Ang Bantay

179 1 0
                                    

"waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaagggggggggggggg! Aaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!" ang nakakapanindig balahibong sigaw at maya-maya pa ay nakakabinging katahimikan. Isa na namang gabing balot ng lagim.

Kinaumagahan, usap-usapan na naman ang nangyari. "may kawawa na naman na biktima ng kung anong halimaw sa kagubatan,," ang wika ni bebeng."balita ko may halimaw daw na nangunguha ng mga lalaki sa gubat." wika naman ni saling."nakakatakot na dito sa ating lugar, sana naman wala ng sumunod pang biktima, kaya ko pinagbawalan ko si igme na pumasok sa kagubatan." wika pa ni bebeng. Maya-maya ay "mawalang galang na po mga ale, puwede po ba na magtanong?" ang wika ng isang lalaki na tila pulis dahil sa kanyang kasuotan. "Ano po 'yon mamang pulis?" tanong ni saling. "may hinahanap po kaming grupo ng mga kalalakihan, mga taga kabilang bayan na pinamumunuan ni mang kanor, may nakapag sabi na dito daw sila huling nakita," paliwanag ng pulis."naku sir, di po namin sila kilala," sabi ni aling bebeng. "meron po ba kayong larawan"? tanong naman ni aling saling. Dumukot sa bulsa ang pulis at iniabot sa dalawa ang isang larawan. "'yan nga, yan nga ang nakita ko sir na pumasok sa kagubatan kahapon ng umaga, may dala dala silang palakol at malaking lagari, hinala ko mamumutol sila ng kahoy sa gubat." sabi ni aling saling.'sige po salamat." ang nakangiting wika ng pulis. Ilang andali lang ang lumipas, dumating ang police mobile kasama ang ilang pulis. bumaba ang isang opisyal si Police Inspector Mendez."Men, let's move!" ang utos nito sa kanyang mga tauhan. Pumasok sila sa kagubatan. "sir, sir, teka lang po, ingat kayo at baka mapahamak kayo, may mga halimaw sa gubat'" ang paalala ni aling bebeng. "Napagiti si Pinsp Mendez at sabay ika ng " ale, wala p[o akong kinakatakutan, may mga armas kami, 'wag po kayong mag-alala'". "yabang nito, akala mo naman tatalab sa halimaw bala ng mga baril nila'" sabi naman ni aleng saling.

Sa loob ng kagubatan, nagpatuloy ang mga pulis sa paghahanap, "men! search the area, ang instruction sa atin ay to bring them back alive'" wika ng opisyal. Inabot sila ng maghapon kakahanap ngunit nabigo sila, wala silang makitang bakas man lamang ng grupo ni mang kanor. "pahinga muna tayo at madilim na, bukas pagsikat ng araw, ipagpapatuloy natin ang paghahanap'" ang utos nito sa mga tauhan."sir, baka puwedeng umalis na muna tayo, doon na tayo magpa umaga sa bayan at delikado daw dito, di niyo ba narining 'yong sabi ng ale na may halimaw dito?" ang natatakot na wika ng isang pulis. "hahahahahah, nagpapaniwala ka sa mga ganung kwento? kung natatakot ka, go ahead, umalis ka na!" ang pabulyaw na wika nito sa kanyang tauhan. walang nagawa ang pulis kundi tumahimik at naupo sa tabi ng isang puno. "magpahinga na kayo at matulog, bukas ipagpapatuloy nati ang paghahanap kina mang kanor!" sabi pa ng opisyal. Maya-maya may narinig ito "ppssssst!" sino ang sumusutsot sa akin ha?" tanong nito " sir, wala naman po sumusutsot sa inyo, lahat kami natutulog na'" ang wika ng isang pulis. maya-maya ulit "psssssst!" napalingon ang opisyal sa may bandang kanan niya, nakita niya ang sumusutsot sa kanya, isang napakagandang babae, nakakaakit ang hitsura at kumakaway sa kanya.Parang wala sa sariling tumayo ang opisyal at lumapit sa babae. Nagising ang mga pulis at nakita nila ang opisyal, tinawag nila ito, "sir! sir! saan po kayo pupunta?" ngunit hindi man lang sila pinansin ng opisyal at nagpatuloy ito sa paglapit sa mahiwagang babae at tuluyang nawala sa paningin ng kanyang mga kasama." Nawala si sir! may engkanot nga yata dito, takbo!!!!!" ang sigaw ng isang pulis, kanya kanya silang takbo sa iba ibang dereksyon. Maya maya pa ay may tunog na di maipaliwanaga, napalingon ang mga pulis sa kakahuyan at nangilabot sa nakita. "tingan ninyo ang mga puno, nabuhay, gumagalaw at papalapit sa atin!" sigaw ng mga ito, karipas ng takbo ang mga pulis.

Samantala a loob ng gubat, "halika, may ipapakita ako sayo, eto ang aking paraiso, pagmasdan mo ang nag gagandahang punong kahoy!"ang wika ng magandang babae.Namangha ang opisyal sa kanyang namasdan, kakaiba ang mga kahoy, maganda at nakakaakit itong pagmasdan, maya maya pa ay"tulong, tulungan mo ko!" ang tila maliit na boses na nagmumula sa di kalayuan. "sino ka? may iba pa bang tao rito?" tanong ng opisyal. "'wag mong pansinin ang narinig mo, likha lang 'yan ng galaw ng mga dahon habang sumasabay sa ihip ng hangin, tayo na at marami pang puno doon'" ang wika ng babae, sa kanilang paglalakad, muling nakarinig ng boses ang opisyal, tila nagmamakaawa ito. "tulong, tulungan mo ko!"  napatingin siya sa isang puno, tila may nakasabit na punit na tela, bigla niyang naalala, ganun ang kulay ng t-shirt ni mang kanor, lumapit siya dito at inilapit ang tenga sa puno, "tulungan mo kami!" ang pakiusap ng tinig. "Napaatras ang opisyal, nanggagaling ang tinig sa puno, maya-maya ay pumatak ang tubig na tila mga luha, napalingon siya sa babae at nagulantang sa nakita, nag iba ng anyo at nanlilisik ang mga mata, isang kahoy na may buhay at akmang sasakmalin siya. Agad na binunot ng pulis ang baril saka pinaputukan ang halimaw. umalingawngaw ang putok, 'bang! bang! ngunit tumalbog lang ang mga bala. "Bakit mo ito ginagawa? ano ang kasalanan ni mang kanor at ginawa mo siyang puno?" ang tanong ng opisyal. "Nararapat lang 'yan sa kanya dahil wala siyang awa, pinuputol niya ang mga kahoy ng walang kalaban laban, kahit maliliit pa ay di niya bigyan ng pagkakataon na mabuhay. Pagmasdan mo ang mga punong nakapalibot sayo, lahat sila ay mga taong malupit sa puno, kaya nararapat lang silang parusahan!" ang galit na wika ng halimaw. "Ngunit hindi ka batas para magpataw ng parusa sa kanila, may bata s na dapat umusig sa kanila!" ang sabi ng opisyal. "Batas? ang batas ng tao ay para lang sa mga tao, papano naman kami sa kagubatan na may sariling batas? Eto ang aming batas kung kaya pinarusahan namin sila" ang sagot ng halimaw.

Kinaumagahan,  sa may bukana ng gubat, naghihintay ang mga pulis, nagbabakasakaling makita ang kanilang opisyal. Maya-maya pa ay lumabas na ito at may mga kasunod, si mang kanor at mga kasama nito.Palakpakan ang mga tao. "Ligtas si sir, nahanap pa niya sila mang kanor at mukhang marami pang kalalakihan!" ang natutuwang wika ng mga taong bayan."Sir, ano ang nangyari, at papano ninyo nahanap na mag-isa sila mang kanor? saan ka dinala ng babae?" ang madaming tanong ng mga pulis sa opisyal. Napabuntunghininga ang opisyal at "mahabang kwento, ang importante nakabalik kami ng ligtas di ba mang kanor?" ang baling nito kina mang kanor. Oh! ano mang kanor, 'yong napag usapan natin ha? "opo sir, tatalima ako sa napagkasunduan natin at maraming maraming salamat sa katapangan at tulong mo." ang sagot ni mang kanor."okay lang 'yon mang kanor, tawag ng tungkulin kaya kailangan na gawin." napapangiting sagot ng opisyal. Kinaumagahan nagulat ang mga taga baryo ng makita ang grupo ng mga kalalakihan, mga namumutol ng kahoy, ngunit sa kanilang nakita, tila hindi ito mamumutol, bagkus ay magtatanim ng mga puno. "tara na kayo, panaho na para bumawi sa ating mga nagawang pagkakamali." at nagtanim sila ng mga puno sa loob ng gubat, umaasa sila na hindi na sila bubulabugin ng bantay sa gubat. Napalingon sila sa kabilang dako, andon ang bantay, ang babaeng kahoy, nakangiti at kumakaway sa kanila.

May mga bagay na totoong mahirap ipaliwanag, may mag batas tayong sinusunod, batas ng tao, batas ng diyos at huwag nating kalilimutan may batas din ang kalikasan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang BantayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon