Casey's POV
(The next day)
Pag gising na pag gising ko. Sinubukan ko ulit na tawagan sya. Ang resulta ?
Ayun wala pa rin .
Ginawa ko na girly rituals ko .
Pero pag labas ko ng bahay may lalaking naka-tayo sa may gate ko.
"Uhm.. Excuse me ? Sino po kailangan nyo?"
"Ikaw si Cassey diba?"
"Oho ako nga po yun, ano po kailangan nyo sakin?" kinakabahan naman ako , feel ko may hindi magandang balita sakin tong lalaking to ah !
"Ipinapabigay po ito sayo ni Kyle."
Pagkasabi na pagkasabi nya ng pangalan ni Kyle ay bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko.
May inabot sya saking envelope.
Binuksan ko yun at may nakita akong sulat , binasa ko na yun sa harap nya.
(Now Playing:Cry by Mandy Moore)
Frm:Kyle
'Hi! Sorry di ko alam kung paano sisimulan tong sulat na to, gusto ko lang sabihin sayo na siguro habang binabasa mo to ngayon ay siguro nasa airport na ako at naka sakay sa eroplano.'
Napatigil ako sa pagbabasa ng mapansin kong wala na yung lalaking nag bigay ng sulat, tinuloy ko na pag babasa ko.
'Pasensya ka na kung di na ako nakapag paalam sayo at di ko sinasagot mga tawag mo. Ayoko lang na makagulo pa ako sayo kaya mag papakalayo muna ako mag-iisip isip na rin.'
Di ko namalayang umiiyak na pala ako, at kasabay ng mga luha ko ang pagpatak ng ulan. Nababasa na ako at ang papel na binabasa ko pero hindi pa rin ako pumasok sa loob ng bahay at pinagpatuloy pa rin ang pagbabasa
'Wag kang mag-alala wala ng mangungulit sayo, saka wag mo ng isipin pa yung sinabi mo, wala yun sakin. At lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita , Sige hanggang dito nalang.'
Nang matapos kong basahin yun ay umiyak lang ako ng umiyak.
Pumasok na ako sa bahay at napag desisyonang wag na lang muna pumasok sa school dahil na rin sa ang bigat ng damdamin na nararamdaman ko.
Hanggang sa pagligo ko ulit ay umiiyak parin ako.
Humiga ako sa kama ko ng umiiyak pa rin at di ko na namalayan na naka tulog na pala ako
Kyle's POV
Nandito na ako sa airport. Hinihintay ko nalang tawagin ako."Kyle" Lumingon-ligon ako para hanapin yung tumawag sakin at nakita ko si Mark
"Oh? Akala ko di ka na mag paalam sakin eh!"
"Akala ko nga hindi na kita maabutan eh! Naibigay ko na sakanya yung sulat"
"Ah ganun ba?" matamlay kong sagot sa kanya
"Umiyak sya" napatingin ako kay Mark.
"Ba--" magsasalita pa sana ako kaso tinawag na yung flight ko.
Nagpaalam nalang ako kay Mark at sinabing
"Bantayan mo muna sya habang wala ako." at pumasok na ako.
Sana wag ka ng umiyak, kung nakokonsensya ka sa sinabi mo, okay lang yun.
Okay lang sakin yun, basta wag ka lang iiyak.
Author's NOTE.
Epilogue na next nito sensya na kayo kung super ikli lang , balak kasi namin dapat 5 chapters lang kaso napahaba so ayun. Eh naisip ko nga 10 chapters kaso sobrang busy po namin ni bestfriend kaya napatagal yung pag uupdate , yun pasensya po kung medyo panget dun yung plot ng story, paki intindi nalang pero promise sa next story ay papagandahin na namin so yun lang.
---> si Mark yung nasa gilid
YOU ARE READING
How Did I Fall For You?[editing]
RomantizmWhat do you think will happen? If yung taong gustong-gusto ko maging isang walang kwenta nalang sakin? at ang pinaka hate ko ay maging mahal ko? This is our first story in wattpad hope you like it ^u^