Nakakatamad naman ngayong araw. Wala talagang sumipot na prof. Hayyy, sayang ang miles sana itinulog ko na lang. Tapos no choice kailangan pang hintayin ung prof ko sa last subject namin.
Alphabetically arranged kami ngayon kaya katabi ko si Kuya Kim este si Papa Liam. Natutulog kuno ako para di niya ko kwentuhan tungkol sa Science, History, Pagtuklas ng Kuto, Pagdami ng Kabute, Paghihirap ng isang Ligaw na Sugpo. Alam ko lang kasi Showbiz e, kung bakit nagbreak si Billy at Nikki. Psh nakakaboring talaga.
"Janna. May puting buhok ka oh." Kinalabit ako ni Liam. Di na lang ako sumasagot kasi baka mag Lecture 101 kami tungkol sa keratin ng buhok ko.
"Eto oh meron pa." Teka. Baka nakatingin na sila Mich sakin. Baka di lang puting buhok matanggal sakin. Baka makalbo pa ko. Inangat ko na lang ulo ko. Kunwari nagpupunas ng mata... Gusto kong yumuko ulit. Takte sana di ko na lang inangat ulo ko. Sana natulog na lang ako, Tss. Kevin..
Si Kevin masaya.. Pero di dahil sakin kundi dahil kay Sarah. Ang landi talaga nya. May boyfreind na siya tapos pati boyfriend ko este ex ko magpapakamot siya. Ang kati. Hinawakan niya ang kamay ng prinsipe ko at ipinatong sa likod niya. Mukhang magpapamasahe pa ata. Si kevin naman game na game. Si kevin sigihan mo ibabato ko sayo tong upuan ko. Babasagin ko yang pogi mong mukha. Tawanan pa ng tawanan. Nsa eskwela kayo ^@$^)!
"Huy! Saan ka nakatingin?" Kinalabit na naman ako ni Liam.
"Ha? Ah eh wala. Antok lang ako. Natutulala." oops teka. May gagawin ako. Ganyanan pala Kevin Bautista ha.
"Uhm. Liam suklayan mo naman ako oh." Pilantik ng pilikmata. Oyea oyea. Ano ka ngayon Kevin. Mainggit ka.... sana.
Di naman nagtaka tong si Liam sinuklayan naman ako. "Dami mong kuto."
"Kapal ha. Hahaha. Ganda ng buhok ko. Inggit ka lang."
"Weh? Hahaha. Parang puro patay na to eh." Hanggang napalakas na talaga ung tawanan namin. Hindi naman boring masyado kasama si Liam. Minsan lang.
"Patay na patay ka kamo sakin."
"Panget mo Janna."
"Alam mo gwapo ka sana kaso lagi kang tulog."
"Ayyy. Si Janna at Bespren ang haharot. Mag-aral nga kayo." Sumingit bigla si Wacky. Sira to baka marinig ng mga kaklase namin. Gawan pa ko ng issue.
Tumahimik na lang kami pati si Kevin napatingin samin. Pero parang wala siyang pakialam. Minamasahe nya pa din si Sarah. Bakit siya ganyan. Hmp. Dalawang buwan pa lang nakakalipas mula nung nagbreak kami nalimot nya na agad ako. Porket mas sexy at mas maganda si Sarah. Panget ba ako. Puro bilbil na ba ko. Nakamove on na kaya siya. Dati di niya ko hinahayaan makipag-usap sa ibang boys. Lagi siyang lumilipat ng upuan makausap lang ako. Lagi niyang sinasabi na mahal niya ako. Sadness lang.
"Janna tara review na lang tayo. Mukhang dadating si Ma'am e." Yaya sakin ni Liam.
"Ganun ba? ahmmm di ko kasi magets yan. Kung gusto mo ikaw na lang."
"Tsk. Ano ka ba? Dali dali lang nyan e."
"Alam ko. Kaya stock knowledge na lang."
"Matalino ka naman. Tamad ka lang."
"Ha? Hindi ah. Andami kasi niyan e. Nakakatamad."
"Ganto lang yan. Kunwari bumili ka ng gulay para sa raw materials mo. Bibili ka ng sobra para may matitira ka sa inventory kumbaga safety stock. Compute the lead time tapos.."
"Hep hep. May kalabasa ako tapos bumili din ako ng talong."
"Ha? Ano meron sa talong?"
"Tignan mo ikaw di makagets.. HAHAHA."
At di na niya natiis si ako at nagbasa na lang siya ng libro. Talo ko talaga to kahit kailan lalo na sa kalokohan. Napatingin ako sa harap kung san nakaupo si Angel. Nakatitig siya sakin ng masama.
"Bakit Angel?"
"Wala. Ang ganda mo." Tapos ginaya niya pa ung expression ni Vice Ganda.
"Ha?" Nagtaka naman ako. Ngumuso lang siya. Nag-iinarteng baklita.
Ay si Ma'am. Powtek isang oras na lang pumasok pa. "Good afternoon class. Sorry na-late ako. Dami kasing pinapagawa ng department sakin ngayon e. Tutal 1 hour na lang tayo kaya ipapartner ko na lang kayo para pag nagpagawa ako ng project yun na yung kapartner nyo. Ok?"
Kevin at Liam
Angel at Michelle
Marco at Vincent
Janna at Jenny
Buti na lang di ko kagrupo so Kevin kundi spell AWKWAAARD.
Wacky at Chris
"Ayyy!" Tutal na tutol ah. Ito talagang si Wacky, makulit na maingay pa. Bagay na bagay sakanya yung pangalan niya.
"Oh bakit Wacky? Is there a problem? May iba ka bang gustong kagrupo?"
"Uhm eto po!" Sabay turo kay Angel.
AYIIIIEE! Hahahahaha. Pulang pula si Anghel ah. Comedy.
"Papayag ba kayo? Ako hindi. Mukhang rapist si Wacky e. HAHAHAHA" Tawang tawa si Ma'am sa joke niya. Nagtawanan na din kami.
"Hindi ang kapartner pa rin ni Angel si Michelle." Umalis na si Ma'am pagkatapos niyang bigyan ng kapartner ang lahat. Ok naman ako sa kapartner ko which is Jen. Masipag na mabait pa tapos bestfriend ko pa.
Paglabas ni Ma'am sa pinto bigla siyang hinabol ni Kevin. Ano kayang problema nun?