HUGOT #55

122 2 0
                                        





Dear readers ;

                    May best friend ako, lalaki sya. Noong bata pa kami mag kasundong magka sundo kami. As in...super close na close kami. Kahit minsan may mga araw na nag aaway kami. Pero mas madalas talaga yung parati kaming naglalarong dalawa. At ng nasa mga Elementary level na kami, parang kapag kasama ko sya ehhhh...kumpleto na yung araw ko. Doon nagsimula na mahulog ako sa kanya noong mga Grade 6 na kami. Kapag nag kwe kwentuhan kami palagi nya akong tinatanong kung sino yung crush ko, kaya lang sabi wala nga. Pero kapag sya naman yung tinatanong ko ehhh...iniiba nya yung topic.

At noong umalis sila ng parents nya di na kami nag kita. Pero ngayon na High School na ako, ay  bumalik na sya dito...kasama parents nya. Ehhhh...parang di na sya yung best friend ko kasi di na nya ako pinapansin. Gusto ko mang makipag kulitan sa kanya kaso nahihiya ako. Baka kasi may sabihin syang hindi maganda sa akin.

Pero yung feelings ko sa kanya e ganoon parin.

Isang araw lumabas ako sa bahay tapos nakita ko syang may kausap sa cellphone nya, kasi naman pano ko sya di mapapansin e lakas ng boses nya. Tapos parang girlfriend nya pa nga ata yun. Ng marinig ko yun e bumalik nalang agad ako sa loob ng bahay. Obviously na hurt ako dahil sa mga narinig ko...

Ano po yung maipapayo ninyo sa akin?




Nagmamahal,
Irika T. Tapales

Whogut(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon