Chapter 5

21.7K 471 8
                                    

Nawe-weirduhan si Stephany sa boss niya. Pupuntahan siya sa table niya tapos biglang babalik sa loob ng opisina tapos pupuntahan siya ulit, tapos babalik. Pangatlong na nitong pababalik. Parang may gusto itong sabihin na hindi masabi. Pati siya parang weirduhan na rin.

"Good morning, Stephany! O, bakit ka nakasimangot ka r'yan? Abay! Malas sa negosyo 'yan." Bati sa kanya ni Carl. Mukhang pupuntahan nito ang boss.

"Ewan ko r'yan kay boss pati ako nahahawa na rin sa kaweirduhan niya." Nakasimangot na anya.

"Ha?" Sinilip ni Carl ang boss sa loob ng opisina na ngayon ay nagpabalik-balik pa rin pero sa loob na lang.

"Ako ng bahala rito. Magbreak ka muna o di kaya'y bisitahin mo mga kaibigan mo rito." ani ni Carl.

Pagkaalis ni Stephany agad pumasok si Carl sa opisina ni Travis at isinarado ang pinto.

"Boss, para kang constipated d'yan. Ano bang problema mo?" Sinamaan ng tingin ni Travis ang kakapasok na si Carl.

"Bakit ko pa kasi naitanong, e, alam ko naman ang sagot. Anyway, ano naka-usap mo na si Stephany? Anong sabi?" ani ni Carl.

"Hindi pa. Gusto ko siyang maka-usap sa isang private na lugar hindi rito sa opisina baka may makarinig sa pag-uusapan namin." anya.

"So, ano boss, maghahanap ako ng private na lugar para makapag-usap kayo ng maayos?" ani ni Carl.

"Ako na ang bahala ro'n. Ang iniisip ko ngayon kung paano ko siya mapapasama sa akin." anya.

"May naisip ako, boss. Sabihin mo na may urgent meeting ka sa labas at saka kailangan mo ng sekretarya na magta-take down notes. Ayos na 'yon." ani ni Carl.

-----

Pinagmamasdan ni Stephany mula sa loob ng restaurant si Travis habang may kausap ito sa cellphone. Nitong mga nakaraan na we-weirduhan siya rito at mas lalo na ngayon dahil sinama siya nito sa meeting na simula't sapol na pagtatrabaho rito, e, hindi siya sinima. Nang magtanong siya rito sinagot lang siya na kailangan daw nito na may mag-te-take down notes sa meeting nila ng kliyenteng hapon.

Iniwas niya ang tingin nang muling pumasok ang boss at naupo sa harap niya.

"Sorry for keep you waiting. Anyway, hindi na raw makakarating si Mr. Oshima. Nagkaroon daw ito ng emergency." ani nito.

First time nga siyang isinama ng boss niya sa meeting na unsiyami pa at saka gutom lang ang inabot niya. Mukhang wala naman siyang balak pakainin pakainin ng boss niya.

"Lunch break pa naman, kumain na lang muna tayo bago umalis." ani nito saka nagtawag ng waiter.

"Order anything you want." ani nito matapos ibigay sa kanya ang menu. Sinunod naman niya ito at pumili ng pagkain na di kamahalan.  Malay naman niyang siya ang pagbabayarin ng  kakainin niya.

Nagsimula na silang kumain matapos dumating ang inorder na pagkain. Nagkukwentuhan este si Stephany lang pala ang nagkukwento dahil tahimik lang nakikinig ang boss niya. Napansin niya na hindi na ito masyadong masungit at malupit sa mga empleyado. Nang dahil do'n ay nagpapasalamat sa kanya ang mga empleyado na hindi naman niya alam kung bakit. Halos lahat ng empleyado sa ng McCain company ay kaibigan niya. Napaka-friendly rin naman kasi niya at kung nasa isang pageant man siguradong siya na ang miss friendship.

"Babalik na po ba tayo sa opisina, boss?" anya matapos silang kumain at makapagbayad. Nanghihinayang pa nga siya. Kung alam niyang ang boss niya ang magbabayad edi sana 'yong mahal ang kinain.

"Hindi. May pupuntahan pa tayo." Hindi na siya nagsalita at tahimik na sumunod sa boss niya. Gusto sana niyang sabihin dito na may trabaho pa siya pero naisip niya na kasama naman niya ang boss niya at saka baka may meeting pa ito.

NEXT IN THE THRONE ---[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon