Chapter 10

4.3K 117 0
                                    

PINAUNA MUNANG sumakay ni James sina Zack at Tess, kasunod sina Richard at Carl na tinapik pa siya sa balikat at sumaludo kay Andrea bago inalalayan si Andrea na pumanhik sa loob ng bus. Sa bandang gitna sila pumwesto ng dalaga upang mahirapan si Zack na sulyapan sila ng dalaga dahil sa unahan nakapwesto ang mga ito.

Nang makaupo ang dalaga ay inismiran siya nito. Napangiti siya. Hindi niya maintindihan ang sarili, basta ang alam niya, masaya siyang kasama ngayon ang dalaga kahit hindi siya pinapansin nito at nakatanaw lang sa bintana.

Umayos siya nang pagkakaupo at hinawakan ang kamay ni Andrea. Pilit nitong binabawi sa kanya ang kamay nito ngunit mas hinihigpitan lamang niya ang pagkakahawak dito. Lalo pa niyang ininis ang dalaga. Ipinatong niya ang kanyang ulo sa balikat nito at nagkunwaring tulog.

Wala naman siyang narinig na salita buhat dito, marahil ayaw lang nito na makatawag sila ng pansin ng mga taong naroroon sa loob ng bus.

Napansin niya ang pustura ni Andrea ngayon. Naka fitted jeans ito at simple fitted blouse na nagpakita ng magandang hubog ng katawan nito. Napansin din niyang naka pony tail ito ng buhok.

Kumunot ang noo niya ng maalala na hindi pala alam ng dalaga na kasama siya sa lakad na iyon.

"Nagpapaganda ka ba kay Zack?" Biglang nawika niya.

"WHAT?" Biglang lingon ni Andrea sa binata eksakto namang nag-angat ng mukha ito mula sa pagkakayukyok nito sa balikat niya. Nahigit ng dalaga ang kanyang hininga ng makitang halos ga-hibla nalang ang pagitan ng mga mukha nila ng binata.

Napapikit siya ng mariin. Pakiramdam niya ay konting galaw niya ay maglalapat na ang kanilang mga labi.

There it goes again. Naramdaman na naman niya ang mabilis na pagpintig ng kanyang puso.

TINITIGAN NI James ang mukha ni Andrea habang mariin itong nakapikit sa harap niya. Pigil nito ang hiningang marahil ay hinihintay nalang na halikan niya. Pinigilan niya ang sarili kahit pa iyon talaga ang matagal na niyang gustong gawin.

Napangiti siya. Sa halip ay sa noo ng dalaga dumampi ang kanyang mga labi.

Nagmulat ito at napatitig sa kanya. "Not now baby, not here. Gagawin ko 'yon kapag handa ka na. Kapag opisyal na tayong dalawa." He gently whispered to her ears.

NAPANGITI SI Andrea sa sinabi ni James. Ganon-ganon lang, parang halos lahat ng galit at sama ng loob niya rito ay naglahong bigla.

Biglang pumailanlan ang isang masuyong musika sa loob ng bus. Marahil ay binibigyan sila ng pagkakataong makatulog muna sa mahaba-habang biyahe.

Look at us, ain't it funny It's just beginner's luck, maybe...

Parang biglang tumigil sa pag-inod ang mundo, na sila lamang dalawa. Nanuot sa kaibuturan niya ang liriko ng kanta.

Ooh with just a touch Two different people From such different worlds apart Has touched each other's heart Like candle's in the dark So if it's time for us we gotta take it Take the chance, the chance to make it

Parang sila ni James, magkaiba ang mundo nila. May chance kaya talaga? Na maging sila?

Now Let the love begin Let the light come shining in Who knows where the road will lead us now Look at what we've found Make this moment turn our hearts around It may never come again let it in let the love begin.

Pwede bang pahintulutan ang damdamin nila para sa isa't isa kung alam nilang pareho na may masasaktan sa kanila?

"Ang ganda ng kanta." Aniya.

"Parang tayo."

Saka marahang pinisil ng binata ang kanyang palad at muling dumantay sa kanyang balikat.

Muli ay itinuon ni Andrea ang paningin sa labas ng bintana. Napangiti siya, sana ganoon nalang sila parati. Sa loob-loob niya.

NANGUNOT ang noo ni James nang may mapansing mapula sa may bandang likurang balikat ni Andrea. Bahagya siyang nag-angat ng kanyang ulo at marahang hinawakan iyon.

Napapitlag ang dalaga ng maramdaman ang daliri ng binata na masuyong humahaplos sa kanyang balat.

"Ano 'to?" Kunot noong tanong niya.

"Birthmark."

"Bakit pula?"

"Ewan."

"Kaya siguro malas ka kasi may balat ka sa likod."

"Sa puwet naman 'yon noh!"

Natutop ni Andrea ang bibig sa huling nasabi niya. Nagkatinginan silang dalawa saka napabunghalit ng tawa.

WALANG IBANG magawa si James kundi habulin ng tanaw ang papalayong si Andrea habang kaagapay sa paglakad ng ibang lalaki.

Kinausap na siya nito na si Zack muna ang sasamahan dahil ito talaga ang nag-aya sa dalaga. Labag man sa kalooban ay pumayag na siya sa pakiusap nito dahil ayaw ng dalaga na masira ang selebrasyon ng mga ito.

Tinapik siya sa balikat ni Richard nang makababa na ang mga ito sa sasakyan. "Tara na!" Yakag nito sa kanya.

"GANDA MO Andrea." Palatak ni Tess habang nag-aayos sila ng mga damit na gagamitin sa paliligo. Isang kwarto ang inukopa nila sa loob ng hotel ng beach resort.

Nakakamangha ang kagandahan ng dagat na kumikislap ang mga alon sa sinag ng araw na tanaw mula sa window glass ng silid na iyon.

Nangunot ang noo ni Andrea sa sinabi ng kaibigan.

"Imagine, dalawang nag-gugwapuhang lalaki ang nag-aagawan sa'yo." Dugtong nito sa sinabi.

"Iyan ang isusuot mo?" Sa halip ay saad niya nang makita ang inihanda nitong pampaligo. Two piece swim suit kasi ang inilabas nito buhat sa gamit na bit-bit nito.

"Oo, bakit? Sexy naman ako ahh.. atsaka siguradong mga sosyal ang mga taong nandito dahil pang mayamang resort 'to no! Ayokong magmukhang ewan."

Natawa nalang ang dalaga sa reaksyon ng pagkakasabi nito.

"Halika na nga baka naghihintay na sila Zack sa restaurant." Aniya.

Sa restaurant ng hotel kasi nila napagkasunduang magkita-kita pagkatapos iayos ang mga gamit nila sa gagamiting silid.

"Sige, susunod na 'ko." Anitong sinisipat parin ang sarili sa harap ng salamin.

Napapangiting tinungo na niya ang pinto.

NAPATDA si Andrea nang may biglang humawak sa kanyang braso pagkalabas ng kwarto.

"James? Anong ginagawa mo dito?"

Sa halip na sagutin ay sinipat nito ang kabuuan niya, mula ulo hanggang paa. "Iyan ang isusuot mo?" Kunot noong tanong nito.

She was wearing a maong short na tumambad ang kanyang mapuputi at mahahabang biyas na tinernuhan ng lose t-shirt na lumabas naman ang kabila niyang balikat. She tie her hair-up na naglantad naman nang kaniyang makinis at maputing likod.

"Anong mali sa suot ko? Kailangan bang nakapantalon akong mag-swimming?"

"Pwede. Ang pangit n'yan, hindi bagay sa'yo." Sarkastikong saad nito at tinalikuran na siya.

Napamaang na naiwan ang dalaga.

"BAKIT BA HABANG tumatagal lalo s'yang gumaganda?" Bulong ni James sa sarili.

My Innocent Distraction [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon