Chapter 32

10.3K 303 16
                                    

ALYSSA'S POV:

"O, panalo naman kayo kanina diba? At 3 straight sets pa. Bakit ganyan yung mukha mo? Parang kayo yung natalo ah." nakangiting tanong sa akin ni Kiefer.

Kasama namin sya ngayon dito sa coaster. Kailangan ko daw kasi silang ilibre ni Pots dahil ako daw yung POG, at talaga daw sinuportahan nila ako. Dami pa ngang sinumbat. Hindi ko naman sila pinilit manood. Tsk.

"Hulaan ko kung bakit?" sabi naman ni Pots. Hininaan nya lang kasi natutulog yung iba naming kasama.

"Ate Els, bakit hindi nanonood si Ate Den?" narinig naming tanong ni Jirah.

Tumingin naman sa akin si Kiefer na parang sinasabing, 'ah yun pala yung dahilan'.

Inirapan ko lang sya. Bahala sya, naiinis pa rin ako.

"Shh, quiet. Annoying cat!" ayan na naman yung pagsusungit ni Jia kay Jirah.

"Psh! Parang nagtatanong lang eh. Ikaw talaga Jialoves, lagi mo na lang akong pinapansin. Halatang-halata na patay na patay ka sa akin eh." pa-cute naman dito ni Jirah.

Magsasalita pa sana ni Jia pero naunang magsalita sa kanya.

"Oy, kayong dalawa, wag nga kayo dito magharutan! Nakita nyong natutulog yung mga tao eh. Tumahimik nga kayo dyan!" saway naman ni Bea sa dalawa. Ayan, ang ingay kasi.

"Yun naman pala yung dahilan ni Phenom eh. Bakit di mo itext or tawagan para tanungin kung bakit hindi sya pumunta." mahinang sabi naman ni Kief.

"No need. Look." sabi ni Ella sabay abot ng phone nya sa amin.

Malungkot na tumingin ako sa kanilang dalawa.

"Well, alangang unahin nya yung bestfriend nya kesa sa boyfriend nya diba?" nakakatampo talaga si Den. Sana hindi na lang sya nagpromise kung meron naman pala silang lakad ni LA ngayon.

"Okay lang yan Ly. Baka naman importante yung pinuntahan nila." pag-aalo naman ni Kief,

"Yeah, sobrang importante kasi yung pagsshopping eh!" inis pang sabi ko.

Kasi naman, nung birthday nya, bago kami umuwi, nangako sya na manonood sya ng live. Na sisiguraduhin nya na nandun sya para suportahan ako. I mean, yung buong team. Pero wala, ayun sya, nagpapakasaya kasama nung boyfriend nya.

"Sus, ganyan yan si Ly, galit ngayon pero kapag kinausap na sya at nagsorry na si Besh, mabilis pa sa alas-kwatro nyang mapapatawad yon."

Nakipagfistbump naman dito si Kiefer na halatang sumang-ayon sa sinabi ni Ella.

"Excuse me? Hindi ako galit. Naiinis lang."

"At nagseselos." sabay pa nilang sabi.

"Of course not!" medyo lumakas yung boses ko kaya agad kaming sinamaan ng tingin ng mga kasama namin sa coaster.

Nagpeace sign naman ako sa kanila at ngumiti.

"Ayan, wag kasing masyadong defensive Ly. Napapaghalataan eh." tatawa-tawa pang bulong ni Kiefer sa'kin.

Inirapan ko na lang sila at ipinikit na yung mga mata para hindi na nila ako kausapin pa. Kanina pa kasi nila ako pinagtutulungang dalawa, hindi na nakakatuwa.

"Why are we here?" takang tanong ko sa dalawa. Nakakaloka, natulog lang ako tapos paggising ko, nandito kami sa Ally's. Anyare?

"We'll eat." sagot naman ni Kiefer.

"I mean. Bakit ako nandito? Nasa coaster ako kanina diba?" tanong ko pa.

Right kind of wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon