3. Confusing
April Jimenez
Masakit pala talaga magkagusto sa isang kaibigan. Bakit? Marami kasing memories na masasayang at maiiwan. Iyong mga actions na hindi na pwedeng maulit.
Nakakamiss si Jeremy. Ilang linggo na rin kasi ang lumipas magmula noong, nalaman niya--nila na gusto ko siya. Hindi ko alam, pero parehas na namin iniiwasan ang isat isa.
At merong mga panahon na nakakamiss ang presensya niya. Iyong mga paguusap na hindi awkward, iyong pwede kaming mag usap ng kami lang, na walang malisya. Ngayon kasi hindi na kami naguusap.
Nakakamiss iyong pangungulit niya sa akin sa facebook chat patungkol sa mga assignments, iyong lagi niya akong pinapakiusapan na pakopyahin ko siya ng assignment kasi nga wala siya. Iyong sabay kaming kokopya ng assignment sa isang kaibigang nagpapakopya.
Iyong nagsusulatan kami kasi may mga pagkakataon na beastmode ang teacher namin at bawal mag-ingay. Pinaguusapan namin ang kung ano anong weird na bagay.
Nakakamiss yung tawanan, yung kulitan, yung samahan.
Bakit pa kasi ako nagkagusto sakanya. Hays.
Edi sana mas close na kami ngayon, edi sana mas marami pa kaming nagawang masasayang ala-ala.
Pero alam ko, alam namin parehas, na pagdating sa mga ganoong bagay kami lang ang lubos na magkakaintindihan at hindi mabubuwag o makakalimutan ang pagsasama at mga ala-alang nabuo namin ng magkasama.
"Ba't tulala ka jan?" tanong sa akin ni Aisha.
"Wala,"sagot ko.
"Wala. Parang kami, wala!"hugot niya.
Parang pagkakaibigan namin, wala. Wala na.
"Pst. Jeremy, may pinapasabi si April oh! Mahal ka daw niya,"sabi ni Aisha kay Jeremy.
Magkakatapat lang ang upuan namin, si Jeremy nasa first row tapos si Aisha sa second at ako sa third. Wala pa naman kaming ginagawa at kakaunti palang ang mga kaklase namin, buti nalang at halos wala namang nakarinig sa sinabi ni Aisha!
"Wala akong sinasabing ganyan!"kontra ko.
Umiling lang si Jeremy bilang sagot.
"Aisha, tanong mo nga kung magkaibigan pa ba kami,"sabi ko.
Sinunod niya naman at nagbulungan sila.
"Oo daw sabi niya,"sabi ni Aisha.
Kahit sabihin niya pang magkaibigan pa rin kami, alam ko na hindi na maibabalik iyong dati.
"May pag-asa ba si April?"nagulat ako sa tanong ni Aisha. Tumalikod ako at inalis ko ang tingin ko sakanilang dalawa. Hindi sa ayokong malaman ang sagot niya, natatakot lang akong malaman.
Maya maya may kumalabit na sa akin. Nilingon ko. Alam ko si Aisha yun, handa na siyang sabihin sa akin ang naging sagot ni Jeremy. Kahit gaano ko ka-ayaw malaman hindi ko pa din napigilan ang sarili ko. Nilingon ko si Aisha, wala siyang binigkas na salita.
Kundi iling at tango. Hindi ko maintindihan.
Napakunot ang noo ko. Nilingon ko si Jeremy pero busy na siya na kausap ang kaibigan niyang si Cris.
Sakto naman na dumating na yung mga kakalse namin at maya maya nagdiscuss na din ang teacher namin.
***
Last subject, computer class.
Medyo boring ang naging takbo netong mga lumipas na oras. Wala kaming ginawa kundi umupo at makinig buti nalang dito sa computer class, pinagawa kami ng batch file
Hindi pa din maalis sa isip ko yung naging tugon ni Jeremy sa tanong ni Aisha. Hindi ko talaga maintindihan ang sagot niya. Oo ba yun o hindi?
"Five questions and create a result!"sabi sa amin nung teacher namin.
Sinimulan ko na ang pagta-type. Hindi ko makuha yung tamang result. Nakakainis.
"Yes!! Nakuha ko na!"sigaw ni Jeremy. Rinig na rinig ko ang boses niya, isang tao lang naman kasi ang pagitan namin, si Cris.
Binalewala ko lang at nagsimula nanaman uli akong mag type.
"Who is the girlfriend of Felix Arvid Ulf Kjellberg? a. Miranda Sings, b. Markiplier, c. CutiepieMarzia,"pagbabasa ni Cris sa tinatype ko.
"Okay, save your works,"sabi ng teacher namin.
"Hala! Hala! Bakit ganito?! Bakit di ko makuha yung result?!"hysterical na sigaw ni Marielle.
"Dahil sa pagmamahal ko sayo,"sabi ni Jeremy.
Ang sakit. Alam mo yun? Para kang sinampal ng tadhana at sinabi sayong: "Hindi ka niya gusto!"
"May nagseselos!"sigaw ng mga kaklase ko.
"Uy hindi ah!"kontra ko. Sinungaling.
Naglabasan na yung mga kaklase namin. Lumabas na rin ako at sa may pinto nakasalubong ko si Gelly.
"Selos ka?"bulong niya sa akin.
Umiling ako. Kumunot ang noo niya.
"Pag nalaman mo bang may ibang mahal yung taong gusto mo hindi ka ba magseselos?"bulong ko sakanya paglabas namin ng pintuan.
Sabay kaming naglakad ni Gelly habang nagke-kwentuhan.
"April!"
Nilingon ko yung taong nagtawag sa pangalan ko. Si Zach lang pala.
Huminto kami ni Gelly sa paglalakad. Problema kaya netong Zach na to?
"May sasabihin ako sayong dalawang bagay,"sabi niya ng may ngiti sa labi na parang kinikilig na nang-aasar na hindi mo maintindihan.
"Ano yun?"tanong ko.
"Una, 0.0000001 percent daw na may pag-asa ka. Pangalawa, tinanong ko siya kung gusto ka niya, ewan daw,"sabi ni Zach sabay sundot sa tagiliran ko habang inaasar ako ng,"Yieee. April!"
"Ano namang nakakatuwa doon?"kunot noo kong tanong.
"Kasi April, pwede naman niyang sabihin na hindi o wala! Pero ewan daw tapos 0.0000001 percent daw!"si Gelly na ang sumagot para kay Zach.
Confusing.
BINABASA MO ANG
Chasing Cars
RomanceNaranasan mo na bang magkagusto sa taong hindi mo alam kung gusto ka ba o alam mo talagang hindi ka niya gusto at hanggang kaibigan ka lang? Pwes! Para sa'yo ang kwentong 'to.