Huminga ako ng malalim bago bumaba ng hagdan, natanaw ko na agad si Cal sa lamesa na nagttxt at hindi pa nagagalaw ang pagkain, iniintay talaga nya ako. Tumigil siya sa pag tetext ng nakita nya ako, umupo na ako sa upuan ko at kumuha na rin ng makakain. Tahimik lang kameng dalawa habang kumakain, wala naman kasi ako sasabihin at parang ganun din siya. Napatingin ako ng bigla nya akong tinawag.
AA, sabi nya
Uhm? sagot ko
Lalabas ako ngaun may biglang photoshoot lang, ok lang ba? paalam nya.
Nagtataka ako bakit siya nag papaalam skin. Uhm, yeah sure, Bakit kelangan mo pa mag paalam? sabi ko
Eh, kasi wala ka kasama ngaun, tumwag sina tito at sabi, hindi daw sila mkakauwe ngaun, sabi nya
Oh! so it means ako lang dito sa bahay, I'll be fine, tutulog na lang din nmn ako kasi AM ako bukas, sagot ko
Ok, peo try ko din matapos ng maaga para may kasama ka dito sa bahay, aniya.
Tumango na lang ako bilang sagot. Nang matapos siyang kumain ay tumayo na siya at pumunta sa lababo,Ahm, Cal ako na maghuhugas, ako na bahala jan, Just get ready na, bka malate ka sabi ko.
Are you sure? tanung nya
Yap, just leave it there, ngiti kong sagot.
Ok then, mag ready na ako ha, sabi nya
HIndi na ako umimik, at nag tatakbo na siya pataas. Photoshoot ba talaga un o may date siya? kung date naman yun bakit pa siya kumain dito? baka naman naaawa lang skin kasi mag isa lang ako. Hmp bahala siya, wala din naman ako pakialam kung may date siya.Ilang minuto pa ay bumaba na siya at bihis na bihis ang luko!, habang ako naman ay busy sa panonood ng TV.
Hey! AA, i'll go na. aniya
Nilingon ko siya at tumango na lang, deadma ka sakin hinayopak ka. Narnig ko na pina start nya ang kanyang sasakyan at umalis na. Solong solo ko ang bahay dahil ang mga maids namen ay nasa kanilang bahay, may bahay na pinagawa sina papa na maliit para sa mga maids na malapit dito sa bahay namen, kaya pag wala na sila ginagawa ay nasa bahay nila at nag papahinga. Hindi naman kame istrikto sa tao namen, ang gusto lang namen ay magagawa din nila ang trabaho nila ng tama at nasa oras. Nang mabore ako sa panonood ay umakyat na ako sa kwarto ko, narinig ko na tumunog ang cp ko.Caleb:
AA, are you fine there?
Aba ang isa at nag text.
Ako:
Yeah I'm good. :)
Caleb:
tapusin ko to ng mabilis para may kasama ka jan ha
Ako:
Anu ka ba, sabi ko Ok lang ako.
Caleb:
ok, pero bilisan ko pa din, text you later, start na kame :*
Namilog ang mata ko sa emoticon. Lngya talaga tong lalaking to, at bakit nman may kiss?? naalala ko tuloy yung kanina waahhhh,, patay ka sakin Caleb.
Ako:
K.
Tipid kong text. at hindi na din siya nag reply, siguro ay start na ng photoshoot nya. inabala ko ang sarili ko sa pag babasa sa wattpad, iyak at tawa ako sa mga nababasa ko. Hay naku naadik na naman ako sa pag babasa, at ito nga hindi ko namalayan na naka dalawang story na pala ako at sisinghot singhot dahil sa pag iyak, anu ba naman tong story na to nakakakilig tpos nakakaiyak, at yung mga character dito, sana totoo sila. Kaso hindi eh, kathang isip lang sila, nakakainggit naman sila may true love at happy ending. Panu nga ba ang mag mahal? tanung ko, sa totoo lang ay NBSB ako, shocks! nakakahiya, hindi naman ako panget, tama naman ang height ko, ewan ko ba kung bakit? may mga nanligaw kaso ilang araw lang wala na, hindi ko naman binabasted pero nawawala ng parang bola, at parang hindi ka kilala pag nag kita. Minsan kasi napapagkamalan kong bf si Caleb, hay naku kung alam lang nila, hindi kame bagay nun, at pihikan sa babae, pero babaero. Hindi naman ako nag mamadali, alam ko na dadating ang tamang panahon at makikilala ko ang lalaki para sakin, yung mamahalin ako kung sinu at anu ako. Bigla naman ako nalungkot, may mga ganun pa bang lalaki? parang sa pocket book at wattpad na lang kasi yung mga ganun eh,yung kahit mahirap ka, mahal ka pa din nila. at kahit anu pa itsura mo ay mamahalin ka ng buong buo, nilalait ka na ng iba pero siya ay yayakapin sa harap nila at ipag sisigawan na mahal ka niya. Shit! nakakaiggit! usal ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Perfect vs. Mr. Unperfect
LosoweSi America Addison ay isang Professional Nurse sa isang Kilala at malaking ospial, nag iisa siyang anak ng mga Delos Reyes na may ari ng malalaking kumpanya. May kaibigan siyang mga artista dahil na dn sa kilala ang knilang pamily, isa na dun ay an...