Chapter 8

12.8K 402 16
                                    


AN: Last one. Haha. Enjoy. Happy bday ulit kay Denden ko. Mwah!

=======================================

ALYSSA'S POV:

"Aww, ang sweet nila no? Feeling ko magkakabalikan talaga sila. Lalo na kung hindi ka pa talaga kikilos." napasimangot naman agad ako sa sinabi ni Pots. Oo na nga eh, nakikita ko naman eh, bakit kailangan pa nyang ipamukha sakin diba? Sa dinami-dami kasi ng pwede naming makita dito sa Baguio, bakit si Myco pa? Bakit ba kailangang lagi akong may kaagaw sa atensyon ni Dennise?

At ang mas nakakainis pa, wala akong magawa. Nakikita ko kasi kung gaano kasaya ngayon si Denden eh. Sino ba naman ako para hadlangan yon diba? Sabi nga nila, kung mahal mo talaga, hahayaan mo kung saan sya masaya. Masakit oo, pero at least masaya sya. Yun lang naman yung importante don eh.

" Pots, it's okay. Alam naman natin na hanggang ngayon, mahal pa rin nya si Myco diba? At isa pa, sino ba naman ako para hadlangan yung happiness nya diba? Hayaan na natin sya. Ngayon ko lang ulit nakitang ganyan kasaya si Dennise." malungkot na sabi ko na lang kay Ella.

"So suko ka na?"

Umiling naman ako sa kanya.

"Wala namang susukuan dahil una pa lang, wala na akong laban. Hindi pa ako nagsisimula, talo na ako." sagot ko naman sa kanya.

Tumango-tango naman ang bruha.

"So wala na talagang Alyden?" pangungulit pa nya.

"Kulit mo naman Pots eh. Hindi naman nagkaroon non. At kahit kelan, hinding-hindi magkakaron ng Alyden." pilit akong ngumiti sa kanya habang malungkot na nakatingin kila Dennise at Myco na kanina pa nag-uusap sa may harap namin.

At parang naramdaman ata ni Denden na pinag-uusapan namin dahil bigla syang lumingon samin at nakangiting kumaway.

Ngumiti lang din naman kami ni Ella sa kanya at tumango. At yon, tumalikod ulit sya samin at nakipag-usap ulit sa prince charming nya.

"Hay, bakit kasi ganon Pots, bakit tayo nagmamahal ng mga tao na hindi naman tayo kayang mahalin?" mahinang sabi ko sa kanya.

"Pero papa'no kung mahal ka rin nya? Kaso lang, napagod na syang maghintay sa isang tulad mo." makahulungang sabi naman nya sakin.

"Pots?" takang tanong ko sa kanya.

"Nevermind Ly. Lika na. Mamaya ka na mag-emote dyan. Magbangka muna tayo don. Malay mo mahamugan bigla yang utak mo at biglang magbago diba? Bigla kang magkaroon ng lakas ng loob na sabihin kay Besh kung ano talaga yung nararamdaman mo." natatawang sabi naman nya. "Pero Besh, wag kang magtatangkang tumalon don ha, alam mo na, hindi din ako marunong lumangoy."

"Okay lang yan Besh, pwedeng-pwede naman kitang gawing salbabida. Sigurado ako, lulutang tayo." kala nya ha!

Bigla naman syang napasimangot pero bago pa sya tumalak, hinila ko na sya papunta kila Ara na naghihintay na samin sa may bangka.

"O nasaan si--" hindi na naituloy ni Kim yung itatanong nya dahil siniko na sya ni Bang at itinuro nga yung dalawang taong parang ayaw ng maghiwalay.

"Oh I see. Bagay talaga----" hindi nya ulit natuloy dahil binatukan naman sya ni Ara sabay nguso sakin.

Ngumiti naman ako sa kanila.

"Okay lang no! Tama naman si Kim eh, bagay talaga sila. Hindi ako magugulat kung bago tayo bumalik sa Manila, sila na ulit." pinilit kong pasiglahin yung boses ko. Ayoko naman kasing makita nila akong nasasaktan ngayon. Bonding nga kasi namin 'to diba? Dapat masaya ako.

Right kind of wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon