Chapter 3

71 3 2
                                    

Not edited/Not proofread

Read at your own risk! Ciao!

***

Chapter 3

Komuro Takashi

Dinala ako ng mga paa ko sa classroom namin nina Rei. Walang alin-langan kong binuksan 'yung pinto.  Bumungad sakin ang mga kaklase kong nakikinig sa tinuturo ng english teacher namin.

"Komuro! Not are you cutting class but your also interrupting--", Hindi ko na pinakinggan pa ang pagdada ng teacher kong bakla at direderetsong pumasok sa loob.

Pinuntahan ko si Rei na nakatingin sakin.  Hinila ko siya patayo at sinabing—,"Tara, umalis na tayo dito. ", pumiglas siya at sinabi ring—,"Ano ba!  Kitang nagkaklase kami dito!  Kung gusto mong manggulo 'dun ka sa la—.", Pwinersa ko na siyang hilain patayo bago pa kami mahuli.

"Wala akong pake.  Basta sumama kana. ",  sabi ko sakanya.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo komuro?! ", rinig kong sigaw sakin ng Class President namin. Pero hindi ko siya pinansin.

"Haha nangugulo na naman si komuro."

"Ano bang ginagawa niya? "

"Baka magtatapat na siya ng nararamdaman niya kay Miyamoto. Pfft! "

"Grabe naman siya... Poor Miyamoto. "

Tsk.  Kung alam lang nila.  Mamatay sana sila.

Hindi ko na inaksaya pang palagan ang mga chismoso't chismosa kong mga kaklase.

May naramdaman akong kamay sa braso ko kaya napalingon ako kung sino to.

"Ano ang gagawin mo kay Rei? ", pagalit na medyo may diin sa bawat salitang binitawan niya. Hinigpitan niya pa lalo ang paghawak sa braso ko ng hindi ako umimik.  Tch.  Wala na rin naman akong choice kung hindi sabihin sakanya.

"May nangyari sa Front gate ngayon-ngayon lang.  May pumatay. ",  sabi ko sa kanya na tanging kaming dalawa lang ang nakakarinig.

"Huh?  Seryoso ka ba? ", May halong duda pa niyang sabi.

"Gagawin ko ba to kung hindi totoo?  Tch umalis na tayo dito. ", seryosong saad ko sakanya.

Bumitiw sa pagkakahawak ko si Rei sa kamay niya. Tch ano na naman bang problema ng babaeng to?

"Teka nga! Wag mong solohin yang dahilan mo Takashi!  Hindi na talaga kita maintindihan--", rei.

*SLAP*

Hindi ko tuloy mapigilang masampal siya.  Hindi niya alam na manganganib ang buhay namin kapag hindi kaagad kami nakaalis dito. "Basta!  Makinig ka nalang sakin!  Ang kulit mo. Tsk. ",  naglakad na ako palabas ng classroom.

"Please excuse us, Sensei. Tara na rei. ", rinig kong paalam ni Hisashi sa teacher kong bakla.

"Hey Igou!  Dont tell me you too—.", tch.  Sabihin niya nalang namay gusto siya kay Hisashi —_—

Patakbo na kaming naglalakad sa Hallway.

"May nangyaring aksedente sa Front Gate kanina.  Kung gusto niyo pang mabuhay, umalis na tayo rito. ", sabi ko habang nasa hallway kami all the way down to ground.

"Aksedente sa Front gate kanina?  Yun lang? ", tanong niya habang saposapo ang pisngi niyang sinampal ko.  Tch.  Wala kasing alam tong babaeng to kundi magtiwala lang kay Hisashi.

"Pumunta 'yung mga teachers sa front gate kung sino yung nanggugulo. Tapos ngayon......

Patay na sila... ", seryoso kong saad sa kanya.

"Sa tingin mo maniniwala pa ako diyan sa mga kalokohan—", hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng tawagin kami ni Hisashi. Napatingin kaming dalawa sa kinaroroonan ni Hisashi.

"Teka,  guys!", sinenyasan niya kami na lumapit sa kanya.

"May nakalimutan nga pala ako.... ", sabi niya.  Nakatingin lang kami sa kanya at hinintay ang susunod niyang sasabihin.

"Kung totoo ang sinasabi ni Takashi..  *pasa* kakailanganin natin ng armas. ", Binigay niya sakin ang isang Metal Bat.  Kumuha siya ng mop sa loob ng cabinet tapos tinanggal niya ang bakal na hawakan nito doon sa mop. Binigay niya to kay Rei.

"Pano naman ikaw? ", tanong ni rei kay hisashi.  May armas na kaming dalawa maliban nalang siya.

"Black belter naman ako sa Judo kaya, kaya kong protektahan ang sarili ko gamit ang kamao ko. ", sabi niya.  Gusto ko sanang isipin na mayabang siya pero totoo naman ang sinabi niya.

"In any case,  kailangan na nating umalis ngayon. Nagaalala ako sa pamilya ko. ", sabi niya.

"ha..  Pamilya...", bulong ko sa sarili ko. 

"Anyway!  Kailangan nating tumawag ng pulis. Imbestigador ang tatay ko kaya paniguradong pupunta siya agad dito. " sabi ni rei.  Agad kong kinuha ang cellphone ko atsaka binigay sa kanya.

"Subukan mo. ", sabi ko sa kanya..

*Ring~

Ring ~

Ring~

Ring~

Click! *

Tinignan namin siya habang pinapakinggan niya ang kabilang linya.  Ilang segundo ang lumipas ng bumakas sa mukha niya ang pagkagulat.

"N-No way. ", sabi niya.

"Anong sabi Rei? ", tanong ni Hisashi kay Rei.  Pinindot ni rei ang loud speaker.

"[Repeat,  this is a recording.  We at 110 Emergeny line are held up for a moment.  If after calling again, we can't recieve your call, please wait and call again later....... Repeat, this is a recording—]", nanginginig niyang binaba ang Cellphone ko.

"B-Baka marami lang t-talagang tumatawag..  Pero b-bakit.... ", kabado niyang sabi.  Tch.  Sinasabi na nga ba.

"[ATTENTION ALL STUDENTS AND TEACHERS!  ATTENTION ALL STUDENTS AND TEACHERS!  AT THE PRESENT TIME, THERE IS A VIOLENT OCCURING PREMISES. STUDENTS,  STAY WITH YOUR TEACHER AND FOLLOW THEIR INSTRUCTIONS—", rinig naming announce sa Speaker ng buong school.

"Halika saglit....

A-Ano?

H-Hindi to pwedeng mangyari... ", rinig sa speaker ang paguusap ng dalawang tao.

"Alam na nila.. ", sabi ko sa sarili ko.

"[I REPEAT,  AT THE PRESENT TIME, THERE IS A VIOLENT OCCURING PREMISES— grr....... Scrch..... ung...... ", rinig sa backround ang ilang mga ungol.

Nagulat kami sa susunod na narinig namin.

"GAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAARGH!!—Wag! Aaah! --Ayoko na!!  Lumayo ka!  Aaaaah!!  Masakit!  Tulong!!! — TULUNGAN NIYO AKOO!... Aah!  Masakit!  Tulong!! Ayoko pang mamatay!!  GWAAAAAAAH!! ", lahat ng iyon ay rinig na rinig sa buong school.

Namayani ang katahimikan sa buong school.  Ilang segundo palang ng may marinig kaming tunog ng mga nagtatakbuhan.  Patay!  Mukhang nagpanic na lahat ng studyante!

***

Sorry if bitin >,<







Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

High School Of The DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon