Prologue and Chapter 1: Screaming Moment

90 2 0
                                    

Prologue:

"It's so easy to love a flower but not a leaf. It's so easy to love the beautiful but not the ordinary" sabi sa isang story. Hindi ko maipinta ang nararamdaman ko? Mahal ko na ba siya? Bakit tuwing lalapit siya parang natutunaw ako. Hindi naman siya kabaitan pero bakit ganito nararamdaman ko sakaniya?

 Chapter 1: Screaming Moment

Mystery girl daw ako sabi nila kasi hindi ko daw maipinta nararamdaman ko sa isang boy. Siguro nga tama sila? Hindi kasi ako sure kung love na nga ba? Ako nga pala si Lheizelle Cham Rezequillo. A girl heartthrob in school at mapa labas man ng campus. Oo, sabehin na natin fame ako pero pag dating sa love... (speechless ako) Bakit nga ba? 

Nagsimula ang pagiging mystery ko nung training namin ng volleyball. Tuwing nag traraining kami kasama namin ang high school  sa gym. So, nag kakalapit lapit ang boys and girls. Pag ako yung pumapalo may nag cheecheer sakin. Yun ay si Jherielle Lance Alcantara, mayabang at matrip na captain ball ng high school boys. He is so epal talaga, lagi siyang nag papansin. Pag nagkakamali ako todo sumbong siya sa trainor namin. Lagi din niya ako pinapansin.

"Si Lheizelle oh, tinatawanan ka po" sabi niya sa trainor namin.

"Kaepal mo talaga, hindi no? Huwag po kayo maniwala diyan, hindi po iyun totoo. Kasinungalingan mo talaga" depensa ko sa sarili ko.

Hindi ito pinansin ng trainor namin. So, tuloy tuloy lang ang training. Biglang umalis si Jherielle, para pulutin ang bola. Nung hawak niya na bigla ba namang ibato sakin. Nag tawanan ang lahat (scream)

"Buwisit ka, bakit mo ko binato?" pagalit kong sinabi.

"Hahahaha (tawa lang siya ng tawa)" ang kanyang epal na tawa.

Binato ko rin siya ng bola at sakto sa kaniyang mukha. Edi nag tawanan nanaman ang mga co-players namin pati trainor (scream) Bigla siyang lumapit sakin. Sabay sabing:

"Eh, bakit mo ko binato at sa mukha pa, huh?" pasigaw niyang sinabi.

"Eh, bakit din ba kasi ang epal mo? Bakit mo rin ba kasi ako binato, hindi naman kita inaano?" pasigaw ko ding sinabi.

Tumahimik siya, bigla siya umalis para ipagpatuloy ang training. Sa sobrang inis niya, hindi niya ako pinansin ng isang araw. What the? Anyare, sakaniya?

(Evening)

"Oh, bakit Lheizelle? Malalim ata iniisip mo? Dahil ba kay Jherielle? Huwag kana mag isip, natopakan lang yun kaya tahimik yun ngayon. Ayaw niya kasi na napapahiya siya." sabi ng co-player kong bestfriend.

"Hoy, hindi noh? Yun iisipin ko, sheeet mangarap na lang siya noh?" sabi ko.

Pero deep inside talaga iniisip ko siya? Kasi nakakamiss pang aasar niya sakin. Huh? Hindi ito puwede ako! Iniisip siya, meged Lheizelle "It can't be, it can't beBulong ko sa sarili ko.

Unexpected Falling InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon