Ngiti {Mystery/Thriller}

1K 23 10
                                    

Hanggang anong punto mo masasabing ngiti ang isang ngiti?

 

Tandaan: Hindi lahat ng ngiti ay ngiti. :)

 

 

—x



Hindi ko naman sinasadya, nadala ako sa galit at sa matinding pagkainis.


Nung araw na 'yon, na napagdesisyunan kong ipakulam si Melya, ay ang araw na isa pala sa mga araw na pagsisisihan ko sa buhay ko.


Si Melya, siya ay isang mabuting kaibigan, lagi ko siyang nginingitian at ganoon din siya sa akin, minsan nagkaka-usap kami, minsan naman ay ngitian lamang.


Siya kasi ay Bikolana, ako man ay Bikolana ngunit mas matimbang ang pagiging Bisaya.


Nang isang araw ay mangutang siya sa akin, ay pinautang ko siya.


Ngunit pakiramdam ko'y naging malabis siya sa akin kung kaya't isang araw ay sinugod ko na siya sa bahay nila.


"Melya, magbayad ka naman ng utang mo."


"Tessa, pasensya ka na. Wala pa akong maibabayad sa'yo, alam mo namang may sakit ako."


"Oo, alam ko 'yon! Pero aba'y! Magbayad ka na ng utang mo, magi-isang taon na 'yon!"


"Tessa, pasensya, wala talaga akong maibibigay sa'yo."


"Ehh, gago ka pala eh! Mangungutang-ngutang ka tapos hindi mo naman kayang bayaran."


"Wag mo akong murahin.."


"Ewan ko sa'yo, magbayad ka ng utang mo ng hindi ka mamura!"


Umalis na ako. Labis yung inis at galit ko ng mga panahong iyon. Kinabukasan ay umalis ako papunta sa probinsiya namin sa Visayas.


Inabot ng halos 3 araw bago ako makarating sa probinsya ko.


Nung una'y, hindi naman sumagi sa isip ko na ipakulam siya, ngunit dahil sa inis ay nagawa kong ipakulam siya dahil ang lakas ng loob niyang sigawan din ako, eh siya na nga 'tong naka-agrabyado eh.


Gamit ang panyo at larawan na huling ginamit ni Melya ay naisakatuparan ko ang pagpapakulam. Para lang matuto siya ng leksyon. Alam kong hindi naman malala ang sakit niya, umaarte lamang iyon para kaawaan siya.


Makalipas ang dalawang linggo ay nagimbal ako sa balita sa lugar namin.


Patay na si Melya.

 

Ni hindi ako makabisita sa lamay niya na nalaman kong magtatatlong araw na.

Compilation of One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon