Elle's POV
I try to open my eyes. Pero nasilaw ako, kaya dinahan-dahan ko lamang ito. Bigla akong nakaramdam ng matinding kirot sa ulo ko, na nag dahilang hawakan ko ang aking noo.
When I straightly opened my eyes, I looked around, I'm in a Hospital. It was blurred at first. White walls, a T.V, and a small couch. Why am I here? Anong nangyari? I can't even remember anything.
May biglang kumatok sa pinto. Hinintay ko kung sinong pumasok. Isang lalaking... Nerd?
"hala! Elle gising ka na! nurse nurse!" sabi niya habang inaayos ang makapal niyang glasses.
Di tumagal ay pumasok ang nurse at chineck ako.
lumapit naman sakin yung nerd. He seems familiar, I just can't remember him."S-sorry ho? pero sino po kayo?" sabi ko na halatang nagtataka.
"Uh.. Elle? hello? It's me, Drew!" sabi niya na na-e-excite. Akala niya nagbibiro lang ako?
"I-I'm sorry?.. Mr. Drew, but I can't really remember anything" bakit kasi di nalang niya sabihin ang mga nangyari sakin.
May pumasok na isang babae at isang lalake. Mid-40s na sila.
"Anak!" sabi nung lalaking medyo may edad na at agad na lumapit sakin at yumakap. Wait... siya ang ama ko? bakit di ko maalala ni isa sa kanila?
"Joriyelle baby.. ba't di ka umiimik?" so... Jorielle is my name.. "may masakit pa ba sayo? yung paa mo? sabi nga doctor, baka daw magka amnesia ka pero sabi ko bak----"
"Exactly! I can't remember anyone of you and what really happened to me." Hindi ko na mapigilan ang pagtataka ko, bigla akong nakapag salita.
Biglang na sakop ng katahimikan ang buong kwarto. At lumapit sa akin ang babae, Yung...mommy ko ata.
"Anak, I-I'm so sorry" sabi niya habang parang maluluha "I am your mom, and... this is your dad" itinuro niya ang lalaking nasa tabi niya.
Biglang napunta ang tingin ko sa nerd na ngayon ay hindi na malawak ang ngiti.
"Uh.. and t-this is Drew, Your friend" sabi ni mommy
"B-bestfriend!" pangontra naman nung nerd. Siguro naging bestfriend ko to dahil wala na akong choice.
"We are quite expecting this dear, since binabalaan naman kami nang doktor. Kaya kung ano man ang tanong mo anak, andito lang kami."
----------
Ilang oras narin ang nakalipas. Ikwinento sakin ni Ate Mel, ang kasama namin sa bahay na palagi daw busy sina Daddy at Mommy. Dati, madalas daw akong mag tampo kapag di sila umuuwi nga maaga kapag thursday.
Tuwing Thursday daw kasi, nagluluto ako sa bahay. Yun lang kasi yung day na wala akong masyadong ginagawa sa school. Gusto ko sila agad ang unang maka tikim nito. Pero minsan lang daw nangyayari yun. Kasi nga, busy sila sa trabaho.
Napakasaya kausap si Ate Mel, nakakagaan sa loob. Nung tinanong ko siya kung ano ang nangyari sakin, sabi niya, naaksidente daw ako. Car accident.
Since wala narin daw siyang alam kung bakit, di ko na siya ulit tinanong. Nag paalam siya para umuwi dahil marami pa daw siyang gagawin na paglilinis sa bahay.
Naisipan kong itanong ang mga katanungan ko sa lalaking nakaupo sa sofa habang naka headset. Bestfriend ko ba talaga to? luh. Di ako makapaniwala sa taste ko sa friends dati.
"Pst. Drew" hindi niya ako narinig at naisipan kong pag untugin ang baso sa Lamesang katabi ko.
"ay! uy! Elle!" sigaw niya na natataranta. Bigla niyang kinuha ang headphones niya.
YOU ARE READING
Letter or Never (OnHold)
RandomDear Elle, I love you to the moon and back. Always and Forever. Soon and soon, I hope you'll remember me. Yours Truly, The guy in the back of your mind