Aquisha POV
"AQUISHA !!! "
yan ang nakakabulabog na boses ang gumising sa aking napakahimbig na pagtulog -_-
Naman eh ~T_T~"OPO MA SAGLIT LANG PO"
sigaw ko pabalik , inaantok pa talaga ako kakabasa ng horror story kagabe di ko namalayan na 1 na pala ng madaling araw. Ang sarap kaya magbasa pag ikaw lang mag-isa tapos walang ilaw ramdam na ramdam mo yung story . Makabangon na nga .
So yun bumangon na'ko at pumuntang banyo para maligo wala naman akong magagawa eh.Anyway ako nga pala si Aquisha Nicole Reyes , 16 years old ,di kagandahan pero mabait,di katalinuhan pero talented, may mama at papa nagiisang anak. Yun lang, Bow *^▁^*
"Ma alis na ako"- ako
Sabay kiss kay mama sa cheeks nga pala grade 10 nako nakakaasar nga ba't napasama ako sa k-12 na yan -_-!*BEEEEPPP*
"Ate magpapakamatay kaba?? Ang luwag-luwag dun sa gilid dito mo pa napiling magdaydream sa gitna ng kalsada, uso gumilid di yun nakakamatay"
kahit di na ako tumingin kung sinong hampas lupa ang may ganang sumigaw sakin ng ganyan,kilalang kilala ko ang boses na yan.
Yan yung boses na nakakapag-pa buo ng aking araw, boses yan ng aking my labs ::>_"Aba di pa natinag, gusto mo talagang sagasaan kita jan nu? O sige madali naman akong kausap"-my labs
Kahit ganyan yan sakin mahal na mahal ko parin yan,kahit araw-araw niya akong sungitan ayos lang sakin kasi mahal ko siya! Ay ang landi pakinggan nagmukha akong desparada!
"Oh ayan na po KUYA nakakahiya naman sayo nasisikipan ka jan sa gitna na kung tutuusin na mas maluwang kaysa dito sa gilid"-ako
minsan niirita ako sa kanya kasi papansin kahit di siya inaano, nagtataka nga ako bat ko to minahal eh.
"tss daming satsat di nalang gumilid"-my labs
"Wala kang pake ! Papansin pwee!"-ako
Sabay dura sa harapan niya ! Bastos na kung bastos, badtrip ako, wag niya kung inisin jan kahit mahal ko siya di niya ko mapipigilan."Yuck!"-my labs
"Arte mo!"
Yun nalang nasabi ko kasi umalis na siya, nga pala pangalan ni my labs ay Mckenzie Sweden oh diba bongga ng pangalan, mabait naman siya pero madalas may topak. Matalino top 1 sa buong campus, gwapo sobrang gwapo pang kapre lang yung height niya.Sa sobrang badtrip ko di ko namalayan na nasa school na pala ako, umakyat na ko sa room namin dun sa 4rt floor bawal gamitin yung elevator kung walang emergency .
Habang papaakyat ako sa third floor may nakita akong apat na baliw na papalapit sakin tatlong babae at isang lalaki na di ko maintindihan kung lalaki ba talaga, sila ang mga baliw kung kaibigan.
"TEKA AQUISHA , HINTAYIN MO NAMAN KAMI!!!"
Sigaw ni Damie ng pagkalakas lakas na umabot hanggang first floor , ganun kalakas ang boses niya .
"Manahimik ka nga, nakakahiya! Ang panget pa naman ng boses mo"
Sabi ko pagkalapit nila sakin , nakita ko yung mukha ni Damie na parang pinagbagsakan ng langit at lupa hahaha :D
"Grabe ka saakin sha huhuhu"
Sabi ni Damie with matching punas sa mata na wala namang luha. Hahaha sarap pagtripan ng isang to!"Ang arte mo,totoo naman na panget yang boses nakakasura"
sabi ni Roxeth na parang nasusuka"Hahahahaha"
Tawa naming tatlo ni Judy Mae at Alexis"Anu ka ngayon! Hahaha"
Sabi ni Alexis habang inaayos yung nagulo niyang buhok kakatakbo"Kawawa ako sa inyo ~T_T~"
Pag iinarte ni Damie, haha lalak ba talaga to ??
"LALAKI ako isha! 100% baka gusto mong buntisin kita"
Luh ! Mind reader ata tong si Damie akalain niyo nabasa ang nasa isip ko,Galing ^-^"Wala naman akong sinabi ah? Napaghahalataan ka"
Asar ko sa kanya na lalong nagpaasim sa kanyang napakagwapong mukha ^_^v gwapo kaya si Damie ang kaso Maganda din siya :)"Kahit hindi mo pa sinasabi nakikita ko jan sa panget mong pagmumukha:P"
"Maka panget ka sakin kala mo naman ang gwapo"
"Gwapo naman ako ah,bulag kalang talaga kaya di mo makita"
"Ewan ko sayo ! BAKLA!"
"DI AKO BAKLA"
"BAKLA BAKLA BAKLA"
patuloy kung pangaasar sa kanya , aba! Alam ko di ako maganda tanggap ko yun kaso pinapamukha niya sakin eh mashakit kaya T_T"Tumigil nga kayo,mamaya kayo magkatuluyan nyan , sige kayo"
asar ni Judy Mae samin
"YUCK/ASA"
sabay naming sabi ni Damie like seriously?? Kami magkakatuluyan?? Over my dead Body !!Di nalang ulit kami umimik kasi medyo nakakahiya na sa mga nanonood ginawa kaming mga artista. Mabuti sana kung may bayad :)
Pagpasok namin sa room ganun parin,maingay parin lalo na si Jhenniely at si Joriza kung magtawanan parang wala ng bukas.
Pagka-lapit ko sa upuan ko lumapit sakin yung isa kung classmate may naghahanap daw sakin,kaya nilapag ko muna yung bag ko sa upuan tsaka lumabas ulit,ang saya nga eh kakapasok ko lang lalabas na agad , back in fort, back in fort lang kung baga *note the sarcasm tone*
Pagkalabas ko nakita ko si Russel na naghihintay sa may gilid ng pintuan kaya lumapit ako sa kanya."Bakit,ssel?"
tanong ko pagkalapit ko sa kanya , ssel tawag ko sa kanya kasi nahahabaan ako sa pangalan niyang Russel
"nakalimutan ko palang sabihin sayo na may practice tayo ng sayaw mamaya para sa upcoming events this month"
Sabi niya na medyo lumilingon sa likod ko kaya tumingin din ako sa likod ko tapos tumingin ulit sa kanya"Ah okay, mabuti nalang may extra shirt ako dun sa locker,teka sinu ba yung hinahanap mo?"
"mabuti naman kung ganun, si Jhenniely hinahanap ko din, pinapahanap kasi siya ni Luhan pinapasabi na di siya makakasabay ngayong breaktime kasi may gagawin daw sila "
sabi niya at tumangin ulit sakin"Ah sige sasabihin ko nalang sa kanya,pumasok kana baka malate kapa"
sabi ko at umalis na nga siya,ako naman lumapit kay Jhenniely na nakikipagtawanan padin kay Joriza."Bakit?"
Tanong sakin ni Jhenniely na parang naiirita, grabe tong babaeng to wala pa nga akong sinasabi parang pinapalayas nako,eh yaan na sanay nako sakanya may pagkamataray talaga ang isang to!"Pinapasabi ni Russel na sabihin ko daw sayo na di makakasabay si Luhan sayo mamayang break kasi may gagawin"
sabi ko na medyo naiirita din , kasi habang sinasabi ko yun nakataas lang ang kilay niya sarap ihitin yung kilay bwesit ! Hhmmmpp kala mo naman maganda ! Joke maganda nga si Jhenniely kasi boyfriend niya si Luhan na Hearthrobe naman ng Campus na kaibigan ni Mckenzie my labs 0^◇^0)/"At bakit naman?"
"Aba malay ko, inutusan lang naman ako na sabihin sayo!"
"Bat ka nagagalit tinatanong lang naman kita?"
"Nakakairita kasi yang pagmumukha mo eh sarap buhusan ng asido"
Sabi ko nalang at umupo ng padabog sa upuan ko sa may bandang likod nila Jhenniely ! BADTRIP ! tagal ni ma'am anung oras na oh !"Chill boy ! Alam mo naman yung ugali ni jhenniely"
Sabi sakin ni Alexis na katabi ko sa right. Tumango nalang ako at tumingin kay Judy Mae na nagdo-doddle at kay Damie na nagsa-soundtrip at ang ugok nakangiti pa ng mapangasar ! Bwesit yon !!
------*******
A/N:
Sa wakas natapos din tong Chapter 1 ilang beses ko tong denelete eh napapangetan kasi ako. Kung napapangetan kayo uso magcomment sabihin niyo kung panget kasi ede-delete ko tapos papalitan.
Nga pala kaway sa mga nabanggit na mga pangalan *^O^* hehehevote & comment
Xoxo/saranghaja/gomawo
BINABASA MO ANG
It's a SECRET
Fanfiction"I don't know you" Mga salita na nanggaling sa taong mahal na mahal niya. Di niya akalain na sa kabila ng kanilang pinagsamahan magagawa niya itong sabihin sakanya.