Tuwing Umuulan [OneShot]

100 2 1
                                    

 Para sayo to bah..Bwahaha

play the video kung gusto nyo.. ^^,----->

--------------------------------

Haayy!! Ang lakas ng ulan. Siguro me bagyo na namang paparating.

Narito lang ako sa kwarto ko. Naka upo sa bintana habang nakatanaw sa labas at nakikinig ng music sa phone ko.

Pagmasdan ang ulan unti-unting pumapatak
Sa mga halama't mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim unti-unting bumabalot
Sa buong paligid t'wing umuulan

Ano bayan. Nakikisama pa ang kanta. Maaalala ko naman siya nyan eh. Tss!! Ganito na lang ba lage tuwing uulan?!

Na maaalala ko sya.

At ang mga memories naming dalawa.

Ganitong ganito din yong  nangyari noon eh. Nakakatawa ngang isipin, kasi pati yung kanta.

4th year high school ako noon. Nasa park ako, naka upo sa swing habang naghahum ng kantang “Tuwing Umuulan”. Favorite nya kasi yung kanta at yun ang lagi nyang kinakanta satuwing pinapakanta ko sya. Kaya yun na rin ang naging paborito ko.

“Tanga ka ba? Ha?”

Napatigil ako sa paghahum ng marinig ko ang sumisigaw na boses sa likod ko.

“Ba’t kaba nagpapa-ulan ha? Gusto mo bang magkasakit at pag-aalalahin ang mga tao sa paligid mo?” tuly tuloy niyang sermon sakin.

Pero di ko sya nilingon. Nakatanaw lang ako sa malayo.

“What are you doing here? Akala ko ba umalis ka na” sabi ko sa kanya.

“Dahil sa ginawa mo, na basa tuloy ako”

Nag walang kibo lang ako na parang di ko siya naririnig. Total di naman nya sinagot ang tanong ko sa kanya.

“Halika na. Uwi na tayo” lumapit sya sakin sabay higit sa kaliwang kamay ko.

“Ayoko! Gusto ko pang magpa-ulan”nagpupumiglas ako sa kanya. Pero mas lalo nyang hinigpitan ang paghawak sa mga kamay ko.

“No! Uuwi na tayo. Alam mong bawal sayo ang magpa-ulan. Kahit kalian, ang tigas-tigas ng ulo mo” matigas niyang sabi sakin.

“Ayaw! Datirati naman pinapayagan mo ko. Madalas nga tayong maglaro sa ulan noon diba?” sigaw ko sa kanya para marinig nya. Sobrang lakas kasi ng buhos ng ulan. Palibhasa me bagyo.

”Dati yon. Noong bata pa tayo. Halika kana” hinila na naman nya ko.

“Ayoko. Mag stay na muna tayo. Kahit ilang minute lang. Plleeaaassee” pagmamakaawa ko sa kanya.

Tuwing Umuulan  [OneShot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon