First Crush

52 4 1
                                    

        Ako si Rafael, Age 15, Grade 10 student. Ikekwento ko sainyo ang mga hirap na dinanas ko sa buhay ko pero paguusapan lang naten ang aking lovelife. Umpisahin ko noong ako'y Grade1. Mga 6 years old pa lang ako nun. 

      May nakaklase akong napakagandang babae nun. Maputi, Maganda at Matalino sya. Halos lahat nasakanya na. Nagustuhan ko sya syempre. Siya ata pinaka una kong crush sa buhay ko. Pangalan niya ay Cyla. Noong grade 1 ako, Sobrang inosente ko kaya siguro hindi ako gaanong kapansin pansin.
       

     Sobrang nagpapansin ako sakanya pero hindi nya parin ako napapansin. Halos hindi man ata kami naguusap kasi mahiyain ako e. Naging Rank5 pa nga ako nun para lang mapansin nya ako kaso wala paring effect yun. Hanggang sa nagkaroon kaming bagong sitting arrangement. Grabe naging magkatabi kami, Sobrang sayo ko nun. Kaso bigla syang nagkaroon ng chicken pox. So ayun halos 2weeks syang absent. Tapos noong pumasok na sya ulit sa school, Ako naman nun nagkaroon ng chicken pox. Grabe ang malas ko naman. March na, So it means that patapos na ang school. Kaya naisipan kong tanungin kung saan sya magaaral next school year. Tapos ayun napahaba usapan namin at lalo naming nakilala ang isa't isa. Talagang sakanya lang ako nakatingin magdamag at habang patagal ng patagal kami naguusap, Lalo akong nahuhulog sakanya. Tapos bigla kong natanong kung sino crush nya (Syempre close na kami kaya natanong ko yun.) Sinabi niya naman sakin kung sino, At laking gulat ko nung nalaman ko kung sino crush nya. Jusko crush nya pala ang bestfriend ko.

     Grabe malas talaga ako. Tapos tinanong ko sakanya kung anong gagawin nya pag sinabi kong crush ko siya. Sabi nya naman ay "Syempre Irereject kita kasi ikaw lang ang ka close kong lalake. " Nakasmile sya habang sinasabi nya yun.
     

      Na-touch ako ng sobra nun. Okay na ako nun kasi nalaman ko na ako lang pala ka close nyang lalaki kaya masaya na ako. So, Ayun end of school na. Time na para magpaalam na sa aking mga kaklase, kaibigan at lalo na kay Cyla. Nagpaalam na ako sa lahat kaso hindi pako nakakapagpaalam kay Cyla. Grabe umuwi kaagad sya, Hindi man nga lang sya nagpaalam saakin. Ang malas ko talaga. Tapos dumating sakto yung Lolo ko para sunduin ako, Pero hindi kami umuwi kaagad. Bumili muna kami sa isang tindahan at napaka swerte nga naman. Ang tindahan na yun ay ang bahay nila Cyla, tapos close pala ang Lolo ko at ang Nanay nya. So, habang nagkekwentuhan ang Lolo ko at Mama nya. Nagkwentuhan rin kami syempre. Since baka last ko na syang makita, Nagconfess ako sakanya At gulat na gulat sya. Napakaswerte ko pala nun, Sinabi nya saken na dahan dahan nya akong nagugustuhan. At may sinulat sya sa papel na parang contract. Nakasulat ba naman na "After 20 years kung single tayo, Pakasalan moko." Hindi ko alam ang sasabihin at gagawin ko nun kaya pinirmahan ko na lang ang papel at sabay sabi nya na "Pag nagkita tayo after 20 years, Bigay mo saken yang papel na yan. Kung nandyan pa yan meaning nun mahalaga ako sayo." So ayun umuwi na kami ng Lolo ko at parang nag slow motion ang mundo ko. "Eto na ba ang huling araw naming magkikita?" Pumasok sa isip ko yun. Habang naglalakad ako, lagi ko syang tinitignan. Ang maganda nyang mata, ang napaka cute nyang smile, mamimiss ko lahat yun. 


GRABE NGAYON HINDI KO MAHANAP ANG PAPEL NA BINIGAY NYA.

Love can waitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon