Friendship Over

111 9 0
                                    


Eureka's Pov

Pagkagaling ko kila Jacky umuwi din agad ako. Nakahanda nako ngayon kakausapin ko si Errah kailangan kong malaman ang lahat ngayon

Nakapagbihis nako hindi nako kumain dahil wala akong gana. Pinahanda ko ang kotse hindi ako magda-drive dahil tinatamad ako

-
Maya maya

Pagkababa ko sa kotse kahit na may problema ko chin up padin akong naglakad sa lobby pupunta muna ko sa building nila Errah. Pag hindi ko pa nalaman ang totoo baka hindi na naman ako makatulog mamayang gabi

Pumasok ako sa assign room ni errah na parang room ko din yun dahil tuloy tuloy lang ako wala pa silang prof nakita ko naman si errah sa bandang dulo ng room nilapitan ko sya at tinanggal ko ang earphones nya

Ano.. Oh eureka ikaw pala kaswal na sabi ni errah

Lets talk

Nag uusap na tayo eureka pamimilosopo ni errah

In private

tumayo sya at sumunod sakin pumasok kami sa isang rest room pinaalis ko lahat ng nandun para makapagusap kami ni errah

Sobrang halaga ba nyan para dito pa tayo mag usap halatang naguguluhan na si errah

Bakit mo yun tinago sakin? Malamig na sabi ko

Natigilan naman si Errah at mukhang alam na nya ang sinasabi ko

Baka nandun na ang prof namin sabi ni errah na tumalikod na at akmang lalabas

Hinawakan ko ang braso nya dahilan para mapaharap sya sakin

Hindi kita papaalisin dito hanggang di mo sinasabi sakin lahat

Ano ba! Nasasaktan ako eureka paano mo ko nagagawang saktan! Sabi ni errah na tumataas na ang boses

At ikaw paano mo ko nagawang lokohin ha Errah?!

Natigilan sya

Kilala ko si thairone mula bata pa lang kami naging magkaibigan kami at nagkagutuhan pero bago mag high school kailangan na nyang pumunta ng Canada kaya naman naiwan ako nangako sya na pagdating nya hahanapin nya ko at magiging kaming dalawa. Dahil sa bata pa kami nun di ko pa gaanong naiintindihan yung mga ganung bagay pero hinintay ko pa din sya kaso sa dalawang taon na yun narealize ko na baka di na naman sya babalik at nung panahon na yun nagkagusto ako kay troy niligawan nya ko at naging kami hanggang sa nung 4th year tayo nagulat ako na bumalik si thairone nagalit sya sakin nung malaman nya may boyfriend nako. Kaya naman nagpanggap syang di
nya ko kilala nung panahon na yun nagkakalapit na kayo habang kami ni troy laging pinagaawayan si thairone nung naging kayo naman ni thairone narealize kong akala ko lang pala si troy ang mahal ko pero si thairone pala talaga huminto si errah at hinawakan ang kamay ko

Maniwala ka di ko ginustong ganun ang maramdaman ko sabi ni errah na may luha na sa mga mata

Nakatingin lang ako sa kanya

Ayaw ni thairone na masaktan ka eureka kaya naman...

Pinutol ako ang sinasabi ni errah dahil mukhang alam ko na ang sasabihin nito

Kaya naman nagkarelasyon kayo kahit na may relasyon pa kami sabi ko habang nakatingin ng deretcho sa mga mata ni Errah

Yumuko naman si errah

Sana di nyo nalang ako ginawang tanga!
Alam mo ba kung ano ang pinaka masakit? Yun yung pinagkakatiwalaan mong tao nagawa kang lokohin!

Eu..re.. Hindi ko na pinatapos na sabihin ni errah ang pangalan ko

Tama na narinig ko na ang dapat kong marinig pinagmukha nyo kong tanga yun na yun

Sana sinabi nyo nalang sakin hindi sana tayo ganito

Puro paghikbi nalang ni Errah ang naririnig sa restroom napaupo sya sa sahig habang umiiyak

Sa oras na umalis ako dito, tandaan mong umalis na din ako sa buhay mo

Pagkasabi ko nun papunta nako sa pinto pero bago ko lumabas narinig ko pa si errah na sinabi ang salitang "sorry"

The Missing BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon