Cliché (One shot)

20 1 0
                                    

Ang sabi nila masarap mainlove. Anong lasa? lasang ice cream? Cake? Candy? Chocolate? Tataba ka ba pang nainlove ka? Hindi diba? Walang ginawa yang love nayan kundi ang saktan,lokohin at pagtripan ka! Oh ano? Diba tama ako? Ayan tuloy andaming nasasaktan dahil sa love na yan! Oo! Bitter ako! Sanay na akong tawaging Miss Bitter, pake nyo ba? Eh sa ayaw ko nang masaktan ako paulit-ulit. Kayo ba gusto niyo lagi nalang nasasaktan? Ehh. Baliw na kayo kung gusto niyo.Ako si Akira Sofia Gomez isang bit—

*Booogshh*

“Aray ko ah! Nagpapakilala ako dito na babangga kayo! Uyy Couple pala toh! Harut nyo teh! Matinde sa daan pa kayo nag laLoving-loving mag bebreak din naman kayo! Che!” ang sabi ko dun sa magjowa na nakabangga saakin.

“Oh talaga? Eh di hamak na Bitter ka at walang lovelife dahil niloko na ng tatlong beses ang saya diba?” sabi ng babae na nakakapit pa sa braso ng bf nya akala niya mawawala psh..

“Oo nga eh, pero mas Masaya kung mas bebreak kayo! Eh nakita ko nga yang jowa mo na may ka-Loving loving sa park, after 5 minutes na bangayan niyo mag bibreak din kayo haha! Ciao!” sabi ko at umalis na
Narinig ko silang nag babangayan na pshh.. Ayoko na magintay pa pagbebreak nila, dun din dating nun.

Pumasok na ako sa room namin, at uulitin ko.. Ako si Akira Sofia Gomez, isang bitter na babae, cold at mataray, aba complete package ng isang maganda at hindi nag mamaganda hahaha!

Habang nag leleson si maam, Biglang kumalabog ang pintuan at nasitilian ang mga babae, hays.. andito nanaman ang so-Called-Hearthrob slash Banda ng school. Oo magaling silang banda at oo pogi talaga sila.

Lima sila sa banda, and tawag sakanila ay RED DRAGONS aba! Malay ko kung bakit ganyang pangalan ng banda nila, Gangster din sila kaya kinakatakutan din sila aba malay ko sakanila kung bakit.

Ang pangalan ng blonde yung buhok ay Ezekiel Sandoval, ang drummer sa banda.

Ang naka brown yung buhok at blonde na highlight ay si Stephen Buenevista and taga schedule ng gig ang hacker ng grupo nila di sya kumakanta or what, parang manager lang at isa sya sa taong nanloko saakin.

Ang red ang buhok ay si Jared Santos, ang pianist sakanila minsan lang sya tumugtog pag sad song ang request.

Ang black hair na may blue highlight ay si Benedict Chua  ang electric Guitarist sakanila, pinaka badboy.

at ang pinakahuli na may brown Hair ay si Zachary Dela Vega,ang lead singer at ang pinaka gwapo sakanila, pinaka chick-boy at pinaka masungit at silang lima ang pinaka-mumuhian ko sa balat ni bentong.

*Krrriiinnnnnnggggggg*

Ay! Teka? Bat ko ba sila dinidiscribe at pinapakilala? Lumipad nanaman isip ko dahil sa pagpapakilala sa red dragon na yon, Recess na pala!

Habang nilalamon ko yung pagkain na binili ko..Oo lamon talaga! Ay biglang umupo sa harap ko ang limang lalaking kinamumuhian ko sa lahat

“Hi bestriend! Ay ex-bestfriend pa”–Ezekiel

“Hello Akira”–Jared

“Long time no see my ex”-Stephen

“Hey Fiancee”-Benedict

“Hoy Panget dito kami”-Zachary

“Umalis na kayo hanggat maaga pa, baka Mabasag ko ang inyong mga mukha” sabi ko sa mga red dragon nato. Bibinggo na tong limang unggoy na toh eh! Oo! Sabi nila swerte ako kasi si miss bitter lang ang pinapansin ng red dragon na to! Wala akong pake isa isa nila akong sinaktan!

Cliché (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon