Chapter 2

24.1K 479 9
                                    

Kinakabahang pumasok si Stephany Guevarra sa opisina ng department head nila. First time niyang ipatawag dito sa loob ng tatlong taong pagtatrabaho sa kompanya.

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa Miss Guevarra. You're fired." ani ng head nila.

Nagulat siya sa sinabi ng head nila. Maayos naman ang mga trabaho niya at wala naman siyang ginagawang masama pero bakit siya tinggal nito sa trabaho?

"Ma'am, mawalang galang na po. Ano po ang nagawa kong mali? Sa pagkakaalam ko maayos naman po ang trabaho ko at sa tatlong taon kong nagtatrabaho sa kompanyang 'to kailanman hindi ako umaabsent o na-late kahit isang beses." Anya.

"Pasensiya ka na Miss Guevarra 'yan ang utos ng nasa taas. Kung may gagawa lang ako." ani ng head.

Bagsak ang mga balikat na lumabas ng opisina. Hindi niya alam kung saan kukuha ng panggastos sa pang araw-araw at sa kapatid niyang anim na buwan ng nakaratay sa ospital.

Mahirap pa namang makahanap ng trabaho sa panahon ngayon.

"Stephy girl, nagliligpit ka? Na-promote ka na ba? Kaya lilipat ka na ng ibang quarter?" ani ng isa niyang ka-opisina.

"Oo nga girl, tatlong taon ka ding nagtatrabaho sa kompanyang 'to kaya nararapat lang na ma-promote ka." ani ng isa niya pang ka-opisina.

"Kaya pa cheese burger ka naman d'yan." Sabay na ani ng dalawa.

Tipid na napangiti si Stephany at kinwento ang napag-usapan nila ng deparment head sa loob ng opisina nito.

"Grabe naman. Ang sama naman pala ng boss natin. Ano na ang plano mo ngayon?" ani ng ka-opisina niya.

"Maghahanap ng trabaho siyempre. Malapit ng maubos ang ipon namin ni kuya sa mga gamot. Isama po ang pang araw-araw na gastusin." Mabuti na lang sagot na ng ospital ang bill ng kuya niya kung hindi mabubuwang siya kakahanap ng pera lalo na wala na siyang trabaho ngayon.

Anim na buwan ng comatose ang kuya Stefano niya matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang van papunta sa isang medical mission. Isang nurse ang kuya niya at nagvolunteer ito na sumama sa medical mission ng ospital na pinagtatrabahuan nito.

Pagkatapos magpaalam sa mga dating katrabaho dumeritso siya sa ospital para bisitahin ang kuya niya.

"Hi kuya! Good morning! Naririto na naman ang dyosa mong kapatid. Grabe ka kuya anim na buwan ka ng natutulog d'yan hindi pa ba sumasakit ang likod mo?" ani ni Stephany habang inaayos ang kumot ng kuya niya.

"O, Stephany, nandito ka na. Ayos lang ba sa 'yo na umuwi  muna ako ng maaga? Luluwas kasi sila nanay at ako ang inutusan ng ate ko na sumundo sa kanila sa terminal ng bus." ani ni Joy, ang girlfriend ng kuya niya.

"Oo naman ate. Nakakahiya nga sa 'yo ikaw pa ang nagbabantay kay kuya." Anya.

"Walang kaso namang kaso akin. Mahal na mahal ko ang kuya mo. Handa akong maghintay sa kanya kahit sinabi ng doktor na wala ng pag-asa." Niyakap ni Stephany si Joy na umiiyak.

Ayaw niyang makitang may umiyak sa loob ng kwarto ng kuya niya dahil ayaw niyang maramdaman ng kapatid na pabigat siya. Naniniwala siyang kahit walang malay ang kuya niya alam naman niyang naririnig nito ang paligid.

"Tahan na ate naririnig tayo ni kuya. Ayaw naman natin siyang malungkot, diba? At saka hindi tayo nawawalan ng pag-asa na isang araw magising na siya." Anya.

Pagkatapos ng madamdaming tagpo nagpaalam na si Joy. Naiwan naman si Stephany na pinupunasan ang kapatid.

"Hay naku kuya!Alam mo bang may pumuporma na kay ate Joy. Naku! Naku! Kapag hindi ka pa gumising d'yan maaagaw na sa 'yo si ate Joy." Biro niya. Nagbabaka-sakaling magising na ang kapatid niya. Alam naman niyang mahal na mahal din ng kuya niya ang girlfriend nito.

NEXT IN THE THRONE ---[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon