Paano kung sa isang iglap magulo bigla ang buhay mo? Paano kung makakasal ka bigla sa isang lalaking hindi mo kilala, at nung nakilala mo.. AY SUSME!!! BAGSAK NA SA UGALI PALANG!
_________
Pumasok ako ng school
Bakit parang iba ang aura ng lahat ng mga tao?
Nakatingin sila lahat saakin...
habang naglalakad ako, may narinig akong music na instrumental..
Nung paliko na ako sa hallway, may mga rose petals sa sahig
..pagbukas ko ng kwarto...
Doon nakatayo si Nathan, nag-aabang, may bouquet ng flowers at teddy bear sa right hand. Dahan- dahan siyang lumalapit saakin..
*THUMP THUMP THUMP THUMP THUMP
papalapit na siya saakin ..
*DUG DUG, DUG DUG
Kung naririnig lang niya ang tibok ng puso ko, baka akalain niya na may ginigibang concrete barrier.
Magkaharap na kami ngayon, at sinabi nya bigla saakin ang mga katagang..
''Ella, would you be my girlfriend?''
O.O
->.<-
''YES!!!'' sinagot ko siya ng pasigaw at halatang tuwang-tuwa, eh ang hirap kaya pigilan noh?! ikaw kaya sabihan ka ng ganito ng napakatagal mo nang pinapangarap na lalake.
nilapit na nya ang kanyang mala-anghel na mukha sa aking mukha, pumikit ako at...
at..
at..
at..
at..
BAKIT ANG TAGAL?!
o.- minulat ko muna ang isa kong mata para tignan ang nangyayari..
Nagulat ako ng may biglang pumasok na.. lalaking MACHO at naka military uniform at may M16 na dala
Bigla syang tumakbo at nagtago sa ilalim ng teacher's desk. After a minute biglang nagsipasok ang marami pang katulad niyang naka military uniform at may mga baril na dala.
ANO TO?!
nagkakagulo na!
Bigla akong may narinig na mga putukan..
''AHHHHHHHHHHHHHHHH!!''
*ratatatatatatatatatatatatatatat*
(tumunog yung cellphone ni Kuya)
Bigla akong napatayo sa higaan ko.
''HAHAHAHA!!'' tumawa ng malakas ang kapatid kong napaka!
''ANO BA?! Bakit ka ba nandito sa kwarto ko JEROME?!''
''Oi, oi, oi! Wag mo nga akong ma-Jerome Jerome dyan, kuya mo ko kaya irespeto mo ako!'' sabay ngiting wagas ^______^
''Ngiting aso ka nanaman, di bale bagay naman sayo eh kamukha mo na si Suzi'' sabi ko nang may halong pang-iinis.
''Eh bakit kaba kasi nandito sa kwarto ko ha? KUYA Jerome?''
''Pinapagising ka kasi ni mommy''
''Wow, ang ganda naman ng pang gising mo. Umagang-umaga akala mo bumalik ka sa panahon nung sinakop tayo ng mga espanyol.''
''Paano namang hindi ko gagamitin sayo yung gun fires na ringtone ko, eh mukhang napakasarap ng panaginip mo. Biruin mo yakap mo ng mahigpit yung unan tapos ung labi mo parang ganito oh'' tapos nag-pout sya ng lips nya na akala mo nareach na niya ang maximum limit ng lips nya.
BINABASA MO ANG
Married to a TOTAL STRANGER!? (ON HOLD)
Teen FictionPaano kung biglang magbago ang takbo ng maayos mong buhay nang makilala mo ang lalaking papakasalan mo, tama PAPAKASALAN MO! Yung akala mong Prince Charming mo ay Prince Nasty pala. Ang palaban na girl at ang masungit, abusado, at supladong boy ay m...