ako nung guy na matirik na tingin, I just glared back.
Pasalamat siya mas matangkad siya sakin!
Pinunas niya yung white v-neck niya gamit ang panyo na binigay ko, scowling. "May kamukha ka, 'lam mo yun?" He mumbled, but I still heard it, nonetheless. Tumaas kilay ko, ako? May kamukha? Sino?
"Huh?"
"Si Kalel, ex-best friend ko, gago yun e. Nangi-iwan ng biglaan," He rolled his eyes, shoving my blue handkerchief back in my hand. Natulala nalang ako, my breath caught in my lungs, siya to! "Kaboses mo rin, nung grade 6 kami, nung nakilala ko siya, ang weird kaya. Yung accent, teka lang, Japanese ka ba?"
"Half," Tinama ko siya, too dumbfounded to even speak anymore. Hangga't dumating sa punto na naalala ko tong mokong na to at napikon na lang ako. "Malay mo! May reason yung Kalel na yun! Wag ka ngang bastos! Ikaw yung nagmumukhang gago dito e!"
Huminga ako ng malalim, sure nakakuha kami ng attention, but I was too angry to care. Masisisi mo ba ko? Pinoprotektahan ko lang naman pride ko. "Umayos ka nga, Jericho! Hindi na nakakatuwa e!"
"Sino ka ba para sabihang umayos ako?! At pano mo nalaman pangalan ko?! Kasama ka siguro sa fan club ko no?! De joke lang, pero pano?!"
"Pakyu! Ako to! Oh diba! Gago ka pala e! Reklamo ka ng reklamo e di mo nga ko mamukhaan! Ako to! Si Maria Kalel Santos Nakano ano ba! Nakaka-asar ka na ah!" At yun, nakalayas na rin ako, leaving him in utter shock. Buti nga.
Ako gago? Mas gago siya.
Hindi ka parin talaga nagbabago, Jericho. Kamusta ka na kaya?
---
"Ma! I'm home!" Tinanggal ko ang aking mga sapatos sa sahig, yung bonnet ko naman sa coat rack.
"Kalel! Nandito ako sa kusina! May pagu-usapan tayo." Ano nanaman to, inay?
Hesitantly, I walked to the kitchen, a frown on my thin pale lips. Sumilip ako, nandun si mommy, naka-upo sa isang stool sa tapat ng glass counter, may cup of coffee sa kamay niya. Naalala ko tuloy yung kanina, kabwisit. "Yes, ma?"
"Sit down," Ningitian niya ako, then I had the sudden urge to run away when I still can. Yan yung mga tactic ni mommy dearest e; ngingitian ka niya, papa-upo-in ka niya sa tabi niya, tapos biglaan nalang niyang sasabihin saiyo na patay na pala aso mo. Ganyan nanay ko.
Umupo ako sa stool na katatabi ng sakanya, nakakunot ang mga kilay ko.
"Since hindi ka pa rin tapos sa high school, you're going back to school next week, tinawagan ako ni Jericho na pwede pa mag-enroll kasi may lumipat daw! He also told me na nagmeet na kayo!"
Pano mo nakuha number ni mommy, Jericho?!

BINABASA MO ANG
Kundiman
Teen FictionMadami kaming pagkaka-iba, but tell me, why did I even had the guts to fall for him?