TINDERA: Suki, bili na kayo ng pakwan. Mapula at matamis.
(Nabitiwan ng tindera ang isang pakwan, bumagsak sa semento at nabiyak.)
SUKI: Sabi mo mapula. Maputla naman pala ang pakwan na tinda mo.
TINDERA: Aba, kayo man ang bumagsak sa semento, mamumutla rin kayo!
