BUKING

14 2 0
                                    

Nakarating na sila sa bahay ni james.

Teka ano ba pangalan mo?  Nasaan ang pamilya mo?
Taga san ka ba?

Sunod sunod na tanong ni james

Wowww!  Reporter ka?  Reporter? Baka pag nasagot ko mga tanong mo mamaya nasa tv na ako.  Kaya wag mo na lang alamin.

Kumunot ang nuo ni james.

Sasagot ka ba o hindi?

Wow!  Bossing lang bossing?

Nayamot si James kaya magwowalk out sya.

Jan ka na nga!

Gutom na ako. Sagot ng babae!

Ewan!

Hoy!  Bisita mo ako.  Kaya nararapat lang pag silbihan mo ako.

Kaya itong engot na si james ay sumunod sa isang strangherang babae! nagluto na sya ng umagahan.

Pagkatapos....

Oh kumain ka na!

Eto lang? 

Rereklamo ka pa bakit kaano ano ba kita? Makapag utos ka akala mo kung sino!  FC lang?

Anong fc?  Feeling Close?
Wow ha!  Pwede namang kompletuhin kailangan pa ng abrevation? Ikaw na!  The Boy!

Asar na si james pero di nya pwedeng patulan ang babae. Kase para sa kanya parang nakulangan ng sampong tornilyo sa ulo.  Maluwag na ang mga utak.

Alam mo!  Masasampulan na kita.  Wika ni james.  Palalayasin kita sa pamamahay ko kung di ka magtitino.

Uhhmmmmm

Taga san ka?

Hindi sumagot ang babae.

Taga san ka?  Ulit ni james.


Ngunit hindi pa rin sya umiimik.

Aba teka!  Papakawalan ko yung alaga kong aso.

Wait!!  Pigil ng babae.
Jessy Bell Marimar Darna Liwayway Medrano ang pangalan ko.  Pero just call me Jess for short.  At para cute,  kase cute naman talaga ako.  Taga Cavite ako sa barangay puting uwak di matagpuan street.  Im single but im not available.  Mahirap masaktan kaya im not available. Its better to be single than taken.  Kase pag single ka,  wala kang alalahanin kaysa taken kase masarap magmahal pero pag nasaktan ka promise!  Magpapabebe mode ka!  OA noh!  20 years old na ako.  Im still virgin!  Pak na pak noh! Kung tatanungin mo kung bakit napadpad ako dito kase..

Biglang lumungkot ang mukha ng Jess.

Bakit?

Kase....


Bakit nga?



Nakakahiya.

Ano nga yun?


Wag kang magagalit ha.

Oo na.  Ano ba yun?


Natatae kase ako.  Eh wala akong makitang Cr.  Kaya nung napadaan ka nagkunwari na lang ako na masakit ang tyan ko.  Tapos pumayag ka na dalhin mo ako dito sa bahay mo.  Tapos biglang naudlot.  Di na ako natatae ngayon.  Uy impyernes ha.  Sarap mo magluto. 


Napasapo sa ulo si james.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A MILLION  HEARTBEATS (by YASHpogi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon