Tao POV
"Mimi,Mimi wag mo akong ewan please waaaaa"
binilisan ko pa yung pagtakbo ko habang tinatawag siya. Grabe bat ang bilis niyang maglakad? Tumigil siya sa paglalakad at tumingin siya sakin ng nakataas ang kilay.
Ang cute pa din niya kahit nakasimangot siya at nakataas ang kilay. Mas lalo tuloy akonh naiinlove."Ano na naman ang problema mo?!"
Sabi niya habang nakacross yung mga braso niya sa dibdib."San ka pupunta?"
"Magsisimba bakit?"
Nakataas yung kilay niya habang sinasabi yun. Pero Nagsisimba? Siya?? Di halata sa mukha niya ang taray niya kaya at napaka sadista pa.
"Nagsisimba ka?"
"Gago!"
O kita niyo na. Ang lakas makamura. Ganyan ba yung nagsisimba??"Anong akala mo sakin makasalanan? Di ako tulad mo na makasalanan"
Grabe naman to. Makasalanan talaga yung term na ginamit di ba pwedeng sinner para mas katanggap tangap. Joke"Oi ang bait ko kaya"
"Wateber"
Sabi niya at iniwan na niya ako. Nasasanay na siyang iwan-iwanan ako ha. Aba di makatarungan yun nakakasira sa image. Puta may image!!
"Teka"
Hinabol ko siya. Ang bilis talaga maglakad ng isang to."Sasama ako!"
Ewan ko ba bat ko yun nasabi basta ang gusto ko lang ay masama siya ngayong araw. HeheLumingon naman siya sakin ng dahan dahan tas unti unting tumaas yung kilay niya. Napaka suplada talaga ng mahal ko.
"WEH?"
Kita niyo to. Ginagawa talaga akong masama . Di na ba pwedeng sumama i mean magsimba ang kagaya kung gwapo?
"Oo nga! Sasama ako"
Di nalang siya nagsalita at nagtuloy tuloy na siyang maglakad. Parang nahihirap siyang maglakad dahil sa mga dala niyang mga libro. Pwede naman kasing iwan nalang sa may locker yung mga libro tutal tapos na naman yung exam namin eh bakit kailangan pa niyang dalhin lahat.
"Ako na magdadala ng gamit mo babe"
Hehe syempre bilang gentleman at gwapo kailang kung magpakabait para makascore malay mo gusto din ako ni Mimi. Syempre din bilang isang babae si mimi kailangan niyang magpakipot pero deep inside kinikilig yan.
"URGH"
aray ko po ! Grabe walang awa sakin. Bigla ba namang ibagsak sa nahalahad kung mga kamay yung sangkatutak na mga libro, natamaan pa yung abs ko ang sakit. Tapos yung bag niyang mga bato ata ang laman sa sobrang bigat at isang pang envelope. Wala man lang pakundangan.
Wala na siyang dala maliban sa panyo samantalang ako dalawang bag, napakaraming libro at isang envelope.
"Oy san ka pupunta?"
"Eh di lalabas"
"Andun kaya yung parking"
"Sino bang nagsabi sayong magko-kotse tayo. Magko- commute tayo para mabilis ayaw kung malate sa church at isa pa hindi pwede yung kotse dun"
"Hindi pwede? Anong klaseng simbahan yun?"
"Eh di simbahan pa din,tssk"
Parang pinapahiwatig pa niyang tanga ako. Di ba pwedeng nagtaka lang. Ngayon lang kasi ako nakarinig na bawal ang mga sasakyan sa simbahan.
BINABASA MO ANG
It's a SECRET
Fanfiction"I don't know you" Mga salita na nanggaling sa taong mahal na mahal niya. Di niya akalain na sa kabila ng kanilang pinagsamahan magagawa niya itong sabihin sakanya.