Chapter 1

28 3 0
                                    

Red Velvet..

Zeesha's POV

May 4 na building

2 maliit na canteen

Walang silid na may aircon

No free Wi-fi

Kahoy ang upuan

Terror ang teachers

Yan ang school ko..
Oh well, ganda ng school namin noh.. Huwag kayong mag-inarte ha, di kami mayaman..

Ay ako nga pala si Zeesha "Ganda" Mhaye Valle, 15 years old, Philippines! Haha, oh well.. 3rd Year High School..

Isang ordinary day to, 6am ang pasok..
Martes ngayon, unang subject..

Filipino..

Mababait naman ang teacher dito noh, kaya lang pag sa labas lang ng eskwelahan.. Kase pag oras ng klase, guro mo sila at estudyante ka nila.

"Ilabas niyo na ang binigay ko sa inyong takdang-aralin kahapon" sabi ni Mrs. Garcia

"Oyy, Zee-zee may assignment ka? Huhu, pakopya! Takte nakalimutan ko eh" sabi ni Micanella

Friend ko si Mica, 4 silang kaibigan ko eh.. Sa susunod ko na ipapakilala iba..

" Tse! Oh eto, dalian mo ahh, makita pa tayo ni Mam lagot tayo. Tatalakan tayo sige ka!" pananakot ko sa kanya

Natapos na ang Filipino, susunod naman Math..

Whahaha! Oh well, di sa pagmamayabang pero magaling ako sa Math..

"Oyy, Zee-zee, mamaya ulitin mo yung ituturo ni mam ha, di ko talaga magets yung paliwanag niya eh, sayo naiintindahan ko.." bulong niya sakin.. Tumango naman ako bilang sagot ...

"Hehe,Labyu na.. Whaha, libre kita mamaya.." sabi pa nya sakin

"Loko usmrrr.. Kaya di ka natututo eh, di ka nakikinig... Tigilan mo na nga yang kakatingin kay Zander na crush mo" sabi ko.. Umirap naman ang loko..

"Umaasa ka na lang dyan lagi.. Di ka mapapansin nyan.. Haha, hanggang chat na lang kayo close.. Haha" sabi ko pa

"F*ck you Zee pramis, puta, panira ka ee" inis na sabi niya at tinuloy ang pagtitig kay Zander

"May mga bagay na kailangan nang bitawan kahit gusto mo pa kasi masasaktan ka lang.. Minsan mas masakit umasa kaysa sa bumitaw. Mas unahin mo yung mga bagay na kailangan mo kaysa sa mga gusto mo, tulad ni Zander" dagdag ko pa

" Eto na nga mag-momove-on na eh, nahiya naman kasi ako sayo eh no.. Niloko ka nga, mahal mo pa rin.. Pinalitan ka na nga at lahat-lahat mahal mo parin.. Aba edi ikaw, ikaw na nag-prove na may poreber, poreber kang gaga kay Frency" banat naman nito

"Aba loko, ibang usapan na yan ahh.. May pag-asa kasi ako, eh ikaw wala" sagot ko at nagtawanan kami.. Natinag kami sa pagtawa nung nagbigay na si mam ng quiz..

"Mam, may I go out po?" tanong ko kay Ms. Luceens nang matapos akong magsagot sa mga quiz na binigay niya..

"Oh sige, dalian mo magchecheck pa tayo" tugon nito..

Habang naglalakad papuntang banyo, nakaramdam ako ng init,wooh! Parang basa ah!

Dali-dali akong pumuntang banyo, tinignan ko sa salamin yung sarili ko.. Iba pakiramdam ko ah! Nang matapos akong mag-ayos ng sarili, lumabas na akong banyo..

May iba talaga akong pakiramdam eh.. Hayysstt.. Mangilan-ngilan ang nakakasalubong ko na estudyante kasi oras ng klase..

Tingin sila ng tingin sa akin.. Ganun ba ako kaganda?. >_ ka-flatter ha..

Nang malapit na ako sa classroom namin.. May kumalabit sakin.. Nilingon ko naman siya..

Oyy shett! Gwapo mga ineng! "Ahh, bakit?" tanong ko..

Tinalikod nya ko at niyakap! Pota, ganun talaga ako kaganda?! Shett.. Kalurkey ha!

Nang kumalas siya sa akin.. May jacket na nakatakip na sa may likod ng pwet ko.. Nang humarap ako sa kanya, kumunot noo ko at nag what-the-hell-is-this-look..

Ngumisi sya.. Ay shett! Makalaglag bra! Wag na panty, gasgas na ee XD Ang gwapoo! Ulam! Whoooo! Jackpot!

Unti-unting lumapit yung mukha niya sa mukha ko! Ohh shwett! Makulett! Is he will going to kiss meh?! The fudge di ako ready, pero sige para sa kanya gora na!

Yannn naa! Ohemgee.. Pinikit ko na mga mata ko.. First kiss ko!

5

4

3

2

1

Oyy teka? Bat di Pa dumadampi lips nya? Minulat ko mata ko, shett nakangisi sya.. 1 inch na lang pagitan ng mukha namin! Ang tagal ahh!

Lumapit sya sa tenga ko! Fudge nakakapanghina ng tuhod!

"Waiting for my kiss huh.. Hey miss, may red velvet ka" bulong niya sakin

?? Huh? Red velvet anu yon?

"Huh? Ano yung red velvet?" tanong ko sa kanya

Lumapit ulit sya at sinabing

"Period"

Umakyat lahat ng dugo ko sa mukha sa kahihiyan! Shett lang kaya pala!

"Re-regla?" pangungumpirma ko..

Tumawa siya at bumulong ulit " Oo"

Shetr!! Huhu! Assuming kamg bata ka !! Huhu..

Bigla akong tumalikod at tumakbo! Shettness kahihiyan! Huhu! Malas! Gwapo pa nagsabi ! Huhu!

"Hoy miss, pasalamat ka naman!" sigaw niya..

Huminto ako sa pagtakbo.. Shettness, may utang na loob ka sa lalaking yun

"Thank you!" sigaw ko rin..

"WAIT!" sigaw ulit nya.. Usmrr ano pa ba? Huminto ulit ako..

Narinig ko papalit sya sakin! What should I gonna do?! Huhu!

Iniharap niya ako sa kanya

At..

Ki-niss ako.. Wahh!!
Ki-niss nya ako sa cheeks!!
Grabe naman.. Wooh, mas lalo akong nahiya.. Huhu.. Feeling ko pulang-pula nako..

"See you again, Ms. Red Velvet" bulong niya sakin at sandaling tumawa at dali-daling tumakbo..

Nanigas ako sa kinatatayuan ko! Wahhh!! Ohmyjellycow! Hottness niyaaa! Wahh..

Nakagalaw na lang ako nung nag-ring na yung bell na hudyat na recess na..

Waa! Labyu kuya, gwapo mo shett! Gusto kong isigaw sa kilig!

----------------------------------------------

Hahaha! Boto niyo po mga kababayan at putok, isinama niyo na ang pandesal at ensaymada XD

FILLINGERA102♡

Damn his heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon