TEASER

182 6 1
                                    

Saya Takagi

People eating people?!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

People eating people?!

"Outta my fvcking way! Don't make me kick your ass! "

"Waaaag!  Lumayo ka!  Layo! "

Kung titignan mo parang isa itong masamang panaginip. Kahit san man ako tumingin ay hindi sila maubos-ubos.

"H-Hindi to totoo.  Hindi.  Diba M-Ma?  D-diba? "

"Takagi-san,  Pano na tayo niyan makakaalis? ", Si taba.  Kasalukuyan kami ngayong tumatakbo sa Hallway habang lahat ng estudyante rito ay nagpapanic na. 

"What's your plan? ", I asked him while were running. 

"Balak ko sanang pumunta sa staff room para ipaalam kung ano ang nangyayare dito tapos pumunta agad sa dorm. ", taba.

"Like hell you are!  Sa tingin mo matutulungan pa nila tayo sa sitwasyong to?! ", Katangahan rin kasi netong si taba.  Hindi ginagamit ang utak.

"P-Pero Takagi-san....  Hindi k-ko yata k-ka—".

"May tanong ako sayo. ", sabi ko at hinarap siya.  Nakita ko naman ang mukha niyang namamawis at may bakas ng takot.

"A-Ano po y-yun?... ", taba. Dinuro ko siya.

"Do you want to DIE or do you want to LIVE? ", deretsahan kong tanong sakanya.

Nakita ko siyang lumingon sa isang bangkay ng lalake at napalunok.

"U-uhhm.... ", taba.

"Tignan mo sila.. ", sabi ko at tinuro ang staff room. Mayrong mangilang estudyante ang kumakatok doon.

"Ginawa nila ang naisip mo kanina pero tignan mo. ", sabi ko.  Biglang bumukas ang pintuan ng staff room at lumabas roon ang mga teachers na naging zombie narin. Nagsigawan sila run.

Tinuro ko ulit siya. "I don't know about you,  pero gusto kong mabuhay. Got it? ", tumango naman siya ng mabilis. 

Tumakbo na naman ulit kami.  Lahat ng madadaanan namin ay puro zombie at estudyanteng mga nagpapanic.  Meron naring kagaya namin na tumatakbo.

"Uhm...  Takagi-san I know It's against the rules pero may dala ka bang cell phone? ", tanong sakin ni taba. 

"I'm an honor student. At kung meron man akong cell phone 'san ka naman tatawag?", tanong ko sa kanya. 

"Ano....  Sa pulis.. ", taba. Napairap nalang ako dahil sa katangahan niya.

"Tanga ka talaga eh no?  Sa tingin mo etong eskwelahan lang ang nagkaroon ng gulo?  Youre not going to be able to reach anywhere. ", talaga tong si taba.  May zombie outbreak na nga't lahat-lahat 'di parin ginagamit ang utak.

High School Of The DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon