Look who's here

58 3 0
                                    

Eureka's pov

Pagkatapos naming mag meryenda ni Yuan sa garden. Pumasok na kami sa mansion at pumunta sa kitchen area. mag be-bake daw si Yuan ng cookies. Nakakainggit naman tong lalaki nato ang daming alam sa buhay.

Nilalagay na nya sa oven ung mga nagawa nyang cookies ako naman nandito lang at pinapanuod sya.

Oh hangang hanga ka ah sabi ni Yuan at pinahidan ako sa ilong ng harina

Shit sabi ko at pinunasan ang ilong ko. Kumuha naman ako ng harina at isinaboy ko sa damit nya. Di naman sya nag patalo kumuha din sya ng harina at sinaboy sa damit ko.

Naghahabulan kami sa kusina habang nagsasabuyan ng harina. Tatawa tawa naman kami habang naghahabulan dahil  nadudulas kasi kami.

Maya maya. Tumigil na kami napatingin kami sa isat isa natawa kami dahil sobrang puti namin dahil sa harina.

Hindi ko alam na masaya palang maghabulan ng ganun sabi ko

Masaya naman talaga. Hahahaha sabi nya

Tumayo si Yuan at nilabas sa oven ang cookies na ginawa nya. Napa wow naman ako dahil mukhang napaka sarap nga.

Dumampot ako ng isa pero nabitawan ko dahil mainit pa

Ouch

Ayan kasi sabi nya at kinuha ang kamay ko at hinalikan at daliri ko na namumula.
OMG! buti nalang pala buong mukha ko may harina kung hindi baka makita nyang napaka pula ng mukha ko.

Oh ayan gagaling na yan sabi nya at binitawan na ang kamay ko

Maam! Sir ay ano pong nangyari? sabi ni manang tina. Nung nakita nyang makalat ang kitchen

Nagkatuwaan lang kami manang sabi ni Yuan

Ganun po? Sge po kami ng bahala sa mga dumi dito sabi ni manang tina

Salamat po pasensya na sabi ni Yuan

Umalis na kami ng kitchen at pumunta na kami sa kanya kanya naming kwarto para maligo ang dumi kasi namin dahil sa harina.

--
Nasa harap nako ng salamin habang sinusuklay ang buhok ko, pinatuyo ko kaso gamit ang blower

*knock knock*

Binuksan ko ang pinto pumasok naman si yuan na may dalang tray na sya daw nagluto lahat ng yun

Tara kainin na natin sabi ni Yuan

Lumapit naman ako sa mini table sa kwarto ko may dalawang upuan dun kaya naman ayos para saming dalawa.

Kumain na kami

Ang sarap nga. Believe ako sayo lahat yata kaya mong gawin sabi ko

(chuckle)hindi naman-sya

Tsk seryoso may hindi ka ba kayang gawin? Tanong ko

Nginitian nya lang ako at kumain lang sya.

Pagkatapos naming kumain nun. Lumabas na sya at ako naman nahiga sa kama ko at nag pagulong gulong.

Napatingin ako sa clock ko sa kwarto 5:30 narin pala. Kaya pala medyo nakakaramdam ako ng antok

(yawn)

--
Yuan's pov

7:00 pm na kaya naman pinuntahan ko si Eureka sa kwarto nya. Nakita ko namang natutulog sya

Pumasok ako at nilapitan sya.

Tinatanong mo kanina kung may hindi ako kayang gawin diba?.. Oo meron.. Ang saktan ka. Yun ang di ko kayang gawin eureka

Pagkasabi ko nun tinitigan ko muna sya bago ko lumabas.

Pero ng isara ko ang pinto narinig ko si Eureka na sinabi ang pangalan ko. Pero nung buksan ko ulit nakita kong tulog pa din sya. Baka guni guni lang

--

Eureka's pov

Nandito nako sa harap ng D.U, hindi katulad kahapon dito lang ako nagpark. Ngayon hindi na dahil tinatamad akong maglakad ng mahaba. Tiniis ko lang kahapon para ipakita sa lahat na nandito nako.

Bumaba ako sa kotse ko at dito na nagpark sa harap ng building namin. Naglakad nako sa lobby. pero may nakita ang mata ko na hindi dapat makita

Look who's here sabi ko at nilampasan si Errah at Thairone. Oo si thairone

Eureka wait nandito kami para kausapin ka? Sabi ni errah

For what? Mataray na sabi ko. Masisisi ba nila ko? Lalo na si Errah she's my bestfriend tapos nagawa nya yun. 

Pasensya sila sadyang di ko pa sila mapapatawad ngayon.

To clear our issue sabi ni thairone

Not now sabi ko at tuloy tuloy ng naglakad

Anong akala nila? Ganun ganun nalang yun?

Pumasok nako ng room at umupo sa bandang dulo. Meron ng nagtuturo na prof pero ako ito at mashadong occupied ang isip. Naiinis kasi ko dahil kay Errah at thairone.

Natapos ang class na hindi ako nakinig pinasa ko ang project sa prof at lumabas nako.

Eureka sabi ni jacky at niyakap ako i miss you sabi ulit nya

I miss you too jacky sabi ko at niyakap din sya

Kumalas naman ako ng yakap. Saka ko sya niyaya sa favorite place namin dito sa D.U para kausapin.

Noon kasi sabi ko nun sa OIC ng D.U kailangan ko ng isang room para office ni daddy dito kahit na hindi naman talaga ung binigay naman nilang room para sa tambayan lang namin.

So kamusta, saan ka galing? Sabi ni Jacky

Galing ako sa Cebu paninimula ko. Tapos kinuwento ko naman kay jacky lahat ng nangyari sa Cebu. Dahilan kung bakit ako napunta dun. Pati na ung ayos na kami ni daddy, pagpasok ko sa State University, na may naging kaibigan ako si melanie at airon. Sinabi ko din na nakasama ko si Yuan pati ang feeling ko kay Yuan.

Edi ayos na kayo ni Tito? Tanong ni Jacky

Oo ayos na kami, nasa US na ulit sya sabi ko

Nga pala kailan mo kakausapin sila Mira? Sabi ni jacky

Hindi ko alam jacky. Pero wala na ung galit ko kila Mira ung kay errah naman hindi ko alam. Sadyang magiging nakakilang lang kasi sabi ko

Sabagay di naman kita pipilitin kasi habang wala ka. Hindi rin naman kami nag uusap nila Mira lalo na si Errah. Sabi ni jacky

Bakit? I mean kami lang naman ang may issue dito sabi ko

Eureka di lang sila sayo naglihim sakin din. Ayoko ng secrets nawalan din ako ng tiwala sa kanila. Sabi ni jacky

Yan din ang nararamdaman ko sabi ko

Nakita ko nga pala si Errah at Thairone kanina. Gusto nila kong kausapin sabi ko ulit

Ah sayo lang nagpakita si Errah. Simula ng umalis ka di ko sya nakikita. Sabi ni Jacky

Dapat nga di muna sya nagpakita. Dahil baka kung ano lang masabi ko sa kanya sabi ko

niyaya ko na sa caf. si Jacky nagugutom na din naman ako.

Kakausapin ko si Errah. Pero hindi ngayon. Di ko pa kaya ayoko syang masabihan ng masama. Dahil kahit papaano mahalaga sya sakin bilang kaibigan ko.

The Missing BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon