1: Gitara

94 3 1
                                    

1: Gitara

April Jimenez

"Let's waste time chasing cars around our hands. If I lay here, if I just lay here, would you lie with me and just forget the world?"

Nakatingin-- nakatitig ako sa isang lalaking kumakanta. Pangit ang tono ng boses niya pero para sa akin napakaganda no'n, parang hinahaplos ang puso ko.

Ang romantic, ang ganda. Pero siguro mas maganda yun kung ako yung kinakantahan niya, kung nakaharap siya sa akin, kung sa akin niya inaalay ang kanta.

Nakatingin-- nakatitig ako sa isang lalaking kumakanta. Nakaharap siya sa taong gusto niya. Masakit. Sa bawat bigkas niya ng mga salita, sa bawat pagtunog ng gitara, parang sinasampal ka ng katotohanang, hanggang magkaibigan lang kayo, na iba ang gusto niya at hindi ikaw 'yon.

Siya si Jeremy Angeles, gusto ko siya kasi... Parehas kami ng gusto, ng hobby o gusto sa buhay. Marami kaming pagkakaparehas kaya ako na-attract sakanya, hindi siya ganun ka-gwapuhan, pero mabait siya, minsan? Parang ako. Hindi ako ka-gandahan, let me re-phrase that-- hindi talaga ako maganda.

Marami kaming similarities ni Jeremy, dun ako na-attract sakanya pero sabi nga nila "Opposites do attract." at kabaliktaran nung mga salita na iyon ang sa amin.

"Hoy!"

Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang may sumita sa akin.

"Bakit?"tanong ko.

"Next subject na po April,"sagot niya. Isang sulyap pa, isang sakit pa at baka matauhan na ako, pero alam kong hindi. Nagpapaka martyr lang ako, nagpapaka tanga.

Sumulyap ako. Nakita ko siyang inaayos ang gitara niya, nilalagay niya iyon sa lalagyan habang kinakausap niya yung babaeng gusto niya, nakangiti siya-- sila habang naguusap.

"Hoy ano ba! Tara na April,"sita ulit sa akin.

"Eto na,"sagot ko nang may pilit na ngiti sa aking labi. Kinuha ko ang bag ko at naglakad na kasama ang mga kaibigan ko.

***

"Napanood mo na ba yung bagong video ni pewds? Iyong in-upload niya kahapon, yung scare pewdiepie tapos napanood mo din ba yung five nights at Freddy's ni Markiplier? Ang astig nun tapos nakakatawa, grabe! Kapag may mga jump scare yung reaction ni Markiplier nakakatawa talaga! Astig din yung deadpool na trailer, gusto ko ngang panuorin yun eh..."at patuloy lang si Jeremy sa pagkwe-kwento habang wala siyang kamuwang muwang na unti unti ng nalulusaw ang puso ko.

Last subject na namin 'to, MAPEH. May practicum kami, iyong gagawa ka ng musical, dance, tsaka acting tapos magpe-perform kayo. Tatlo ang grupong meron, panghuli kaming magpe-perform sila Jeremy naman pangalawa.

"Tsk. Di ka naman nagsasalita eh!"sabi niya sabay kamot sa ulo.

"A-ay sorry, ah oo. Napanood ko na yung bagong video ni Pewdiepie, yung mental patient something? Pero yung FNAF ni Marki di ko pa napapanood, mamaya nalang siguro,"sagot ko.

"Ah sige. Kami na pala magpe-perform, sige ah,"sabi niya at pumunta na siya sa stage at inayos niya ang gitara niya.

Mukhang pinagtatagpo sila ng tadhana, kagrupo niya yung taong gusto niya. At ang masaklap pa sa parte ko, leading man si Jeremy at partner niya yung taong gusto niya.

"Uso pa ba ang harana?" nagsimula na yung musical nila, hinaharana ni Jeremy yung babae.

"Bagay sila,"sabi ko sa isip ko. Walang wala ako sa ganda nung babae. Hays.

"Puno ang langit ng bituin at ka'y lamig pa ng hangin, sa iyong tingin ako'y nababaliw,"

"Yieeeeeeeeee!"tukso sa kanila ng iba pa naming kaklase. Bagay nga talaga sila. Sana ako nalang yung babaeng gusto niya. Sana... Sana.

Hanggang sana nalang ako, alam ko namang wala talaga akong pag asang magustuhan niya pero umaasa pa din ako. Kasi ganun naman yun diba? Pag gusto mo, umaasa at umaasa ka kahit malinaw na sayo, mas malinaw pa sa tubig, na wala talagang pag-asa. Kasi kumakapit ka sa mga posibilidad ng buhay na baka isang araw magbago ang ihip ng hangin.

***

Chased.

Chasing CarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon