Play niyo yung song -->
~♥~
Minsan masasabi mo nalang, "Bakit kasi siya pa?"
Siya pa yung minahal ko.
Siya pa yung nagustuhan ko?
Siya pa yung hinintay ko?
Siya pa na hindi ako mahal?
Siya pa na hindi ako mamahalin?
Siya pa na may mahal nang iba?
Mahal ko siya.
Mahal niya din ako.
Mahal namin ang isa't isa.
Pero sabi nga nila, pag nagmamahal ka,
Masasaktan ka talaga
Iiyak ka
Aasa ka
Matututo kang maghintay
Magpapakatanga ka
Magsasakripisyo ka para sakanya
Ipaglalaban mo siya.Minsan dadating talaga yung araw na, iiwanan ka niya o iiwanan mo siya.
Hindi dahil sa hindi mo na siya mahal kundi dahil mahal na mahal mo siya pero alam mong hindi siya sayo sasaya kaya papakawalan at iiwanan mo siya.
"Ang buhay minsan bibigyan ka niyan ng pagpipilian at sa pagpipilian mong yon parehas ka paring masasaktan."
Eh, paano kung hindi lang niya masani sayo na mahal ka niya dahil pinamumukha mo sa kanya na may mahal kang iba? Kasi nga diba ayaw mong malamaman niyang mahal mo siya kaya gumagamit ka ng iba para lang makalimutan siya - siya na mahal mong talaga?
Diba minsan nakakapagod na din masaktan lalo na pag sa pare-parehong dahilan?
Pero kahit sobrang sakit na, Sige ka parin. Wala eh. Mahal mo eh.
BINABASA MO ANG
Dear Heart, Bakit Siya Pa? (ON-GOING)
Novela Juvenil"Wag kang pumikit baka hindi mo makitang mahal kita, ako na lang ang pipikit para hindi ko makitang mahal mo siya." -- James Patrick "Huwag mo akong ipilit sa iba, kung alam mong sayo lang ako sasaya." -- Ashley "Kahit ipagsigawan ko sa buong mundo...