Nararamdaman ko na ang init dahil sa sikat ng araw na dumadapo sa aking balat.Napatingin ako sa orasan katabi ng higaan ko at nakita kong alas diyes na pala ng umaga.
Kailangan ko na pa lang bumangon at maghanda para sa pagpasok.
Pagkatapos kong maghanda tinignan ko kung may natira pang pagkain sa kusina ang kaso lang wala na pala. Mukhang nakalimutan kong mag grocery ng kakainin para ngayong linggong .
Dahil wala namang pagkain nagpasya akong pumasok at sa school na lang kumain.
Pagdating ko sa eskwelahan ay eksaktong pagtunog na ng bell kaya dali dali na rin akong pumunta sa aking silid...
Pagpapasok ko pa lang sumalubong na sa akin ang mga maingay na mga kapwa ko estudyante. May iba na parang mga bata at naghahagisan ng mga papel akala mo mga bata. Ang iba naman na naguusap tungkol sa pelikulang bagong labas sa sinehan at may iba naman na may sariling mundo dahil sa librong binabasa.
Dali dali akong nagtungo sa upuan ko sa may bandang likuran.
Sa Ikatlong taon ko sa high school wala pa akong naging kaibigan. Hindi kasi ako komportable at hirap akong magtiwala kaya hindi ako masyadong nakikihalubilo sa iba.
Simula kasi bata pa lang ako alam kong hindi ako normal . May kakaiba sakin kaya siguro hindi ako komportable sa mga tao sa paligid ko . Bukod sa mas matured akong magisip kaysa sa mga kaedaran ko naging malaking parte rin siguro ang kakaibang itsura ko. Mayroon akong kulay blue na mga mata na kasing kulay ng kalangitan pero ang lalong nagpatingkad dito ay ang itim at tuwid kong buhok at ang maputi kong balat.
Sa pagiintay, pumasok na ang aming guro para sa araw ngayon. Sumapit na ang alas dose at lumipas ang oras at hindi ko namalayan na tapos na pala ang klase.
Dali dali akong nagtungo canteen para kumain at makauwi na dahil tapos na rin naman ang klase ko.
Pagkatapos kong kumain nagpasya na kong umuwi at habang naglalakad hindi ko maiwasang tumigin sa harap ng gate ng school.
Hindi ko alam kung bskit pero may narardaman akong kakaiba pinag walang bahala kp na lamang ito at pinagpatuloy ang paglalakad
Ang hindi ko alam maaring ito na pala ang ang huli kong beses na makaka pasok sa school.
...
![](https://img.wattpad.com/cover/7186837-288-k972597.jpg)