Kilig Much Day

24 2 1
                                    

Chapter 4: Kilig Much Day

Nag announce yung campus President na may gaganaping PARTY sa 26. So, lahat nag reready. Ako todo effort pa, bumili pa ako ng dress and wedge shoes ko. Palapit na ng palapit ang day nun. So, bukas party na. Kailangan maganda ako, pero ok lang. Maganda naman ako kahit walang ayos (chos lang).

This DAY that we are WAITING

Nung bumaba na ako ng kotse namin dahil hindi naman na ako sinundo ni Jherielle nun. Nasa gate si Jherielle para alalayan ako sa pag akyat. Edi binigay ko kamay ko. Nalate kasi ako nun, kaya nagalit pa siya. Dahil antagal tagal ko daw dumating. Eh depensa ko naman, antagal kasi ng ginawang treatment. Pag pasok ko, nag tinginan ang lahat. Napagalitan pa ako ng Prof. ko late na daw kasi ako. Hindi na kasi ako nakapanumpa. Hinatid ako Jherielle sa upuan ko katabi ko mga bestfriends ko.

Nung DANCE na (sweet dance) ay niyaya niya ko para mag sayaw; pumayag naman ako.

"Shall we dance?" sabi niya sakin.

"Sure (sabay smile)" sabi ko naman.

Habang sumasayaw kami, nag kuwekuwentuhan kami. Tapos tinanong niya ako.

"May nanliligaw na ba sayo?" tanong niya.

"Huh? Wa-wala no!" sagot ko.

Sa mukha niya, hindi siya naniniwala. Posible naman daw kasi walang nanliligaw sa ganda kong ito. Hahaha (medyo feeling) eh totoo naman kasi eh. Ayaw niya ako paupuin kasi ayaw niya daw na babangko ako. So, sayaw lang kami ng sayaw. Niloloko na nga kami eh, antagal daw namin mag sayaw. Hahaha "wala kayo pake!" sabi ko na lang sa sarili ko.

Pagkatapos ng PARTY, hindi na kami nag kita. Kasi umuwi siya agad, ako hinihintay ko pa sundo ko. Buti na lang, dumating agad. Pag dating ko sa bahay, ee kumakain ako. Tumawag siya, ang nakausap niya MAMA ko. Hello ng hello si Mama hindi siya sumasagot. So, binigay na lang sakin ni Mama yung cellphone ko.

"Hello, sino ba ito?" sabi niya.

"Si Lheizelle na ito. Kumakain ako (nakikipag usap habang ngumunguya)" sabi ko.

"Ah, asan kana? Nakauwi ka na ba?" sabi niya.

"Oo, nakauwi na ako. Ikaw ba nakauwi kana?" sabi ko.

"Oo, kanina pa. Sige bye na. Check ko lang kung nakauwi kana.sabi ko.

WOW siya nag aalala. Hahaha kilig ko naman. De joke lang. Habang kumakain ako, nakikipag txt ako.

"Lheizelle, sino yun?" tanong ni Mama.

"Si Jherielle po, tinatanong kung nakauwi na po ako." sagot ko.

"Ah, nakauwi na din daw ba siya?" tanong nanaman ni Mama.

"Opo, nakauwi na daw siya kanina pa daw po" sagot ko.

Oh, ano naman kaya naisipan ni Mama, bakit naman ako tinatanong ng ganun? Hay hay hay. Simula nun, hindi ko na alam kung ano nga ba nararamdaman ko. INLOVE na nga ba ako sakaniya? NaFALL na ba ako? 

Ano ba itong naiisip ko. Lagi ko siyang napapanaginipan. Lagi din bumibilis tibok ng puso ko tuwing lalapit at kakausapin niya ako. 

Unexpected Falling InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon