Junell's Pov
Naglalakad ako ngayon papunta sa bahay nila ivan para makasabay ako sa kanila na pumasok. Pag kadating ko ay inabutan ko sila na paalis na.
Wait lang!. Sigaw ko para tumigil sila. Huminto naman sila at hinintay akong makalapit.
Magandang umaga!. Bati ko sa kanila na punong puno ng energy. Binati din nila ako at nag lakad na kami para makapasok na. Pag karating sa school ay dumiretso kami sa room. Nadatnan namin si maam na nagtuturo na kaya di kami pinapasok .
-_-kamalas!. Sigaw ko
Sinabi mo pa!. Pag sang ayon ni andrei. Habang nasa labas ay nakita namin si andrea papunta palang sa room.
Good morning :) anong ginagawa niyo dito sa labas? Bakit di pa kayo pumapasok?. Pagtatanong ni andrea
Nasa loob na kasi si ma'am. Di na kami pinapasok. - andrei
So saan tayo ngayon?. - andrea
Tara nalang sa club room!. Pagaaya ko sa kanila. Sumang ayon naman sila at nagsimula na kaming maglakad. Ilang minuto lang ay nakarating na kami.
Wala pa si lordy. - ako
Syempre!. Nasa room pa nila yon. May klase pa ngayon!. -pasigaw na sabi ni andrea
Anong section ba yon? Tara sunduin!. - ako
Di mo ba narinig yung sinabi ko!. May klase pa. Imposibleng masundo natin yon!. - andrea
Ano ngarod gagawin natin ngayon? -junell
Tara nalang mag linis linis. - ivan
Huhhhhh!. Bakit? Pagungol ko
Kasi madumi itong clubroom. -andrei
Urrrggggg. Sige na nga! Napilitan kong pagsangayon sa kanila.
Game!. pasigaw na sabi nung tatlo. Ano bang meron sa paglilinis?. Bakit excited sila?. Hayyy! D ko sila magets.
At nagumpisa na kaming maglinis. Napakadumi pala dito. Kadaming alikabok!.
Nang matapos kami sa paglilinis ay nagpahinga kami saglit. Ilang sandali lang ay may biglang pumasok sa club room. Si lordy.
Aga nyo ngayon ah!. Pasigaw na sabi ni lordy
Di kami maaga , late ka lang dumating!. May pag ka sarkastikong sabi ni andrea
Haha ganun ba. - lordy
Ano gagawain natin ngayon? - andrei
Tutugtog at kakanta!. Masiglang sabi ni lordy
Malamang!. Kaya nga light music club pangalan ng club na to eh. may pagka sarkastikong sabi ni andrea. Tsk. Kainis talaga tong babaeng to.
(Tok tok tok) may kumakatok sa pinto.
Pasok!. masiglang sabi ni lordy. Sino naman kaya to. Sana bagong member.
Anong ginagawa niyo? Diba dapat nagpapraktis kayo ngayon?. Pagtatanong nung babae. Tapang ng lahi nito ah.
Uhmmm. Oo, maguumpisa na nga kami eh. Pagpapaliwanag ni lordy. Pumasok ang babae sa loob at biglang natulala si lordy 0.0 maganda kasi yung girl. Baka nainlove sya.