Good bye

28 3 2
                                    


      June, ito ang buwan kung saan maguumpisa na ang klase. Ako ay Grade 2 na ngayon. Excited at kabado na ako dahil late ako 1st day of class haha. Grabe makakakita nanaman ako ng mga bagong mukha.

     Eto na, nasa harap na ako ng pinto. Kumatok ako at sabay bukas ng pinto. Napakasaya ko dahil walang nagbago. Sila parin ang mga kaklase ko. Ang nakakagulat pa dyan ay kaklase ko parin pala si Cyla. 

    Pero dahil late ako, malayo ang pwesto ko kay Cyla. Nagstart na ang klase, magdamag lang akong nakatingin sakanya kaso hindi man nga lang siya tumitingin kahit isang beses. Snob talaga siya kahit kailan. Kinakausap lang nya ako tuwing recess. Nakakainlove talaga ang smile nya grabe.

Afterwards

    Biglang nagkaroon ng talent show ang class namen. Grabe mahiyain pamo ako. Binigyan kami ng 2weeks ng teacher ko para magpractice. Then 2weeks later wala man akong napractice, kaya kabadong kabado ako at gusto ko nang umuwi. Turn na ni Cyla, kakanta daw sya. Wow ang galing nya. Lalo tuloy syang nakakainlove. Haha. Eto ako na turn ko na. Bago ako umakyat sa stage sinabihan muna ako ni Cyla ng "Good luck" 💞
Dahil sa sinabi nya, ginalingan ko. Pero dahil wala akong na practice naghula na lang akong moves at sumayaw na lang ng basta basta.

     Dumating yung araw na sasabihin na ng teacher ang result ng talent show, Late nanaman ako. Bago ako pumasok sa room nakita ko rank1 namen. Sabi nya "Grabe Renz, Anong ginawa mo?!" Kinabahan tuloy ako. Pagkapasok ko tinignan ako ng lahat. Linapitan naman ako ng bestfriend ko at sinabi nya na "Renz, ikaw ang lowest" Grabe halos naiyak ako nun dahil kasama ako sa rankers nun tapos biglang ang panget ng performance na pinakita ko. Biglang may babaeng tumabi saken. Nabigla ako dahil tinabihan ako ni Cyla.

"Bat ka malungkot dyan?"
"Syempre ako lowest e."
"Okay lang yan. Ginawa mo naman best mo e."


     Naging masaya ako dahil sa ginawa nya. Hawak hawak nya kamay ko nun at tinitignan kami ng lahat nun, buti yung teacher busy. Haha

    March nanaman at siguro lilipat na ako ng school kasi lilipat na kaming bahay. Nag pa alam na talaga ako kay Cyla.

"Cyla, paalam na."

"Bakit? Lilipat kabang school?"

"Oo."
"Pareho pala tayong lilipat ng school e."
"Ah. Sige salamat sa lahat no?"
"Oo. Masaya ako dahil nakilala kita."
"Masaya rin ako."
"Maging magkaibigan tayo forever no?"
"Oo forever yan. Bye!"

Tapos ayun nagpa picture kami nung recognition. Rank7 ako at siya'y rank 10 kaya medyo malapit kami sa isa't isa nung picture taking hehehe
Nagpapicture kami at nakalagay yun sa photo album ko. At yun yung huling araw na nakita ko sya. 

Love can waitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon