Fangirling

42 8 2
                                    

Naranasan mo na bang magmahal ng taong hindi ka kilala?
Akala ko sa una, paghanga lang pero hindi pala.
Gumising nalang ako isang araw na siya na nasa-isip ko. Hanggang sa araw-araw ko na siyang ini-stalk at napapamahal na ako sa kanya.

Yung tipong gigising ako nang maaga para lang makapagtweet.
Maraming tao ang nakilala ko.
Iba't-ibang grupo ang sinalihan ko.
Araw-araw namin syang napag-uusapan. Ang sarap sa pakiramdam na mahal kami ng idol namin.

Dumating yung araw na in-announce niya na may special nang nagpapasaya sa kanya. Yung yung may girlfiend na siya.
Lahat kami nagulat.
Umaasa kasi kami sa sinabi niyang may chance na ma-fall siya sa isang fangirl pero wala na, binitawan na niya.
Sa tuwing nakikita ko ang mga pictures nila, unti-unting nadudurog ang puso ko.
Anong magagawa ko?
Kelangan kong tanggapin na may girlfriend na siya at siya na ang number 1 fan niya.

Kung saan siya masaya, dun na din ako sasaya.
Masakit man tanggapin pero paano kasi isa lang naman akong hamak na fangirl sa buhay niya.
I will always be his fan but never his girl.

Fangirling (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon