'Wag kang maingay jan!

4.1K 72 35
                                    

Hi mga nilalang :D Just want to inform you. Softy copies are done. You can visit my profile for links. Cover by RolandSale. Apir tayo kuya! Wahaha. Anyway, ENJOY.

*

"OKAY guys! Wala si miss Ira ngayon kaya may seatwork tayo." saad ng Class President namin na si Umie Espano. (pronounced as Oooh-mi Espanyo)

Nabalot ng 'Ayluh naman!' 'Grabe UMIE' 'Anobayaaaaan!' ang buong room. Nakakainis nga naman kase talaga. Araw araw kase kaming may assignment. Tapos kakapasa lang nung project namin sa Drafting. Ipapasa within 2 DAYS lang yun. Ang kurakot pa ng titser. Shet lang.

Nagulat kami ng biglang kumalabog yung main table sa harap. 

"Kayo! HAHAHA. di talaga kayo mabiro no? I'm just messing with ya. Free hour ngayon. Go nuts!" sunud-sunod sa sabi ni Umie habang tumatawa.

WOW! Sa wakas! Naghiyawan kami sa tuwa. Syempre mga tol! Minsan lang kaya 'to. Ang hirap talagang maging first section. They expect the best from us. Best bestin ko mukha nila e. Nakakasuya na.

Sumigaw si Umie ng 'HOY YUKI! NO RUNNING IN THE HALLWAY!!' habang naglalabasan yung iba kong kaklase. Kami naman nila Pepper at Dawn, mga kabarkada ko, nanatili sa room.

"Sora! There's Umie o! Chance mo na 'to tol!" ulok sakin ni Pepper.

" Ano kaba tol! Diba may codename tayo?! SI CUTIE! Tanggala naman."

Ewan ko na lang talaga kung anong mangyayari sa masasaya kong araw sa buwan kapag nabuko ako ngayon. Wala kasi akong maisip na codename e, kaya CUTIE na lang. Shet. Ang bakla.

As usual, inulukan na naman ako ng dalawang to na magkwento tungkol sa kanya.

Hindi kasi kami close ni Umie. Heck we're not even friends. Rivals kase kami since grade school. Ako yung Top 2 at siya naman ang top 1. Lagi lagi yan. Walang palya. Kahit ngayon, ganyan pa din ang sitwasyon namin. Sa totoo lang, mabait naman siya. Ang kaso lang, once nainis siya or nagalit, trust me, lumayo-layo kana. Kung hindi, goodluck sa'yo. At isa pa! Palagi niya din akong pinapagalitan! Kesyo ang ingay ingay ko daw. Teteypan na daw niya yung bunganga ko. E langhiya mas madaldal pa nga sa'kin si Dawn e. -.- Siya lang naman lagi naming pinag-uusapan. She's fierce and at the same time, nice. I love her for that.

" OO TOL! ANG CUTE NI CUTIE NUN! HAHAHAHAHAHA!" Mejo napalakas yung sabi ko kaya napatakip na lang ako ng bibig.

Napatingin ako sa mga kausap ko. Tang-lolo. Nanlalaki yung mga mata nila habang nagwawaterfall na yung mala-raindrop nillang pawis. SHET!

" H-Hi U-Umie?" nangangatal na yung panga ko sa sobrang nerbyos at takot. Nararamdaman ko na yung dark aura niya! SHET! AYOKO PANG MAMATAY! NANAY KO PO!

"HOY SORA! Ilang milyong beses ko ba sasabihin sayo HA?!" She grabbed my collar and...

" WAG KANG MAINGAY JAN!! " sinigawan niya sa ko sa mukha. Sabay bitaw ng collar ko. Did I mention? Malakas ang pagkakatulak niya sakin kaya muntik na kong matumba. -.-

'Wag kang maingay jan!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon