BAKA SIOPAO KA .?

77 1 0
                                    

"Ay! te? ano siopao lang juskooo nabola bola kalang binilhan mo ng motor? bakla ka sasapakin kita"

"Eh sabi nya kasi mahal nya ako"

Habang nasa isa akong fast food eh may nadidinig akong dalawang naguusap .

UMASA? napakadami nyan hindi na nga sila mabilang eh ay este hindi na KAMI mabilang ....

Minsan nadin akong umasa sa taong akala ko ako yung pipiliin . pero masakit na malamang ang inaakala mo ay isang pagkakamali at kathang isip lamang.


UMASA KANA BA? Syempre oo masakit no? yung pakiramdam na akala mo lahat ng sinasabi nya sayo totoo lahat ng matatamis na salita efforts at kung ano ano pang sweet stuffs . na hindi mo alam kung pano mo tatanggapin . Totoong masakit umasa sa isang bagay na akala mo totoo akala mo nageexist sa mundo at higit sa lahat akala mo sayo . Natanong mo na ba sa sarili mo kung bakit ka nga ba umasa ?


"Mars naman kasi ang tagal ko ng type yun highschool kami jusko crush ko yun "

"Mars oo type mo pero grabe naman yung binilhan mo pa ng motor ano mars? eh kung sakalin kaya kita ? kaibigan mo ko mars kahit papano naman ayoko ding nasasaktan ka .minsan mars hindi lahat ng matatamis na salita kailangan mong pakinggan ano mars kailan ka pa naging siopao?"

BAKIT KA NGA BA SIOPAO?
(binola bola kalang asado kana be 😂)

1. Kasi akala mo yung mga pinapakita nya sayo eh espesyal pero hindi mo alam hindi lang naman pala ikaw yung pinakikitunguhan nya ng ganon. (ARAYYY)

2. Kasi gusto mo sya tapos sya hindi ka gusto so sa mga maliliit na bagay na pinapakita nya sayo eh binibigyan mo ng kahulugan dahil nga gusto mo sya . abay syempre think positive kang bet ka din nya . (shunga)

3. Kasi PAASA talaga sya wala kang kasalanan gago lang sya period.  (shut up kana lang bes)


"Anong balak mo nyan mars may pamilya pala at ang gagong hokage tinakbo na yung motor mo iniwan kapang luhaan?"

"Maaaaaars !!!!!!"

Hindi naman masamang umasa eh . lalo na at may motibo kang nakikita mula sa kanya , nagiging masama lang dahil masyado kang nagassume na kung ano yung nararamdaman mo sa kanya tingin mo baka ganun din sya sayo. VERY WRONG !!!!





*****************************************************************************************************
''MGA KADALASANG SITWASYON NA PINAPASUKAN DAHILAN KUNG BAKIT KA NASASAKTAN ''

(THE FUBU)

Apple's POV


Pusang gala naman hindi ko na naman naabutan yung bus so kailangan ko na naman maghintay dito sa napakainit na waiting shed! sa bagay 7:30 palang naman 9:30 talaga pasok ko sa work trip ko lang pumasok ng maaga dahil may dadaanan pa ko 30 minutes pa yung iintayin ko para sa susunod na bus badtrip talaga !!!!

"Oh teka ? sya na naman nako late na naman siguro tong babaeng to!"

Hindi ko sya kilala lagi ko lang syang nakakasabay maghintay ng bus dito sa waiting shed nato usually lagi ko syang nadidinig magmura dahil sa sobrang inis . hindi ko sya kinakausap kahit madalas kaming magkasabay sa paghihintay ng bus .

*Ring ring ring*

"Ms? "


Aba tulaley ata yung phone nya tunog na ng tunog eh!!


"Ate?"


Aba wa effect parin !


"sagutin mo kaya yang phone mo !!"


Bakit nga ba tayo nasasaktan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon