Umagang-umaga pero sira na ang araw ko. Nakakainis!
I'm already 22 yet my parents thought of me and treat me like a teenager! Seriously, can't I be on my own? Graduate na ako ng college, pasado na ako sa board exam, I have my own work pero pakiramdam ko isa pa rin akong batang nakakulong!
I am starting to hate them. Kung dati, naiintindihan ko ang pagiging istrikto nila sa akin, ngayon parang hindi na! Masyado naman silang walang tiwala sa akin. Bakit kailangan pa nila akong iwan sa uncle kong never kong naging kasundo? Why?! Why? Do they hate me that much para iwan ako sa poder ng Steve na iyon for three months?! Ano bang akala nila, hahayaan kong masunog itong mansion namin? As if! May mga katulong naman kami. Nakakainis talaga! I don't understand them!
May bahay naman kami ah! Kaya ko naman ang sarili ko! Bakit ganon?! Bakit hindi na lang nila ako hayaan sa bahay? Bakit kailangan ko pang makisama kay Uncle Steve? Panira iyon sa araw ko eh!
Psh. Kahit anong sabihin nila mommy, dito lang ako sa bahay! Hindi ako aalis dito! I will live on my own!
"Seoul, are you ready, sweetheart?"
Oh! Come on! Hayan na. Narinig ko na ang boses ni mommy. Dumapa ako sa aking kama kasabay ng pag-click ng pintuan ko. I knew that my mom went in.
"Severina Lorrence! Bakit hindi ka pa bihis? I already told you na doon ka muna sa Uncle Steve mo titira. Nasaan ang mga gamit mo? Anak naman..." narinig kong litanya ni mommy. Narinig ko ding binuksan niya ang built-in closet ko. And the next thing I knew, siya na ang nageempake ng mga damit ko.
Anak naman ng tokwa o! Napabalikwas ako ng bangon when I heard the loud tudding of something on my floor.
And behold! Ineempake na ni mommy pati ang ibang gamit ko! Like seriously? Totoo ba ito? Hay! They are just wasting their time! Hindi rin naman ako sasama papunta sa bahay ni Uncle Steve eh! Ayoko!
"Bumangon ka na diyan, Severina Lorrence." Igting ang mga panga na sabi ni mommy. Alam kong galit na siya dahil dalawang beses na niya akong tinawag sa totoong pangalan ko. But hell would rise! Ayoko talagang pumunta sa bahay ni uncle Steve at tumira kasama niya. Bully ang uncle ko na iyon!
"Mommy, kaya ko namang mag-isa dito sa bahay. Nandiyan naman ang mga katulong. Why do I even have to live with uncle Steve? Malapit lang din naman dito ang hospital kung saan ako nagtatrabaho ah."
"This is for your own sake Severina. Wag ng matigas ang ulo. Alam kong kaya mong bilugin ang ulo nila Nana Rosing. At hindi ko hahayaang mangyari iyon. At least si Uncle Steve mo, hindi mo maloloko. Kaya panatag ako kung iiwan kita sa kanya."
"Mom, mag-aaway lang kami ni Uncle!" Giit ko pa. Dahil totoo naman iyon. Wala pang limang minuto na makasama ko ang bunsong kapatid ni mommy, umiinit na agad ang paligid ko. Nag-aaway na kami. Ewan ko ba kung paanong nagkaroon ng ganoong kapatid si mommy! Sutil! Mapang-asar! Mayabang! Ayoko talaga sa Uncle Steve ko na iyon!
"Hay naku! Tumigil ka. Sa ayaw at sa gusto mo, doon ka muna titira sa kanya. Natawagan ko na siya. Dahil busy pa iyon sa shop niya, ako na ang maghahatid sa iyo. Kaya bumangon ka na anak. Doon ka na maligo kung gusto mo."
"Mommy naman! Ayoko po talaga. Please, please..." pakiusap ko. Todo puppy eyes pa ako pero parang walang naririnig ang mommy ko. Tss! Hindi ako tatayo rito! Bakit kasi!
"Kapag ako ang napikon sa kaartehan mo Severina ha? Kakanselahin ko lahat ng cards na hawak mo. Walang allowance hanggang hindi ako bumabalik. No shopping, no going out of town with your friends! Wala lahat." Mariing pagbabanta ni Mommy.
Ah, so ganon? Wala pala lahat kapag hindi ako pumayag? Oh eh di sige, hayan na nga, magbibihis na!
Kainis na buhay to. Ako rin pala ang susuko. Bakit naman kasi allowance ang panlaban ni Mommy! Alam niyang wala pang sahod at hindi kakasya ang sahod ko para sa kapritso ko. Tss. Magaling talaga sa blackmailing ang mommy ko. The best! Whoo! Grabe!
BINABASA MO ANG
Forbidden To Love You (SPG)
Romance"Mahirap magmahal, lalo na kung hindi pwede." Iyong damdaming pilit mong itinatago dahil bawal... tapos sa isang iglap, bigla na lang lalabas ulit at wala ka ng magawa para supilin pa.