Naranasan mo na bang maaksidente? Yung tipong nagkaroon ka ng amnesia? Ang hirap diba? Makakalimutan mo mga nangyare sa buhay mo, good memory or bad memory man yan. Makakalimutan mo ang mga bagay bagay na importante sayo pati ang taong mahal mo.
20 YEARS LATER
Sa isang kumpanya may CEO silang napaka gwapo at napaka diskarte, habulin sya ng babae at heart throb sa kanilang kumpanya. Ang pangalan nya ay Rafael. Si Rafael ay nadisgrasya 2 years ago at nagkaroon siya ng amnesia.
Magpapakilala ako muli, Ako si Rafael, ngayon ay 27 yrs old na ako. May magandang trabaho, may kotse, at may girlfriend na. 2 years na kami ng girlfriend ko at nagpaplano na kaming magpakasal nyan. Pangalan nya nga pala ay Chloe. Si Chloe ay nakilala ko after kong maaksidente 2 yrs ago. Nurse sya sa hospital na kung saan ako na confine. Nung panahong wala akong maalala sa past ko, si Chloe ang laging gumagabay saken dahil wala na akong pamilya. Namatay sila sa aksidente habang ako maswerte na nabuhay.
Nakatira ako sa bahay namin, nagiisa lang. Tuwing tumitingin ako sa photo album ko, merong isang batang babae na hindi ko kilala, napaka inosente nyang tignan. Tuwing tinitignan ko sya parang may something na nagsspark. Yung parang mahalaga sya saken dati.
Tuwing may pinipilit akong alalahanin tungkol sa nakaraan ko, pumupunta ako sa coffee shop. Napaka peaceful doon kaya mas nakakapag isip akong mabuti. Nakakabigla dahil habang nagoorder ako, may naka titigan akong babae na napaka ganda, napaka puti at napaka inosente. Nung nagtitigan kami parang kilala namin ang isa't isa. Mahigit 1 hour na ako sa shop, siya lang ang tinitignan ko magdamag. Napaka pamilyar kasi ng itsura nya, yung parang kakilala ko sya dati.
Gustong gusto ko syang lapitan kaso nahihiya ako. Dami kong gustong tanungin sakanya. Kaso nung nagkaroon ako ng lakas ng loob, umalis sya bigla kaya hindi ko na sya nakausap.
Biglang nagkaroon ng balita sa kumpanya na may bagong magtatrabaho dito na isang babae na ubod ng ganda. So ayun ako yung magiinterview sakanya. Biglang may kumatok sa pinto at pumasok, nabigla ako dahil yung babae na nakita ko sa coffee shop ay sya rin ang babaeng magaapply dito. Tinignan ko ang kanyang resume at nalaman ko ang kanyang pangalan. Ang pangalan nya pala ay "Cyla"