Nathaniel Sebastian
(picture niya --------->)
Yan ang full name ng lalaking kinababaliwan ko, ang lalaking bumubuo ng bawat araw ko.
Ang lalaking nagpatibok sa puso ko ng ganito.
Sa ganito nag umpisa ang lahat..
2 years ago..
*phone ringing*
''Hello?''
~Ella nasan kana? nandito na si ma'am naku nakaka 2 late kana bilisan mo habang hindi pa siya nag-checheck ng attendance, pag ikaw naka 3 late kapa di ka na papayagang makapag-take ng chapter exam~
''I know, I know, on the way na ako, sana naman sandali pa mag-intay si ma'am''
~Goodluck Ella, ibababa ko na tong phone at baka mahuli ako~
''ok, bye''
Hala Ella..
Sige takbo dali dali
''Ahhh!!''
natapilok ako habang bumababa ng hagdan.
Napapikit ako and the last thing i know nakayakap na ako sa isang lalaking...
*sniff, sniff*
mabango
maputi
ma--
''Miss? Ok ka lang?'' sabi nung gwapong boses
''Ahh.. ehh.. o-oo'' then nag smile ako saknya ^___^
nag-smile lang din siya saakin at kinuha lahat ng papel ko na nagkalat sa sahig habang ako
nakatitig lang sakanya.
Ang gwapo niya kasi, para akong na-engkanto
inabot na nya yung mga books and papers ko, samantalang ako parang lutang na nakatingin sakanya.
ngumiti din siya saakin then umalis na.
para bang gusto ko siyang sundan kahit malate pa ako, para kasing nakita ko ang pangarap ko at sabi naman ng nanay ko ay -FOLLOW YOUR DREAMS- hahaha pero yung paa ko dumiretso sa direksyon ng classroom
pero wait!
may nakita ako sa lapag na papel, pinulot ko agad
nakita ko.. Nathaniel Sebastian 4-serenity
naku! nalaglag niya yung I.D nya! kailangan ko tong maibalik at napaka-importante nito, baka excused naman kapag nagbalik ng lost and found items.
Pero actually humahanap lang ako ng rason para makita at makausap pa siya.
So, bumalik ako sa hagdan para umakyat papuntang classroom nila. Habang umaakyat ako sa hagdan, may narinig akong mga kalabog ng paa na parang nagmamadaling tumakbo pababa ng hagdan.
Nung itinaas ko yung ulo ko nakita ko, si Nathaniel ang bumababa. Nakita naman niya na nasaakin yung I.D niya at ngumiti kaya kahit parang lutang inabot ko yung I.D niya. Pagkaabot ko tumakbo na ulit siya paakyat at ako bumalik na ng classroom na nakangiti.
Dirediretso lang akong pumasok ng hindi manlang binabati si Ma'am Santos. Doon pa talaga ako dumaan sa pinto sa harapan kung saan pagpasok mo blackboard na kaagad. Sorry lutang eh
Tapos umupo na agad ako sa chair ko ng nakangiti na parang baliw.
Napansin ko na parang nakatingin lahat ng kaklase ko saakin at ang teacher ko ay nakakunot ang noo at medyo nakabuka ang bibig.
''MISS XIAO!!!!!!!!!!!'' napakalakas na sigaw ng teacher ko. At doon lang ako natauhan.
Patay!
WORLD WAR 3 na to!
---
Back to the present..
At yun nga, ganun ko nakilala ang man of my dreams.
Masasabi ko na siya ang unang lalaking minahal ko.
Hindi ko tinatanggi na nagkaroon na ako ng maraming crush pero wala sakanila ang nagtagal ng ganito. Kapag nagkacrush ako ilang buwan lang wala na at sawa na kaagad ako. Kapag nagkacrush ako kadalasan hindi lang isa. Kapag nag-kacrush ako at nalaman kong may gusto sakanya ang classmates ko o ang kung sino, ayoko na sakanya. Kapag nagkacrush ako at nalaman kong may girlfriend na ayoko na rin sakanya.
Pero kay Nathan iba eh, kahit may magkagusto sakanyang ibang babae, ipaglalaban ko siya at hindi susukuan. Tumingin man ako sa iba at magwapuhan sa kanila, siya parin ang binabalik-balikan ng isip ko. Siya ang lalaking hindi ko makalimutan. Di man niya masusuklian ang pagmamahal ko ay ayos lang saakin dahil mahal ko siya at makita ko lang siya ay ayos na ang lahat.
Siya lang ang lalaking nagustuhan ko na hindi ko malapit-lapitan dahil natatakot ako na baka pag nilapitan ko siya ay mahalata niya na may gusto ako sakanya at baka lalo siyang lumayo saakin. Alam ko din naman kasi na napakalayo ng pagitan naming dalawa. Kung ikukumpara mo kami, siya ang magiging Anghel at ako ang hamak na Taong maganda *ehem* este may ganda
hmmp!
oh sige na nga!
may itsura lang.
Marami pa akong nararamdaman pero ayoko nang magdrama haha.
o sya
kilala nyo na ang NATHAN ko :)

BINABASA MO ANG
Married to a TOTAL STRANGER!? (ON HOLD)
Teen FictionPaano kung biglang magbago ang takbo ng maayos mong buhay nang makilala mo ang lalaking papakasalan mo, tama PAPAKASALAN MO! Yung akala mong Prince Charming mo ay Prince Nasty pala. Ang palaban na girl at ang masungit, abusado, at supladong boy ay m...