____________________
''WHAT!?''
sorry napasigaw pa ako (>.<)
O.O
''Sayang!'' - Pauline
SAYANG TALAGA!
eh pano nakita ko yung pangalan ni Nathan doon sa listahan ng mga kasali sa cheerdance
''Sabi naman kasi sayo sumali kana dun eh'' - Pauline
''Hindi ko naman kasi alam na ganito yung mangyayari eh..'' kung alam ko lang talaga!
''Ok lang yun wag ka nang sumali dyan at dba sasakit lang ang katawan mo dyan sa araw-araw na practice para sa laban na yan, kaya wag na, wag kanang sumali ok lang yun na hindi ka sasali'' sabi ni Sophia na halata namang nagiging sarcastic siya.
''Ok lang yun! Kung andun naman siya edi wala na ang pagod ko, kayang kayang tiisin to, basta para sakanya walang hirap at pagod, makita ko lang siya para na akong na-recharged ulit.'' sabi ko
''Eh paano ka sasali nyan? Hindi kana nakahabol sa evaluation, eh kahapon pa yun?'' -Sophia
tinignan ko ulit yung listahan..
''Eh wala pa namang nakalagay na CLOSED sa listahan eh, pwede pa yan!'' sabi ko habang kumikinang ang mata sa pagtingin sa pangalan ni Nathan na nasa listahan ng mga kasali sa cheerdance.
''You're Lucky'' sabi ni Pauline sabay wink
wala pang isang segundo nang may dumating at biglang tinatakan ng CLOSED yung listahan.
''VERY LUCKY!'' dugtong ni Pauline
napanganga nalang ako.
''Paano yan sis?'' - Pauline
''Maybe.. maybe we're not destined for each other'' sabi ko, but i don't mean it.... Nag-iinarte lang ako
''Asus, Arte'' sabi ni Sophia
''Wag ka nang mag-inarte dyan at hindi bagay sayo, halika na nga at ako na ang gagawa ng paraan, hindi ko kasi matiis na nalulungkot ang dear bestfriend ko eh'' sabi ni Sophia
hinatak niya agad ako sa faculty at kinausap niya sandali ang auntie niya na.
pagkatapos kausapin ni Sophia ang auntie niya lumabas na siya ng faculty at itinaas ang dalawa niyang hinlalaki..
''Ok na wag ka nang magmukmok dyan ha'' sabi ni Sophia sabay ngiting wagas ^_____^
''Ok na? ang ano?'' tanung ko, eh kasi hindi ko naman alam kung anu ung sinasabi niya, basta-basta nalang niya akong hinatak dito eh malay ko ba?
''Ok na sa cheerdance! Kasali ka na!'' tuwang tuwa na sabi ni Sophia.
''Eh panu un hindi pa ako sumasali ng evaluation saka hindi nga ako nakaabot sa araw ng evaluation eh''
''ok na nga! paulit-ulit? unli unli?''
''HAHAHA, Thank you SO MUCH! mwaaah''
''UY! si Lui oh!'' - Pauline
''Si Lui!'' sabay naming sinabi ni Sophia
''HABOL!'' sigaw ni Sophia
''Go!'' sigaw ko rin...
nakihabol narin ako kasi masaya ako eh haha makakasama ko si Nathan.
masaya ako kasi araw-araw ko siyang makikita
masaya ako kasi baka sa ganitong paraan kami magiging close
masaya ako kasi iniisip ko na mga gagawin ko haha! Magkukunyari ako na di ko magets yung steps then mag-papaturo ako sakanya at ---

BINABASA MO ANG
Married to a TOTAL STRANGER!? (ON HOLD)
Teen FictionPaano kung biglang magbago ang takbo ng maayos mong buhay nang makilala mo ang lalaking papakasalan mo, tama PAPAKASALAN MO! Yung akala mong Prince Charming mo ay Prince Nasty pala. Ang palaban na girl at ang masungit, abusado, at supladong boy ay m...