Part 9

28 3 2
                                    

Nash POV::

Nagmadali akong umakyat papunta sa rooftop.. 'Alam ko kung anong sasabihin niya.. dapat maunahan ko na siya.. Sana hindi pa huli ang lahat..' Pagkadating ko dun, nakita ko siyang nakatayo pero nakatalikod siya kaya hindi niya ako makikita.. 'Kung saan din ako tumayo kanina para isigaw lahat ng lungkot ko..' Palapit nako ng palapit, kinakabahan nako.. Hindi ko alam kung anong mangyayari.. Sana maintindihan niya kapag nasabi ko na.

Nang malapit nako sa kanya, saka ko siya tinawag.. "Leah.."

Lumingon siya sakin.. "Nash! Nanjan ka na pala.." sabi niya at nginitian ako..

"Kanina ka pa ba dito?" Tanong ko

"Hindi naman.. Ngayon lang.. Tara dun.. May sasabihin ako.. hihi" sabi niya habang tinuturo ang bench.. nang hindi padin nawawala ang ngiti sa labi niya.. 'Nakakakonsensya tong gagawin ko pero kelangan..'

"Uhmm.. ako din, may sasabihin sayo.." seryoso kong sinabi sa kanya

"Sige.. Mauna ka na.. Ano yung sasabihin mo?" Sabi niya

Leah POV::

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.. Ang seryoso niya kasi ngayon.. Nandito kami ni Nash sa rooftop.. Gusto ko nang sagutin sa kanya yung matagal na niyang tanong sakin..

[FLASHBACK-1 YEAR AGO]

Nang matapos ang klase ko.. Lumabas agad ako ng classroom para puntahan si Nash sa rooftop.. Sabi niya kasi, may mahalaga siyang sasabihin sakin.. Naeexcite na akong puntahan siya.. Iniwan ko na mga kaibigan ko sa classroom dahil hindi na ako makapaghintay.. Ayoko namang paghintayin si Nash sa rooftop..

Matagal nang nanliligaw si Nash sakin.. Kung hindi nga pinakilala sakin ni Saxia ang pinsan niyang si Nash, walang ligaw na mangyayari.. I'm so happy dahil nakilala ko si Nash.. Mabait, magalang.. plus gwapo.. Gosh! I really can't believe na nililigawan niya ako..

Every month, tinatanong niya ako kung kelan ko siya sasagutin.. Hindi talaga siya makapaghintay.. Lagi ko ngang sinasabi sa kanya, 'soon', 'malapit na', 'konting hintay lang'.. Ang lagi niyang sagot sakin, 'talaga? Sabi mo yan ahh'.. Hindi naman sa hindi pa ako handa.. Siguro nabigla lang ako.. Isang sikat dito sa school, ako ang nililigawan.. A nerd like me.. Nakakabigla lang talaga.. Super fan ko kasi siya.. MVP kasi sa basketball.. Ang galing galing niya..

Then nung Valentine's day, nagulat ako nang may nagbigay ng chocolates and flowers sakin.. Kinilig ako nun.. Alam kong sa kanya iyon galing.. Syempre, sino naman ang hindi kikiligin ano.. Manhid lang ang hindi makaramdam nun.. then sinamahan niya ako sa mga stalls.. Pumasok kami sa wedding stall.. Kinilig nanaman ako nun.. Yung kunyaring ikakasal daw kaming dalawa.. Ang daming nanunuod nun, pero pacool lang siya.. Yung parang wala siyang naririnig na tilian ng mga estudyante.. Ako nga hiyang hiya na ehh.. Sabi pa niya nun, huwag ko daw silang pansinin.. Cute ko daw mag blush.. Kainis ehh, nangamatis nanaman pisngi ko sa mga sinasabi niya.. Mas lalo akong naiinlove sa kanya ehh..

Then months are going on, lagi kaming magkasama.. Libre dito, libre doon.. Nagiging spoil brat nako sa kanya.. Pero sabi niya okay lang daw sa kanya.. Kinikilig na talaga ako sa kanya.. Alam nga ng buong school na nililigawan niya ako.. Hiyang hiya nga ako ehh.. Lagi nga niyang sinasabi na huwag na huwag akong mahihiya.. Hindi niya ako kinakahiya.. Minsan nga pinagsisigawan pa niyang mahal niya ako.. And he even kissed me.. Sobrang lambot ng labi niya.. nanlalambot din tuhod ko nun.. Syempre nagtilian nanaman mga babae nun.. pero wala siyang pake.. Lagi niyang pinaparamdam sakin na mahal niya talaga ako.. Kahit nalaman kong inlove siya sa bestfriend niya dati, nang tanungin ko siya, sabi niya, 'dati na yun.. ikaw na ngayon Leah.. Sana sagutin mo na ako'.. Ganyan na ganyan ang sinabi niya.. Kaya kampante ako..

[End]

Ilang araw ko kasi siyang iniiwasan.. Nagseselos ako sa tuwing kasama niya ung bestfriend niya, ang kanyang 'first love'.. Actually, wala naman talaga akong karapatang magselos ehh kasi bestfriend niya un.. 'Ako nililigawan lang.. Hindi pa kami..' Ngayon, handa na ako.. handa na akong sagutin siya.. at meron nakong karapatan magselos..

"Ano ba ung sasabihin mo? Kasi hindi na ako makapaghintay sa sasabihin ko ehh.." sabi ko sa kanya..

"I-I'm sorry.." Sabi niya at yumuko siya.. Kumunot ang noo ko.. mahina yun pero nadinig ko padin.. Bakit siya nagso sorry? Wala naman siyang ginawa ahh..

"Sorry for what?" I tried to calm down pero mukhang alam ko na kung anong sunod dito..

"Alam ko kung anong sasabihin mo.. Kaya pinipigilan na kita.." sabi niya sakin..

"What do you mean alam mo sasabihin ko? At bakit moko pipigilan? Naguguluhan nako Nash.. sabihin mo nga sakin, anong sinasabi mo?" Sabi ko.. Naguguluhan na talaga ako sa inaasta ni Nash ngayon..

Tinignan niya ako sa mata.. "Alam kong sasagutin mo na ako ngayon Leah.. Pero----"

"Pe-pero ano???" Nauutal na tanong ko.. Nanginginig nako.. Alam pala niyang sasagutin ko siya, pero bat pinipigilan niya ako?

"I still love Alexa.. My bestfriend.. I-I'm sorry Leah.." sabi niya at yumuko uli siya..

Nagulat ako! Hindi ko inaasahang sasabihin ni Nash ito sakin.. Ang sakit! Parang winasak ng ilang beses ang puso ko sa narinig ko.. Akala ko ako mahal niya.. Akala ko past lang siya at ako ang present at magiging future niya.. Nagkamali ako.. Nang dahil lang sa kanya, naguluhan nanaman si Nash.. Nang dahil sa kanya, ako naman ang wasak.. Ako ang nasasaktan.. Hindi ko na napigilang umiyak.. Hindi ko na kaya to.. Napatayo ako..

"A-anong nangyari Nash? Ba-bakit kung kelan handa nakong sagutin ka, saka mo sinasabi yan sakin ngayon? Kung kelan nahulog na loob ko sayo, iiwan mo lang pala ako sa ere.. Ang unfair mo Nash! Sinabi mo sakin na mahal moko.. Sinabi mong ako lang.. Ano yun? Palabas mo lang ba ha??!! Sinabi mo ba lahat ng yun para mapaniwala moko, ganun ba yun???" Sigaw ko sa kanya.. Hindi padin nauubos luha ko.. Nang mapatayo din siya.

"Hindi.. Totoo lahat yun Leah.. Believe me.. its just that... akala ko wala na akong nararamdaman sa kanya.. Simula nang iniwan niya ako.. I thought na kapag binaling ko sa iba ang nararamdaman ko, mawawala na ang pagtingin ko sa kanya.. I'm----" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang magsalita ako..

"Sorry? Sorry nanaman? Lecheng sorry yan!! Ang sakit sakit Nash!! So parang ginawa mo lang akong panakip butas?? Ganon ba Nash?? Ano bang meron siya na wala ako? Dumating lang siya, naguluhan ka na!! Nang dahil sa kanya----"

"Huwag mong idadamay si Alexa dito Leah! Wala siyang kinalaman dito!" Sigaw niya sakin.. Nagulat ako.. Hindi siya ganito sakin noon.. Ngayon lang.. Dahil nanaman sa bestfriend niya..

"At bakit hindi ha???? Kasalanan niya to ehh!! Kung hindi siya bumalik, walang mangyayaring ganito!!! Sana hindi nalang siya bumalik!!" Sigaw ko din sa kanya.. Pero naramdaman ko nalang ang kamay niyang tumama sa pisnge ko..

Sinampal niya ako!

"Sinabi ko nang huwag mo siyang idadamay sa away natin ehh!! Ano bang problema mo sa kanya ha!!! Wala naman siyang ginagawa sayo ahh!! Mahal ko siya at huwag mo na kaming guluhin!! Dahil sa oras na malaman kong nasasaktan siya dahil sayo, hindi ako magdadalawang isip na patulan ka!" Sigaw niya at tumalikod.. Dere-deretso siyang umalis at ako naman ay sinundan siya ng tingin..

Napahawak ako sa pisnge kong sinampal niya.. Ang sakit.. Hindi ko na kilala ang Nash na kaharap ko kanina.. Ibang iba na siya pag ang bestfriend na niya ang pinag-uusapan.. Nagagawa na niya akong saktan para lang sa walangyang bestfriend niya.. Kasalanan niya to ehh!! Sana hindi nalang siya bumalik!! Edi sana masaya kami ngayon!! Edi sana walang epal sa relasyon namin!!

Humanda ka Alexa Ilacad! Dahil aagawin ko ang sakin! Akin si Nash at epal ka lang sa relasyon namin!! Gagawin ko ang lahat para mapasakin si Nash.. Kung hindi man siya mapupunta sakin, mas lalong hinding hindi siya mapupunta sayo!! Pinunas ko ang luha ako.. Better watch out Alexa.. baka mahulog ka sa patibong ko.. *devil smile*

AN:
Hi guys! Sana nagustuhan niyo ang update ngayon.. Sobrang busy ko lang talaga kaya ngayon lang ako nakapag update.. but I hope, by next month, every week nako mag update.. enjoy reading! Lovelots!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bestfriends fall inlove (NLEX) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon