CONVERSATION. LALALALA~
Naaalala mo pa ‘yung sinabi ko sa ‘yo dati?
Anong era pa ba ‘yun? Andami mo naman yatang sinabi.
Naaalala mo pa ba ang sinabi mo sa ‘kin dati?
Ay ba’t nag-iba agad ang tanong? Alin dun?
Hindi mo naman talaga sinabi sa akin ng harap-harapan. Nahuli lang kita, or let’s say nadinig ko ng hindi sinasadya..
Hala, wag mong sabihing...
..Sabi mo crush mo ako.
Sabi nga ba! Eeeeeh, namumula ako, alam ko!
..Na gusto mo ako.
Ano ba?! Nakakahiya sa ‘yo eh. Tsaka, take note, crush lang ‘yon!
Kapag crush mo ako, ibig sabihin gusto mo ako, kahit konti lang.
Kelangan me AKO pa talaga? O, eh ano ngayon? Matagal na ‘yun.
Katahimikan.
Alam kong binabagabag ka pa rin ng sinabi kong may gusto na rin ako sa ‘yo, kahit konti.
Namumula na nga talaga ako, huhu. Bakit kailangan ganito ang pinag-uusapan namin? Teka, ang tapang-tapang mo namang mang-akusa na palagi ko ‘yung naiisip...na iniisip kita palagi. Pero totoo naman, syet! Ayokong magbigay ng kahit anong klaseng statement.
Di bale.
Bigla nya akong inakbayan.
Eek!
Ako naman ang dadaldal ngayon. Sabay ngiti. Ng nakakatunaw.
Ay, may sasabihin pala ako.
Ano?
As a friend, gets? Di ba ‘yun ‘yon? You liked me as a friend? ‘Yung super gustong-gusto mo ako bilang kaibigan. ‘Yung parang papasa na akong best friend.
Hindi. Friendzoned, ganoon ba?
Oo, hindi ba?
D’yan ka nagkakamali, Sisa. Huwag mong bibigyan ng ibang interpretasyon ang sinabi kong iyon. Alam mo naman kaming mga lalaki, madalas straight to the point.
Ay basta iyon ang gusto kong paniwalaan.
Paniwalaan mo kung ano ang katotohanan. Sabay higpit ng pagkakaakbay niya sa akin.
Alam mong gustong-gusto ko nang alisin ‘yang pagkakaakbay mo sa akin?
‘Wag ka nang maarte. Gusto mo naman eh. Di ba nga crush mo ako? Treat it as a fanservice.
Crush-crush at fanservice-fanservice mo d’yan!
Ginamit ko ang buo kong lakas upang kumawala sa kanya. Wala eh. Hindi kaya ng powers ko ang higpit ng hawak niya.
Huwag ka ngang malikot bata. Paparusahan kita.
Bilhan mo na lang ako ng ice cream. ‘Yung strawberry, 1.5 L. Basta’t sosyal ang brand, bigla kong tugon sa kanya.
Natawa siya. ‘Maya na.
Talaga? Yaaaaaay!!! Libre mo? O utang lang?
Pagkatapos ng parusa.
Tumahimik ako. Hindi pa rin kami tumatayo mula sa pagkakaupo sa bench na iyon.
Teka, nalalayo na tayo sa topic.