1 Lbs

17 0 0
                                    

"Taba!"

"Tabachuy!"

"Fluffy!"

Mataba ako. Oo, matabang mataba. Nung una 'chubby' lang. Masarap yakapin, pisilin, pang-gigilan. Pero nung napagtanto kong "I dont give a f&^%" lumamon ako ng todo. Wala akong paki sa sasabihin ng iba na 'baboy' ako, 'balyena', 'lumba lumba' o kahit ano pa man, basta masaya kumain. Bahala kayo sa buhay niyo.

Gusto kong pumayat. Gustong gusto. Pero tamad ako. Nasa akin din ang problema. Pero kung iisipin kasi ayokong magustuhan ng tao dahil lang maganda yung panlabas mong anyo, mas gusto kung magustuhan ako ng tao dahil sa personalidad ko, sa laman ng puso ko. May mga kaibigan akong maganda, payat kaso hindi ganon katalino. Meron naman maganda,sexy kaso pangit ugali, nakikita ko kung papaano sila ayawan ng tao pag nalaman yung hindi nila magandang parte. Mas mainam na makita muna yung pangit sayo, tulad nito, nitong bilbil at taba sa braso ko, madalas ako makutya dahil sa ekstra kong bagahe, pero hindi nakikita ng mga taong yun kung anong pangit nilang parte.

Wala namang perkpeto. Kahit bagay hindi perpekto. Lahat tayo may kasiraan, may kapintasan. Oo nga pala, Kat nalang maikli para sa Katrina Sophia Go, tawag sa akin ng mga kaibigan ko nung hayskul Kat SoGo mga loko-loko. Tawag din nila sa akin, 'master' dahil sa mataba ako at matangkad ako kaysa sa ibang ka-klase namin nung elementary ako, at tsaka maloko ako kaya 'master' kasi mastermind. Ulit, Kat, 22, Makati City at... MATABA.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Binibining SeksiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon