"Ate.. Ate.. ATE!!"
"Huy ATE!!!!"
"asjhldblahfahdg"
"Mama ano daw sabi ni ate?"
"Nako gisingin mo na yan malelate na yan"
"Late? Late! LATE!!!" agad agad akong pumunta sa CR para maghanda ng panligo. Ano varr. Bakit late na naman akong magising. Ito namang kapatid ko kung manggising parang nangheheleng anghel. Hahaha.
BOOGSH. "WAHH!! Ang lamig!" Grabe ang lamig ng tubig. Kailangan ko magmadali patay na naman ako sa prof ko. Naturingan akong graduating student pasaway pa din aketch. >.< Nagtoothbrush ako tapos nagbihis. Sumubo lang ako ng ham na mapait kase lasang toothpaste at nagtatatakbo palabas.
Wahh. Simula na naman ng aking amazing race. Umaatikabong bakbabakan na naman sa pagitan ko at ng trapik. Bakit ba naman kasi sa Maynila pa ko pinag-aral. Alam namang taga-bundok kami. Ako na reklamador ng apat n taon. Hehe.
"Shocks 7:30 pasok ko. Andito pa din ako anong oras na." Kanina pa ko bulong ng bulong dito na parang baliw. Huhu. Pandagdag asar pa..nagpagas pa si Manong! Biro mo. I will taob taob this jeep na talaga. hayy sana may powers na lang ako parehas kay gokou.
Makalipas ang 10,304,000 years! "PARA!!!!"
Jusko naman. Kailangan kong tumakbo ng mabilis ngayon kaso dyahe dami kong dalang libro. sakit sa likod. hmp. Buti pa dati kasabay ko si Kevin maglakad. Dala dala nya ung bag ko tapos hahawakan nya pang yung kamay...
"Ay bakla!" Kamalasmalasan late na nga ako nasira pa strap ng bag ko. Nako buti may nakasalo kundi pupulutin ko lahat ng gamit ko. "Uy salamat ha..." Kevin?
Bigla akong napatigil sa nakita ko. Ang..ang prinsipe ko..ang mahal ko..Nakangiti siya sakin ngayon. Wahh bumubilis ang pintig ng heartness ko. Naman..kung kailan panget ako tsaka siya magpapakita. Hassle ang oily ko. Di man lang ako nagpulbo sa jeep.
"Huy!" ay kalabaw. "Malelate na tayo nakatunganga ka pa diyan."
Sorry naman ang gwapo mo kasi e. "Kee..vin. Sisi..ge"
"Hahahaha. Tara na!" Sabi niya at bigla niyang hinablot ang kamay ko. Lalong bumilis ang pintig ng puso ko. Wala na akong pakialam sa oras. Ang feel na feel ko lang ngayon ung hawak niya ung kamay ko. Ihhh. Mahal pa din kita Prince Kevin ko.
Patakbo naming inakyat ang hagdan. Nake lagot ako sa prof ko. Major subject pa naman siya.
"Janna daan na lang tayo sa likod." Ano ba tong si Kevin magsasalita lang nawawala na agad ung mata. Ikaw na singkit.
Ninja moves. Dahan dahan kaming dumadaan sa likod. Sakto may mga upuan pa. Hehehe. Swerte pa din. Kaso nagsisimula na ang report. Nasaan na kaya si ma'am. Napakasungit pa naman nun. Sana di kami nakita ni Prince Kevs. Kinalabit ko na lang yung katabi ko habang nakatingin sa presentation ng reporters.
"Huy. Asan si Ma'am? Dumating ba?"
"Di eh."
"Sus naman. Nagmadali pa ko di din naman pala darating ung bruha."
"Bruha?"
"Owyeaaa.." Yung ngiti ko unti unting nawawala. Jusko po. "H-hi Ma'am."
Tumayo siya at bumuga ng apoy. Napuruhan ang mukha ko kaya pumanget na ko. The end. Joke. "MARILAG! BAUTISTA! Bakit late na naman kayo ha? Gusto nyo bang grumaduate? Kasi kung ayaw nyo idrop nyo na tong subject ko. Absent kayo ngayon. Halos 1 hour kayong late! Sige class dismissed"
Ambayan. Malas ko naman today. Pero buti na lang. Hihihi. Kasabay ko kanina si Prince Kevin. I can't breath. Tapos nakadikit pa yung siko niya sa siko ko. Wahahahaha. Kenekeleg eke.
Paglabas ng kwarto ni Ma'am tinignan ako agad ng masama ng mga kaibigan ko. Yung mga tingin na nagsasabing magkwento-ka-mamaya. Pero di lang sila yung nakatingin kundi buong klase.
AYIIIEEEEE! At nagpalakpakan pa sila. Tumayo na lang ako at lumapit sa mga kaibigan ko.
Apat kaming best friends. Si Michelle, Angel, Jenny at ako. Pero minsan may ampon kami, si Marco. Kumbaga lahat kami sisters tapos may only boy kaming bunso. Bukod sakanila, may mga close din ako tulad ni Wacky at Liam. May malanding ugnayan o M.U si Wacky at Angel. Di ko nga alam kung ano ang nakain niya e. HAHA. Pero mabait at gwapo naman si Wacky sa mga mata ni Angel. :D
At syempre si Liam "The Ultimate Crush" Mercado. Siya ang crush naming apat. Lihim na tsinatsangsingan, lihim na minamanyak at lihim na hinahangaan. Pano ba naman, matangkad, cute, singkit, mabait at super duper matalino. Neseye ne eng lehet. Parang pag pinatay kaming tropa siya lang mapupunta sa langit. Ang ayoko lang dito sa sobrang talino parang si Kuya Kim na yung kasama ko. Madalas akong biktima kasi pag alphabetically order katabi ko siya. Minsan nakatitig na lang ako at yes ng yes.
"Bakla ka. Bakit mo kasama si Kevin? Nagkabalikan na ba kayo?" Bungad agad ni Angel. Makakaligtas ba ko sa interrogation nila.
"Hin"
"Oh my? Wag mong. Wag mong sabihin girl. Di ka na natuto ha. Ano yan round 3 na?" Syempre lalo natong si MIch. Loka loka.
"Ganto yun. Nag.."
"Ano ba! pasagutin nyo naman si Jan aba." Salamat Jen.
"OO nga! Ganto kasi."
"Pero weh? Kayo na ulet?" Pigilan nyo ko dadanak ang dugo dito.
"PATAPUSIN nyo ko!!" Hingal.. Hingal.. Galit na galit lang. Haha. GG much. Napatigil sila at nagtawanan habang tinutusok tusok ung mukha ko.
"Girls nakasabay ko lang siya pagpasok. Alam nyo namang di ko na babalikan yun. Pagkatapos ng ginawa nya sakin. Never. At tska"
"Oh tama na. Nangangamoy ampalaya. Bitterness in the air."
"Loka loka ka Mich! HAHAHA. Tama na group hug na lang." Yaya ko sakanila.
"Teka wait.. LIAM!!!" Sumigaw bigla si Mich.
"Oh bakit mo tinatawag si Papa Liam?" Ano naman pakulo nito ni Mich.
"Para mas masaya yung grouphug! HAHAHAHAHAHA. I'm genious."
"SAUCE! LANDE MO! HAHAHA!" Sabay sabay kaming nagtawanan nila Angel at Jenny.
"1,2,3 GO! Grouphug!!!!"
"Ha?" Pagtataka ni Liam. Wala na siyang nagawa. Naipit na namin siya sa aming mga bisig. Hahaha. Ang apat na manyakis po. Bow.
